Chapter 26

395 50 8
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

"Brandon,"

Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya. Wala akong pake kahit maabutan kami nila Mitzy basta kasama ko si Brandon.

"Tangina, ang bagal mo kasi e!"

Agad akong bumitaw kay Brandon at hinarap ang dalawa, parehas silang pagod at nag-hahabol ng hininga.

"Nandito na pala sila e." Sabi ni Mitzy.

Tinignan ko si Brandon at Tim na may pag-aalala sa mukha. No, hindi pwedeng mawala pa sa'kin ang dalawa sa importanteng tao sa buhay ko.

"Tama na Mitzy please! itigil niyo na 'to, wala rin naman itong pupuntahan e." Pagmamaka-awa ko.

Muli nanaman silang tumawa ng sabay.

"Meron Primo! kita mo, dumating silang dalawa." Tinuro niya ang dalawa sa likod ko.

"Cedric please, masaya na ako..." Hinawakan ko ang kamay ni Tim. "Ayoko ng bumalik sa'yo, hindi na kita mahal!" Ani Tim na siyang nagpa-igting sa panga ng asawa.

Nakaramdam ako ng takot pero mas pinili kong h'wag ipakita ito.

"Matapos lahat ng ginawa ko sa'yo, sasabihin mo hindi mo ako mahal?" Bahagya itong humakbang palapit na siyang nagpa-atras sa'min. "Gago kaba Timothy, hindi mo alam ang hirap na pinagdaan ko dahil sa'yo, tapos sasabihin mo sa'kin 'yan!"

Halos kapusin ako ng hininga ng mag-labas ito ng baril mula sa likod niya at itutok ito sa'ming tatlo.

"Tama na, Mitzy!" Matigas na saway na Brandon sa babae.

Wala akong nagawa nang humarang sa'min si Brandon, ngayon ay nasa likod niya kami ni Tim.

"Brandon, hindi kaba naawa sa'kin? nawalan ako ng anak!" Halos umiyak na ang Babae. "Dahil sa pag-iwan mo sa'kin Brandon, nakunan ako! nawalan ako ng anak—anak natin." dagdag niya.

"Hindi ko anak 'yun Mitzy, kung sana nakinig ka sa'kin at hinanap ang tunay na ama no'n ay hindi mangyayari sa'yo 'yon."

Napa-kapit nalang ako sa damit ni Brandon.

Please Brandon h'wag mo silang gagalitin, wala tayong laban sa kanila. May baril sila...

Nagtayuan ang balahibo sa katawan ko ng malakas na sumigaw si Mitzy, kinuha niya ang baril mula kay Cedric at itutok ito kay Brandon.

"Tangina mo Brandon! mahal na mahal kita! pero sinayang mo ako!" Umiiyak na sigaw ni Mitzy.

Sobrang natatakot nako dahil kita ko ang galit sa mga mata niya, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya, baka mamaya bigla niya nalang iputok sa'min ang baril na hawak.

"Huminahon ka Mitzy! kapag nabaril mo 'yang asawa ko ako papatay sa'yo!" Pilit pinapahinahon ni Cedric ang kasama at dahan-dahan kinuha ang baril.

Nang makuha ang baril ay napa luhod nalang si Mitzy habang umiiyak.

Hindi ko maiwasan maawa sa kaniya. Dahil sa labis na pag-mamahal niya kay Brandon ay nagawa niya ang mga bagay na 'to, totoo ngang nakaka-takot ang pag-mamahal.

"Ikaw!" Tinuro niya si Tim habang naka-tutok ang baril. "Lumapit ka rito!" Dagdag niya kaya napa-hawak ako sa kamay ni Tim.

Parehas kaming umiiyak at ramdam ko ang takot sa kaniya, ramdam ko ang panginginig sa kamay niya dala ng takot.

"No, Cedric tama na—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ng sa'kin niya itutok ang baril.

"Manahimik ka bakla! hindi ikaw ang tinatawag ko!" Galit na saad nito.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Where stories live. Discover now