Chapter 23

443 47 4
                                    

Glamir Series 1: BRANDON

Isang buwan na ang lumipas simula ng tumira kami sa bahay ni Papa. Naging maayos naman ang buhay namin, maliban lang sa pang-aasar ni Ismael sa'kin.

Sabi ni Victor iwasan ko ang ma-stress pero sa ginagawa ni Ismael mukhang mauuna pa akong manganak kay Tim.

Simula nung umalis si Tim at tumira sa hindi nagagamit na condo ni Victor para akong nawalan ng kapatid, kaibigan o isang mahalagang tao sa buhay ko, pero masaya ako sa desisyon niya at kahit minsan ay dumadalaw ito sa bahay kasama ang kambal.

"Bagay ba sa'kin?" Tanong ni Brandon.

Tinignan ko ito at ngumiti.

Naka-suot ito ng long sleeve white polo na bukas ang dalawang button kaya kita ko ang dibdib nito. Sumakto rin ang black pants na suot niya. Mukha siya may ari ng isang building sa itsura niya. Isang ceo.

"Mas bagay ako sa'yo." sagot ko rito na ikina-ngisi niya.

Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang itsura sa mahabang salamin. Kita ko ang buong katawan ko dahil malaki ito.

Ngumiti ako ng makita ang maliit na umbok sa tiyan ko, napa-hawak ako dito habang naka-tingin sa Lalaking katabi ko.

Araw-araw sa loob ng pag-sasama namin ni Brandon ay puro saya ang naranasan ko, sobrang sarap lang sa pakiramdam dahil alam mong tinutupad niya ang mga sinasabi at pinapangako niya. Hindi ako maka-paniwala na boyfriend ko siya, sobrang swerte ko.

Simple lang ang suot ko dahil hindi ako pwede sa masisikip na damit. I was wearing a white shirt and gray short, nag-sapatos din ako.

"Tara na." Pag-aya ni Brandon.

Susunduin kasi namin si Papa sa airport galing ito sa business trip niya sa Hong Kong, isang linggo siya doon kaya sobrang na-miss ko siya.

Pag-labas namin ay nakita namin si Ismael na naka-upo sa sofa, wearing a black polo shirt and black pants. Simple pero sobrang gwapo.

Kahit maloko at mapang-asar si Ismael ay masasabi kong may dating ito, para siyang model kapag naka-upo, gano'n din kapag naka-tayo, I don't wonder why Hansel fell in love with him.

"Ang tagal niyo, nag-landian pa siguro kayo sa taas." Reklamo nito.

Tumayo siya at hinarap kami.

"Inggit ka lang e." Pang-aasar ko.

Lumabas kami ng bahay at pumunta sa garahe. Sumakay si Ismael sa motor niya habang kami ni Brando ay mag-kasama sa isang motor. May trabaho si Brandon before kami pumunta dito sa bahay ni Papa kaya naka-ipon ito at naka-bili ng motor, sa tulong na rin ni Ismael dahil dinagdagan niya ang pera ni Brandon para daw mas maganda na ang mabili.

Nang maka-sakay si Brandon ay sumunod ako, kumapit ako sa balikat nito at ng maka-sakay ay nilipat ko ang kapit sa kaniyang bewang. Naka-ngiti ako habang dinadama ang abs ni Brandon.

"Kumapit ka baka mahulog ka lalo sa'kin."

"Kapal mo naman, ikaw kaya 'tong patay na patay sa'kin." Parehas kaming natawa sa sinabi ko.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Kde žijí příběhy. Začni objevovat