"Oo na po, kaya akin ka lang." Hindi na ako sumagot sa sinabi niya dahil nag-init bigla ang mukha ko.

Lagi niyang sinasabi 'yan pero iba talaga ang epekto sa'kin nun.

Inumpisahan ni Brandon ang pagpapa-andar at sumunod kay Ismael.

Habang naka-yakap kay Brandon ay dinama ko ang hampas ng hangin. Hindi pa masyadong mainit dahil maaga kami umalis, saglit din naman kasi ang biyahe dahil malapit-lapit lang ang airport mula sa bahay.

Sa tuwing sumasakay ako sa likod ng motor ni Brandon, mararamdaman ko ang malamlam na ihip ng hangin na dumarampi sa aking mukha. Sa bawat takbo ng motor, parang kasabay nito ang aming mga damdamin, naglalaro sa hangin na nagiging saksi sa aming paglalakbay.

Ilang sandali lang ay naka-rating na kami sa Airport, bumaba ako habang sila Brandon at Ismael ay humanap ng parking lot.

Habang nag-hihintay ay nilibot ko ang paligid gamit ang mata. Hindi ito sobrang laki dahil probinsya itong Glamir, pero sa itsura ng airport ay alam mong hindi ito basta-basta, may pagka-moderno rin ang itsura nito hindi gaya sa iba.

Habang nililibot ang paningin ay may naka-bungo sa'kin, muntik pa akong matumba dahil sa lakas nito.

"Sorry, nag-mamadali ako." Ani ng lalaking naka-bungo sa'kin.

Sasagot pa sana ako ng may marinig kaming tawag ng Lalaki, mabilis nag-bago ang expression nito dahil do'n at agad ding tumakbo.

"Ano kaya 'yun? parang baliw lang."

Umiling nalang ako at inantay sila Brandon. Hindi rin nag-tagal ay dumating sila kaya pumasok na kami.

Marami ang taong nag-aabang sa darating nitong kaibigan, pamilya at kakilala. Habang nag-aantay ako ay parang nararamdaman ko ang saya, excitement na nararamdaman ng ilang tao na nag-aantay din.

"Papa!" Sigaw ko nang makita si Papa na pababa sa escalator. Mabilis niya kaming nahanap at kumaway sa'min.

Bitbit ang isang maleta at bag ay lumapit ito sa'min. Mabilis ko siyang niyakap.

"I miss you Papa, lagi akong inaasar ni Ismael no'ng umalis ka." Pag-sumbong ko.

"Panget ka kasi!" Singhal ni Ismael.

"Kayo talaga, hindi ba kayo magka-sundo? lagi kayong away at asaran." Ani Papa kaya tinignan ko ng masama si Ismael.

Kinuha ni Brandon ang bag ni Papa at maleta kay Ismael, kasabay ko sa pag-lalakad si Papa palabas ng airport.

"Kain muna tayo sa mall. Akala ko ba may sasabihin kayo sa'kin." Wika ni Papa.

Yup! Tumawag kasi ako kay Papa bago ito umuwi na may sasabihin kami sa kaniya. Hindi ko lang sinabi sa phone dahil gusto ko personal.

Pumunta kami sa isang mall malapit lang din sa airport. Sobrang daming tao kaya nahirapan kami na humanap ng makakainan. Nasa food court ako ngayon, inaantay ko silang tatlo na bumili ng pagkain.

Balak sana namin ay kakain kami sa restaurant pero puno ito dahil marami rin ang dumating galing ibang bansa at dito sila dumiretso para kumain. Mabuti nalang talaga at may nahanap kaming food court na konti ang tao kaya bumili nalang sila ng pagkain.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Where stories live. Discover now