Monologue

2.8K 70 6
                                    

Hindi parin lubos maintindihan nina Jia at Bea kung ano ang mga nangyayari. Marami silang katanungan na nabubuo sa kanilang isipin ngunit hindi nila alam kung paano ito sisimulan. Naramdaman ni Miguel ang ilangan na ayaw n'ya sanang makita sa pagitan ng dalawa. Naandito s'ya at ginagawa n'ya ito para maibalik ang pagsasamahan ng dalawa. Alam n'ya sa sarili n'ya na ang dalawang 'to ay nangangailangan ng tulong para lang maging maayos na ulit sila. Cupid kumbaga. Napagdesisyonan n'ya na na basagin ang katahimikang bumabalot sakanila.

"Umm, ladies. Listen." Nakuha n'ya naman ang atensyon ng dalawa at nakatingin na ito sakanya. "Look, hindi ko kailangan magpaliwanag sainyo kung bakit naandito tayo sa sitwasyon na 'to. Hindi n'yo man sabihin pero alam ko ang lahat ng nangyayari sainyo."

"Sa school hindi n'yo napapansin pero napagmamasdan ko kayo kung kaya't ginawa ko ang plano. At first, I sent flowers for Bea para pagselosin 'tong si Jia which happened naman. And it continues sa mga sumunod ko pang ginawa. Perfect timing naman si Thirdy dahil sa lahat ng pagkakataon na may ginagawa ako, nakikita s'ya ni Bea. Pabor sa akin na isipin mo Bea that it wasn't me who been doing those things."

Tahimik na nakikinig ang dalawa sa lahat ng sinasabi ni Miguel at unti-unti na nilang napagtatanto kung ano ang mga nangyayari. Hindi na napigilan ni Bea na magsalita.

"And this morning, it was you. Ikaw yung nakasunod sa akin while I'm on my way to Ate Billie's house. I parked my car ng hindi sakto sa tapat ng bahay nila that's why nagkaroon ka ng pagkakataon to put those note para pumunta kami ni Jia dito?"

"At ikaw din ang nagpaabot sa bata para ibigay ang note and flowers when me and Coco were walking along the village?"

"Yep! That was all me. Since you guys already figured it out. I think I have done my part already. Please settle everything. I don't want my effort just to get you two in this moment went into trash. Follow your heart, Happiness is just around the corner. 'Wag n'yo nang pakakawalan pa."

Tumayo na si Miguel at nagpaalam na sa dalawa. Umaasa s'ya na magbubunga ang lahat ng ginawa n'ya para lang makapag-usap ng sarilinan ang dalawa. Mahal n'ya si Jia pero sa ilang beses na pagmamasid ng palihim ay napagtanto n'ya na ang taong minamahal n'ya ay pagmamay-ari na ng iba. Hindi man nila napapansin na dito sa sitwasyon na 'to papunta ang lahat ng mga pangyayari, iba si Miguel. Ang mga tingin ni Jia kay Bea ay dati na nyang nakita ito noong sila pa ang magkasama. Gugustuhin n'ya na maging masaya ang taong minamahal n'ya sa piling ni Bea kesa makita ito na nalulungkot dahil na rin sa takot sa mga bagay-bagay na pwedeng maging bunga ng pagtatapat at pagpasok sa relasyon na naghihintay lamang na mabuksan at mabigyan ng pagkakataon.

♡♡♡

Magmula nung umalis si Miguel at naiwan sina Bea at Jia ay muli silang binalot ng katahimikan. Ngunit hindi rin naman ito magtatagal. Isang pamilyar na kanta ng tumugtog at masaya silang marinig ulit ito.

You touched these tired eyes of mine.
And map my face out line by line.
And somehow growing old feels fine...

"The Script's I'm yours!"

"Ang kinanta ni Ate Den for Ate Ly!"

Matapos maalala ni Jia ang kanyang mga binitiwang salita ay hindi n'ya maiwasan na hindi malungkot. Namimiss n'ya lahat ng mga taong iniwanan n'ya. Ang lahat ng mga bagay na tinalikuran n'ya dahil na rin sa kanyang nararamdaman n'ya para kay Bea.

Sa mga panahon na 'yon ay takot na takot s'ya sa rejection kung kaya't nagdesisyon s'ya na umalis nalang. Hindi na n'ya alam kung makakaya pa n'ya ang panibagong sakit na dulot ng pagkawala ng minamahal. Bago pa man mas lumalim ang kanyang nararamdaman para kay Bea, hindi na n'ya hahayaan na umabot pa sa ganong sitwasyon.

UnconventionalWhere stories live. Discover now