Chapter 11

518 57 5
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Mataas ang sikat ng araw habang nag-lalaro kami sa tabi ng kalsada. Mainit pero wala kaming pake-alam dahil mga bata lang naman kami na gustong mag-saya.

Kasama ko ngayon si Kiko, nag-lalaro kami ng taguan kasama ang ibang bata. Si Giro at si Wendi.

Nang makapag-tago ako ay tahimik akong umupo. Baka makita ako ni Kiko, matataya ako. Lugi pa naman ako lagi.

Nandito ako sa kapitbahay namin. Masungit daw 'yung tao dito kaya dito ko talaga naisipan na mag-tago. Atleast hindi ako pupuntahan ni Kiko dahil sa may-ari ng bahay.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi parin ako nakikita ni Kiko. Napapa-hagikgik nalang ako dahil mukhang kanina pa siya nag-hahanap.

"Hanapin mo ako." Muli akong humagikgik.

Nang mainip ay sinilip ko ang maliit kong ulo sa bakuran. Walang tao dito at hindi ko rin alam kung nasaan sila.

Nakita na kaya niya sila Wendi? Sana naman oo, kasi kung hindi ako talaga ang matataya dito. Pero kung mataya ako sasabihin ko ayaw ko na.

Ang galing ko talaga mag-isip.

"Sino ka?"

Nag-tayuan ang balahibo ko sa katawan. Mabilis akong tumayo at hinarap ang nag-salita.

Hindi ko siya kilala pero sa tingin ko parehas lang kami ng edad pero mas matangkad lang siya sa'kin ng kaunti.

"Po? Na-nagtatago lang." Kinakabahang sagot ko naman. Hindi ko magawang tignan siya dahil baka sapakin ako.

Kapag sinapak niya ako susumbong ko naman siya kay Lolo.

"Bakit dito ka nag-tatago? Bawal ka dito. Bawal bata dito." Wika nito.

"Paanong naging bawal e nandito ka. Bata ka rin naman ah." Sabi ko naman.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon