Blurry

4K 86 1
                                    

Nasa harapan na ng dorm nina Jia ang sasakyan ngayon ni Miguel. Tiningnan nya ang oras, quarter to 11. Nagpaalam na s'ya dito at hinintay naman ni Miguel na makapasok si Jia bago s'ya tuluyang umalis. Mababanaag parin ang saya sakanilang mukha at hindi nila mapigilan na ma-miss kaagad ang isa't-isa kahit na nga ba wala pang isang oras noong huli silang nagkita.

Sa pagbukas ni Jia ng pinto ng room nila ay bumungad sakanya ang nakatulog ng si Bea. Nakasuot pa 'to ng reading glass at may hawak na libro habang nakahiga sa sofa. Halatang hindi komportable si Bea sa kinalalagyan kung kaya't sinubukan s'yang gisingin ni Jia para lumipat sa kama para makapag-pahinga ito ng maayos pero nabigo s'ya.

Inilapag nya ang kanyang gamit at kinuha ang kumot mula sa room nila at bumalik sa kinaroroonan ni Bea. Inalis nya ang salamin na nakasuot dito kasunod na rin ang aklat na hawak-hawak nito. Habang iniaalis nya ang salamin sa pagkakasuot ay hindi nya mapigilan mapangiti habang s'ya ay nakatitig dito sa hindi mapaliwanag na dahilan. Iniayos nya sa pagkakahiga si Bea at inilagay ang kumot dito.

"Goodnight, Bei." Marahan nyang hinawakan ang pisngi ng kaibigan at hinagkan ito sa kanyang noo.

♡♡♡

Mga alas singko na ng umaga ng magising si Bea dahil na rin sa ingay mula sa kusina. Napahawak s'ya sa kanyang paa na ngayon ay nananakit dahil na rin sa hindi komportableng pagkahiga nya sa sofa. Nakasabit ang kanyang paa. Hindi nya maigalaw at kulang nalang mapasigaw s'ya sa sakit. "Aww! Ang sakit!" Napasigaw na. Dali-daling pumunta sakanya si Jia na nag-aalala dahil na rin sa narinig.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Jia sakanya. Kapansin-pansin na hindi nito alam ang  gagawin.

"Ang sakit ng binti ko. Hindi ko maigalaw. Pulikat ata." Nakangiwi parin s'ya sa sakit.

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yo na dito ka matulog sa sofa?" Tamang sermon pero kasabay nito ay sinisimulan narin nyang hawakan ang paa ni Bea at minamasahe ito ng marahan. Maya-maya pa ay naging maayos na ang kanyang pakiramdam.

"Hindi ko naman na inaasahan na makakatulog ako dito. I was just reading and then 'yon... nakatulog ako."

"Sabi ko naman kasi sa'yo 'wag mo na akong hintayin. Ayan tuloy."

"Next time don't worry. I will not do it na. Sorry." Nakasimangot na tugon ni Bea habang dahan-dahan itong bumabangon sa pagkakahiga.

Bago pa man s'ya makatayo ay tinulak s'ya ni Jia pabalik sa sofa at agad na naupo sa lap nya. Magkaharap sila ngayon at hawak-hawak ni Jia ang mukha ni Bea na kanina lang ay yukong-yuko.

"Bei, 'wag ka ng magtampo please? Sorry na." And she kissed Bea's forehead na nakapag-pangiti naman sa isa.

Bea is about to wrap her arms on Jia's waist when they smell something from the kitchen. Jia is too late to realize that she's cooking something for their breakfast. She tried to run as fast as she can but unable to save it.

Bumungad kay Bea ang malungkot na mukha ng dalaga dahil na rin gusto sana syang ipagluto nito. Inaya nya nalang ito to go to the cafeteria at doon nalang mag-breakfast. Kahit gaano ka-hassle ang nangyari  sakanila sa simula palang ng umaga ay naging maayos naman ito eventually.

♡♡♡

First week of December, nagsimula na ang Season 77 Women's Volleyball. Lahat ay hindi magkanda-ugaga sa mga kailangang gawin. Training. Research Paper. Study. Repeat. Naging ganun lang ang ikot ng buhay nina Jia at lahat ng Student-Athlete.

I miss you so much, babe. Hope to see you this evening kahit saglit lang.

That was a text message from Miguel. Gustuhin nya man na magkita sila ay wala talagang mahanap na oras o paraan para sila'y magkita. Hanggang sa ang isang beses na pagtanggi nya na makipagkita dito ay nadagdagan pa nang nadagdagan. Wala s'yang magawa. Pang-unawa ang hinihiling nya kay Miguel pero ang makailang beses na rejection na nakukuha nito mula sakanya ay katumbas ng unti-unting pagbago ng kanilang samahan.

Dumarating ang punto na s'ya mismo ay nauubos na rin ang pasensya dahil na rin sa stress na nakukuha nya. Hindi na nya talaga alam ang kanyang gagawin. Kahit anong ayos nila ng mga bagay-bagay tuwing sila'y may pagkakataon ay nauuwi lang din sa pag-aaway.

♡♡♡

Tahimik na nakaupo si Jia ngayon sa isang sulok ng kanilang room ni Bea habang ang isa ay abala sa mga school papers para mameet ang deadline ng mga 'to. Hindi na nakatiis si Bea. Itinabi nya muna ang kanyang laptop at tumabi sa kinauupuan nito.

1..2...3...4....5... Gamit-gamit ang kanyang mga daliri para magbilang ay nakuha nya ang atensyon ni Jia.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito. Hindi parin maipinta ang mukha nito nung humarap s'ya. May halong pagtataka na rin kung para saan ang pagbibilang ni Bea na 'yon.

Ngumiti si Bea at.. " Sinusubukan kong bilangin kong nakailang buntong hininga ka mula kanina pero sorry huh? Hindi ko nabilang lahat eh." Pagbibiro nito. Tumugon si Jia ng isang very weak na smile.

"Mas gagaan ang pakiramdam mo kung magagawa mong i-share saken 'yan." Mahinahon na sagot nito habang ang kanyang kamay ay naka-akbay na kay Jia.

"Well, It's Miguel. I thought maiintindihan nya 'ko..." Pasimula nito. Nakatingin naman si Bea ng diretso sakanya and that look asking her to go on. "Hindi lang naman s'ya ang nahihirapan sa sitwasyon namin na 'to. I really wanted to spend time with him, kahit papano makabawi, but our hectic sked didn't let me. I asked him to be more patient with me and he did naman, in the beginning, pero lately, nagbago na. We tried to fix it everytime we had a chance but.. I just don't know what to do, Bei. I don't wanna lose him, but I guess.. everything that's happening right now is way beyond my control and I can't help but to blame myself!" Tears started to fall from her eyes. She buried her face on the palm of her hands.

Niyakap s'ya ni Bea habang umiiyak ito. Ginagawa nya ang lahat para maparamdam sa kaibigan na naandito lang ito para sakanya. Hinding-hindi nya ito iiwanan.

Ilang oras ang lumipas ay nasa ganoong estado parin sila. Ang pagkakaiba lang ngayon ay nakatulog na si Jia dahil na rin sa sobrang pag-iyak.

Tiningnan nya ang mukha ni Jia. Makikita parin dito ang namamaga nitong mga mata habang nakapikit. May kung anong bagay sa isip nya.

Sa bawat pag-iyak mo, pangako, naandito lang ako...

UnconventionalWhere stories live. Discover now