Possess

3.2K 77 4
                                    

Tatlong araw lang ang nakalipas mula noong Christmas Break ay heto nanaman kami, back to normal. Training. Training and lastly, Training. Malapit nang matapos ang first round, tatlong games nalang which is against, UP, UE and DLSU ang lalaruin namin.

Kasabay din pala namin sa training ang Men's Team. May mga pagkakataon pa nga na nakaka-laban namin sila. They don't take as lightly kaya mas maganda ang resulta ng training. Mas challenging, mas okay.

Magkasabay kami ni Bea na pumupunta dito sa BEG maliban lang nung isang beses na kailangan ko s'yang iwan pansamantala kasi mukhang may importante bagay na sasabihin sina Marck at Ish sakanya. Kung ano man 'yon, wala akong ideya.

Ngayon, magkakausap nanaman silang tatlo. Nacu-curious ako sa kung ano man ang meron pero ano ba pakialam ko?

♡♡♡

"Hindi nga s'ya nagpalit ng number, ang kukulit nyo naman eh! Tsaka bakit ba sa akin nyo hinihingi ang number ni Jia?"

Hindi na nakakatuwa 'tong si Marck at Ish. Paulit-ulit na silang nangungulit sa akin para sa number ni Jia.

"Sige na Bea, please." Pagpupumilit ulit ni Marck.

Marami na ang nakakaalam na itong si Marck ay may gusto kay Jia at gagawin nito ang lahat ng paraan para mapalapit sa dalaga. Mula noong nalaman nya na wala na sina Jia at Miguel ay lalong umigting ang kagustuhan nya na mapalapit kay Jia. Hindi nya papalagpasin ang pagkakataon na 'to na baka maunahan pa ng iba.

"Eh baka naman ayaw ibigay sa'yo nyan, Marck kasi gusto nya sakanya lang si Jia. Haha!" Pagbibiro ni Ish.

"Excuse me, Ish. Hindi ko lang talaga ugali na ibigay ang number ng mga kaibigan ko. 'Diba batchmates kayo? Given na close kayo dapat, pero kailangan nyo pang manggamit ng tao para makuha ang gusto nyo!"

Matapos bitawan ang mga salitang 'yon ay inis na umalis si Bea at iniwanan ang dalawa na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Tahimik lang.

♡♡♡

Nakaupo ngayon si Bea sa isang sulok ng BEG. Halata ang pagod sa mukha dahil na rin sa mabigat na training na pinagdadaanan nila ngayon. Nakita nyang papalapit sa kinaroroonan nya si Jia na may hawak-hawak na bottled water.

"Bei, ba't ang tahimik mo? Mukhang badtrip ka rin."

"Wala. Pagod lang ako. Grabe. Ang intense ng training naten noh?"

"Oo nga." Binuksan nito ang bottled water na dala-dala nya. "Kailangan din kasi naten 'to. Siguro, kung manonood ang mga sumusuporta sa atin, maaawa sila sa atin kapag nakita nila kung papaano nga ba ang training naten."

"Kapag nagkataon, mas dadami ang mga admirers mo, Jia. Haha."

"Sira ka talaga! Haha. Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Eh kasi, syempre 'diba? You've been so tough, regardless kung ano man 'yan. School. Heartaches. Training. Nakakahanga lang talaga na nagagawa mo ang lahat ng 'yon. Kaya hindi na 'ko magtataka kung bakit ganun nalang ang interes sa'yo ng isang Marck Espejo."

"What?!"

"Si Marck, you know naman 'diba na may gusto yung tao sa'yo? At kinukulit nya pala ako, pinipilit nya 'ko na ibigay ko sakanya ang number mo."

"Ah. Kaya pala. So, binigay mo ba?"

"Syempre, hindi. You know me naman 'diba? Hindi ko ugaling ibigay ang number ng mga kaibigan ko."

"Eh ba't ka nakasimangot d'yan?"

"Umm. Si Ish kasi eh, niloloko nya 'ko. Sinabi nya na kaya ayaw kong ibigay kasi pinagdadamot kita, na gusto ko na sa akin ka lang."

"Haha! 'Yon lang pala. Eh di sana sinabi mo, OO!"

"Naku! Ewan ko sa'yo. D'yan ka na nga. Shower na 'ko."

"Teka lang, Bei!"

"Bakit nanaman?"

"SAMA AKO!"

"JIAAAAAA!"

♡♡♡

Sa kadiliman ng gabi, ramdam ang lamig ng hangin at ang liwanag ng buwan ay sumisilip sa bintana. Mayroong saglit na katahimikan na bumabalot sa kwarto namin ngayon ni Bea. Mukhang malalim ang iniisip nya. Ni hindi nya namalayan ang paglapit ko habang s'ya ay nakahiga.

"Bei, ba't ang tahimik mo nanaman?"

Nakatingin ako sakanya habang naghihintay ng sagot. Hindi ko na hiningi ang permiso nya, nahiga ako sa tabi nya at marahan na ipinatong ang aking ulo sa kanyang dibdib at s'ya ay aking niyakap.

Niyakap nya din ako at naramdaman ang kanyang kamay na humahaplos sa aking likod.

"Hindi parin nawawala sa isip ko ang sinabi kanina sa akin ni Ish, Jia."

Medyo mahina ang pagkakasambit ni Bea ng mga salitang 'yon pero sapat na marinig ko. Nararamdaman ko rin ang bilis ng pagtibok ng puso nya. Ano ang ibig sabihin nito? Bago ko pa man mahanap ang kasagutan ay nagpatuloy s'ya sa kanyang sinasabi.

"Naguguluhan ako, Jia." Bumitaw s'ya ng isang malalim na buntong hininga. "Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Parang.."

"Sige lang, Bei. Sabihin mo. Ano 'yon?"

"Umm. Parang wala din akong dahilan para sabihin na mali si Ish. Mukhang gusto nga talaga kitang ipagdamot kay Marck, Jia. Pero hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang naging ganito. Sorry."

Napangiti ako sa mga sinabi na 'yon ni Bea. Katulad nya, hindi ko din alam kung bakit. Pero bahala na. Kung ano man 'to, malalaman ko din siguro sooner or later. Hahayaan ko nalang na mangyari kung ano man ang dapat na mangyari. Doon lang siguro masasagot ang lahat-lahat ng katanungan ko.

"You don't have to apologize, Bei."

Nang wala ng marinig na sagot ay iniangat ni Jia ang mukha nya para tingnan si Bea. Nakatulog na ito.

She planted small kiss on Bea's shoulder and closed her eyes.

♡♡♡

Alas singko ng madaling araw, papunta na ngayon ang Lady Eagles sa oval para sa training nila. Conditioning muna.

Magkasabay na dumating sina Bea at Jia. Nauna lang ng kaunti ang mga teammates nila sakanila dahil na rin nagprepare ng breakfast si Jia for the two of them. Kakainin nila ito after their morning training.

Kasama ulit nila ngayon ang Men's Team. Habang abala sila sa pag-aayos ng mga gamit ay hindi nila namalayan na papunta sina Marck at Ish sa kinaroroonan nila.

Halatang kabado si Marck sa paglapit habang si Ish naman ay parang isang love guru na pumipilit na gawin na nya kung ano ang nararapat.

Marck clears his throat at nagsalita na. Nauutal pa ito. Hindi mo naman masisisi, torpe pagdating kay Jia.

"Umm. Excuse me, Jia." Lumingon sakanya ang dalaga habang sina Bea at Ish ay naghihintay kung ano ang mangyayari. Katabi ni Jia si Bea at si Ish sa side naman ni Marck.

"Yes, Marck?"

"A-ano kasi, gusto ko sana makuha ang number mo. Kung okay lang?"

Bago sumagot si Jia ay hinawakan nya ang kamay ni Bea at ngumiti ito. Binaling nya ang paningin nya kay Bea at nagsalita ito.

"Umm, hon. Si Marck oh, hinihingi ang number ko, ibibigay ko ba?"

Gulong gulo sina Bea, Marck at Ish sa sinabi ni Jia pero bago pa man makapagsalita ang isa sa kanila ay nagpatuloy si Jia sa kanyang sinasabi.

"Oh boys, kailangan mo pa talagang sabihin sakanila para maintindihan which is very obvious na."

"Sorry Marck, but this girl right here, is the one that I love kaya I don't want to entertain suitors."

"Pero, Jia! Ba't s'ya?!"

Napataas ang boses ni Marck dahil na rin sa pagkabigla. Hindi nya inaasahan na magiging ganito ang mangyayari. Nananatiling gulong-gulo parin sina Bea at Ish.

"She's the one who possess me."

After saying those words, Jia kissed Bea's lips in front of the two.

UnconventionalWhere stories live. Discover now