Nakagat ko ang labi ko nang pumunta sa headrest ang kamay niya at kung titingnan ay para siyang nakaakbay sakin. Lumunok ako at tumikhim ulit, pero sa oras na iyon ay mahina na iyon.

"You okay?" biglang tanong niya kaya natigilan ako at ngumiti saka tumango nang makabawi.

This is how we treat each other. I don't know what's in between us but since that day we used to be like this. I can say that I can still feel the love that he has for me. He didn't failed to make me feel loved. He always asked me for a chance but I always said next time and he'll just let it pass.

Noong sinabi niyang punan ang panahon noong nagkulang siya ay ginawa naman niya iyon. Sa totoo nga sumobra pa. I just remember the day he asked for my forgiveness and I gave it to him wholeheartedly because for me he deserves the forgiveness and I'm not selfish para hindi iyon ibigay sa kaniya.

"Kayo na ulit?" baling sa amin ni Brent kaya natigilan ako at napatingin kay Isiah na nakataas ang kilay.

"H-hindi!" umiling ako at ngumiwi siya.

"Psh! Eh, bakit kung makaakto to parang pagmamay-ari ka na niya," tinuro niya si Isiah kaya tumingin din ako sa kaniya.

"Ang ingay mo," sita ni Captain kay Brent pero hindi siya nito pinansin.

"Psh! Porke't ikakasal ka na?" tanong ni Isiah kaya natigilan ako, ganoon din si Brent.

"What! You asshole!"

Hindi siya pinansin ni Isiah at napamura naman siya ng makailang ulit kaya natawa ako. Narinig ko rin ang tawa ni Isiah sa gilid ko. Hindi ko alam kung biro ba iyon o hindi pero sa reaksyon ni Brent ay totoo nga.

Tumingin ako sa bottle ng beer sa harapan nang maglapag na naman doon si Kelly. Kumindat siya sakin saka bumalik sa pagkakaupo at nakipagkwentuhan sa katabi.

"Nakailang bote na kayo ah," puna ko at tumingin naman sila sakin.

"It's okay doctora, hindi naman kami uuwi. Dito nalang kami matutulog," sabi ni Brent sakin.

"Ano? Baka magalit ang asawa mo niyan," natatawang sabi ni Bill at sinamaan naman siya ng tingin ni Brent.

"What's with the wife, guys? Wag niyong ipaalala sakin, please," seryoso talagang sabi niya.

"He's married?" tanong ko kay Isiah nang hindi ko nang bigla akong kinain ng kuryuso. Umiling naman siya.

"That's our way para maasar siya,"aniya kaya tumango ako at tumingin kay Brent.

"Bakit ba ako ang pinag-uusapan niyo. Dapat sila," tinuro niya kami. "Wala pa yang label, eh, pero kung makabakod ang isa diyan akala mo pagmamay-ari niya."

"Nanliligaw ba to?" tanong ni Sean sakin at kumurap naman ako saka mahinang umiling.

"Naks! Kung makabakod akala mo gumalaw na," tumawa si Brent. "Pakigalaw ng baso, Maury, kung ayaw mong maunahan."

Sumiring lang si Isiah at hindi na pinansin pa ang pang-aasar ni Brent. Nang lumipas ang ilang sandali ay napansin ko na ang pagiging lasing nila. Nakahiga na sa furry carpet si Brent at nakasandal naman ang ulo ni Captain at Bill sa sandala habang nakapikit. Si Kelly naman ang nakatungo sa couch.

"Ang hihina niyo pala eh," biglang sabi  ni Kelly saka tumayo. Muntik pa siyang matumba kung hindi ko naalalayan.

"Lasing ka na," sabi ko at umiling naman siya saka pinilit na hindi pa siya lasing.

"Ipasok mo na siya sa kwarto, lilinisin ko lang to," sabi ni Isiah kaya tumango ako at inalalayan siya papunta sa kwarto.

Pasuray-suray pa kami dahil sa kaniya, nagreklamo pa siyang umikot daw ang mundo. Lasing lang talaga siya. Nang maayos na siya sa kwarto ay lumabas ako. Wala akong nakitang anino ni Isiah doon at malinis na ang nakakalat na mga bottles at plastic kanina.

Survivor (Military Series #1)Where stories live. Discover now