I'll say YES!

2.9K 70 18
                                    

Ordinary day of a Student-Athlete. Kulang na kulang pa ako sa tulog. Huling klase ko na ito para ngayong araw. Tahimik kong pinaglalaruan ang pen ko habang nakikinig sa Prof. Grabe. Nakakaantok. May training pa kami after nito. Nasaan na kaya si Bea? Haven't seen her, maybe mga three hours na rin. Alam ko kanina pa tapos ang klase nya. Can't wait to go back to the practice.


Class ended.

Parang iba ang araw na ito sa karamihan. Hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag ang kaibahan, basta, pakiramdam ko lang. Naglalakad na ako dito sa corridor, pero bakit ganun? Wala parin akong nakikita kahit isa sa mga teammates ko?

Naglalabasan na rin ang mga estudyante, pero imbis na papunta sila doon sa parking area, papunta sila ngayon sa gitna ng campus. Anong meron doon para dumugin halos lahat ng mga estudyante? Nacu-curious ako. Tiningnan ko ang oras, meron pa naman akong mga kalahating oras para tingnan kung anong meron. Hindi naman ako 'usi', sadyang curious lang talaga ako kung ano ang meron.

Sa di kalayuan ay nakita kong papalapit si Mich sa akin. Hingal na hingal, pawis na pawis rin. Agad syang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Naguguluhan ako.


"Finally! Nakita rin kita. Halika, Jia. Sumama ka sa akin. Bilis!"


Hila-hila nya ako ngayon papunta sa sa gitna ng campus, sa kinaroroonan ng maraming estudyanteng nagkukumpulan. Naalala ko, papunta rin pala ako dito. Pero teka, bakit kailangan akong kaladkarin nitong si Mich? Ganun nalang ba kaimportante na dapat naandito ako?


"Teka. Teka, Mich! Sandali. Seryoso, anong meron?"


Hindi nya parin ako sinasagot. Nagsalita s'ya pero hindi 'yon ang gusto kong marinig.


"Basta! Sumunod ka nalang okay? Wala ka rin namang choice, at alam ko, magugustuhan mo rin ang mangyayari."


Gulong-gulo na talaga ako. Bahala na nga. Hindi naman siguro gugustuhin ni Mich na mapahamak ako dahil sa bagay na madaratnan namin. Papalapit na kami ng papalapit. May naririnig akong tugtog na bumabalot sa buong campus. Can't help falling inlove? Ayos! Lakas maka-love song.


Sa pinakagitna ay makikita may pinaliligiran ang mga estudyante. Hindi ko parin matukoy kung ano or should say, sino 'yon?


"Mich, what is-" Bago ko pa matuloy ay napagtanto ko na kanina pa wala si Mich sa tabi ko. Anong problema nya? Habang tahimik akong nakatayo at takang-taka parin sa mga nangyayari, may isang pamilyar na mukha na papalapit sa akin.

"I'm glad you make it, follow me please."

Inilahad nya ang kanyang kamay sa harapan ko katulad ng dati nya pang ginagawa sa akin, noong mga panahon na magkasama pa kami. Nag-aalangan ako, pero sige. Bahala na.

"Ah.. sure, Migz."


Iniabot nya ang aking kamay at hinawakan nya ako. Sa bawat hakbang na tinatahak namin ay palakas ng palakas ang kaba sa aking dibdib. Nakikita ko na ang pinaliligiran ng mga estudyante, si Bea. Nakatayo, kabado, pero nakangiti, may hawak-hawak s'ya. Isang banner, ang nakasulat ay ito.

Jia, I love you. Will you be my girlfriend? Please say YES.

Lumapit s'ya sa amin ni Miguel, hindi nya parin binibitawan ang banner. Iniabot ni Miguel ang kamay ko kay Bea. Ngumiti sila sa isa't isa. Nagsimula nang magsalita si Miguel.


"She's here na, Bea. Ikaw na bahala sakanya. Ipinauubaya ko na sa'yo ang taong mahal ko dahil alam kong mas sasaya s'ya sa'yo. Sana maging masaya kayo. Kapag nalaman kong sinaktan mo s'ya, lagot ka sa akin. Haha."


"Thanks, Miguel. Sige na. Baka masira mo pa diskarte ko." Pagbibiro nya dito. Pagkaalis ni Miguel ay bumaling ang paningin sa akin ni Bea. Tumingin s'ya ng diretso sa mga mata ko, huminga ng malalim at nagsimulang magsalita.


"Jia, I know. Hindi pa ganun katagal nung nagsimulang maging close tayo. Wala pa nga ata isang taon na nasa team ako. Pero hindi naman siguro hadlang 'yon para sa nararamdaman ko para sa'yo. Hindi natin pinipili kung kailan nga ba tayo mahuhulog para sa isang tao. Hindi bukas, hindi sa isang linggo, sa isang buwan, o sa isang taon. Kung mangyayari, mangyayari. Alam ko totoo 'yon. Dahil nitong mga nakaraan, naranasan ko mismo."

Inilagay ni Bea ang kanyang kamay sa pisngi ni Jia. Lalong inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng isa.

"I may be childish, pero sigurado ako sa sarili ko na, Mahal talaga kita, Jia. I may not be the perfect girlfriend, partner or whatever it is, but I can be the sweetest in my own ways. Hindi ako sanay sa mga ganito, natatakot ako sa pwedeng mangyari dahil sa ginawa kong 'to. Pero mas pipiliin ko na maging super awkward dito kesa palampasin ang pagkakataon na sabihin ko sa'yo ang lahat-lahat. I will let you feel every ounce of love, here in my heart, for you. Julia Melissa Morado, Mahal Kita."

Damang-dama ang sincerity sa lahat ng mga salitang binibitawan ni Bea. Makikita sa mga mata nya ang katotohanan ng bawat salita. Ang mga salitang 'yon ay sapat na para bigyan ni Jia ng pagkakataon kung ano man ang iniaalok ni Bea.


"In your eyes, I see the most beautiful soul that exist in my world. Please be mine, Jia. Forever. I love you. Will you give me a chance?"


Lahat ng mga taong nakapaligid sa amin ay naghihintay ng aking sagot. They are all cheering. Para kaming nasa gitna ng isang laro at ang mga manonood ay walang sawa na naniniwala sa amin. Handa na akong ibigay ang sagot na hinihintay ni Bea.

"YES!--"

May naramdaman akong kumakalabit sa akin. Anong nangyayari? Teka. Sasakyan? Lenka's Don't let me fall? Diba? Can't help falling inlove ang kanta? Naku. Sa pagbaling ng aking paningin, nakita ko si Bea na punong-puno ng pagtataka ang mukha. She smiled at me and say...

"Yes, baby. Naandito na tayo sa BEG. Tara! Practice na."

Panaginip lang pala.

UnconventionalWhere stories live. Discover now