CHAPTER 14

1.2K 26 0
                                    

CHAPTER 14

Pagkatapos kong asikasuhin ang pasyente ko ay hindi na ako lumabas ng opisina. May ilang papel akong inasikaso at nang sumapit ang tanghalian ay hindi ko pinalampas ang pagkain. Sabay kami ni Kelly kumain pero umalis din kaagad siya dahil may aasikasuhin.

"Nakita mo ba si Captain kanina?" tinig na isang nurse ang nadinig ko habang may inasikaso.

"Oo naman, tsaka ang gwapo nung kasama niya." tinig naman ng isa. "Sino nga ulit iyon?"

"Nakalimutan ko, eh. Pero kasamahan niya iyon sa field eh."

Hindi ko nalang sila tinapunan ng tingin at naglakad paalis. Alas otso na sa gabi nang natapos ako sa trabaho. Pagpasok ko sa kwarto ay wala pa si Kelly. Hindi ko nalang siya hinintay pa at nag ayos nalang ng sarili.

Habang nagaayos ako ng higaan ay tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko iyon saka sinagot.

"Mom, you called?" bungad ko sa kaniya.

"Yes, dear. I missed you." aniya at ramdam ko ang sinabi niya kaya napanguso ako.

"I went home last time but you weren't home." malungkot na sabi ko.

"Oh, yes! Hans mentioned that but I told him to tell you that we will gonna go on a vacation but he forgot to tell you." tumatawang aniya.

"Exactly!" umirap ako nang naisip ang kapatid. "Napauwi pa ako tapos mag isa lang naman pala ako."

"Why don't you go home this weekend?" Sabi niya kaya napaisip ako. "You didn't missed us?"

"I missed you but..."napabuntong hininga nalang ako." I'll try this weekend."

"Bakit ba kasi nag stay ka diyan. It would be better if you'll go home regularly." aniya at umiling naman ako.

"Mom, I thought you already understand about this matter?" bumuntong hininga ako at ganoon din siya.

"Alright, I couldn't force you but if you want to...you know." narinig ko pa ang muntint halakhak niya kaya napailing ako.

"How's the vacation?" pag iiba ako ng usapan.

"It was fun. Your dad and I had a great time together." aniya at napangiti naman ako.

"Good to hear that, Mom."

"Alright then, going to sleep already?" tanong niya at umupo naman ako sa kama.

"Yeah, I just got off from work." Sabi ko at inayos ang kumot sa katawan.

"Okay. Don't stress yourself." paalala niya at tumango naman ako kahit hindi niya nakikita.

"Okay."

"I'll hang up na. Take a rest." aniya saka binaba ang linya.

Binalik ko ang cellphone sa gilid ng unan ko saka tumitig sa taas.

Hindi naman talaga pumayag si Mommy na magstay ako rito sa hospital pero nagpumilit ako. Malaking tulong din naman ang facilities na ganito para sa nga staff.

Unti unti akong kinain ng antok at kinaumagahan ay nagising ako dahil sa malakas na tunog, mukhang may bumagsak. Kunot noong nagdilat ako ng tingin at noong una ay hindi ko naaninag ang paligid pero kalaunan ay umayos din ito.

Nakita ko si Kelly na nakayuko at may pinupulot. Iyong sang katerbang librong bumagsak. Bahagya pa siyang natigilan nang mamataan niya akong nagising.

Kinagat niya ang labi at umayos ng tayo bago nilapag ang cellphone na hawak saka pinagpatuloy ang pagkuha ng mga libro.

"S-sorry, nagising ata kita." mahinang aniya at umiling naman ako saka umupo.

Survivor (Military Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin