Trip

2.4K 71 8
                                    

Unti-unti ng sumisilip ang araw habang ang bawat miyembro ng Ateneo Lady Eagles ay nagpapahinga muna dahil na rin sa pagod. Ngayong hapon na ang Game 2 ng kanilang championship series laban sa Lady Spikers. Isang panalo nalang ang kanilang kakailanganin para mapanatili sa Katipunan ang titulo.

Nakatayo ngayon si Bea na medyo may kalayuan sa kinalalagyan ng kanyang mga teammates sa Ateneo Oval. Malalim ang iniisip. Hindi n'ya akalain na darating s'ya sa puntong ito. Napakahalaga ng championship title sakanya higit sa kung ano pa man. Habang nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bewang, nakapikit ang kanyang mga mata at dinadama ang ihip ng hangin na dumadantay sa kanyang balat. Bawat butil ng pawis na tumutulo mula sa kanyang noo at iba pang parte ng kanyang katawan ay katumbas ng kanyang pagpupursige na makatulong sa kanyang napiling koponan at unibersidad. Ito ang unang taon n'ya pa lamang bilang isang Lady Eagles pero malaking parte na ang kanyang naitulong sa kanyang team.

Habang malalim ang kanyang iniisip ay hindi n'ya namalayan na nasa likuran n'ya pala si Jia. Taimtim lamang s'yang pinagmamasdan. Napapangiti si Jia sa tuwing ganito ang gawi ng taong kanyang minamahal.

You really changed a lot, Bei. For the better.

Lumapit si Jia sa kinaroroonan ni Bea at isinandal n'ya ang kanyang mukha sa likuran nito sabay yakap ng mahigpit. Pinikit n'ya rin ang kanyang mga mata at naramdaman n'ya nalang na hawak-hawak na ni Bea ang kanyang kamay na nakapalupot sa katawan nito.

"One last Jia, we're going to obtain our goals na." Hindi man nakikita ni Jia ang mukha ni Bea ay alam n'yang masaya ito sa malaking posibilidad na tagumpay nilang matatamo. "Hindi ko parin alam kung gaano nga ba kasarap kapag naipuntos na natin ang championship point. Sisigaw ba ako? Tatalon? Iiyak? Hahanapin at yayakapin ka? Ewan."

Napangiti si Jia sa sinabi ni Bea. "Paano nga ba? Ako man, kahit naranasan ko na nung isang taon ang sinasabi nilang 'best feeling ever' hindi parin kita masasagot sa tanong mong iyan. Isa lang ang sigurado ako, mas special ito dahil kasama ko ang taong mahal ko." Mas lalo n'ya pang hinigpitan ang kanyang pagkakayakap kay Bea.

Hinawakan ni Bea ang kamay ni Jia at tinanggal ito sa kanyang bewang. Lumuhod s'ya na nakatalikod parin mula Jia at inaaya n'ya itong sumampa sa likod n'ya. Naramdaman naman n'ya ang katawan ni Jia sa kanyang likod at nang masiguro na maayos na itong nakahawak sa kanyang leeg ay tumayo ulit s'ya ngayon, pasan-pasan n'ya si Jia.

Ang hangin na kanina pa umiihip ay pareho na nilang nararamdaman sa kanilang mukha, pati na rin ang liwanag ng araw na nagbabadya ng magpakita ng kabuuang liwanag. "They said, best feeling ever is wining the championship title. Medyo sumasang-ayon ako doon, Jia. Pero for me, the best feeling is this moment. Tahimik. Walang komplikasyon. Iisa ang tibok ng puso mo sa tinitibok ng puso ng iyong minamahal. That's the best feeling ever." Isiniksik ni Jia ang kanyang mukha sa leeg ni Bea habang buhat-buhat parin s'ya nito. "Sa oval na 'to, Jia. We had our first kiss ever. Remember?" Tumingin s'ya kay Jia at nakita n'ya naman na tumango ito habang nakangiti. Napangiti sila habang bumalik ang alaala ng pagkakataon na iyon. "Ginusto kong umiwas noon habang papalapit ka saakin pero ko maintindihan kung bakit hindi ko nagawa. Naisip ko na iyon ang tama, ang umiwas, pero, heart over matters ata ang nangyari that time. Tumigil lahat ng nasa paligid ko. Ang attention ko ay nakatuon lang sa'yo. Jia, bago ka pa man umamin sa totoo mong nararamdaman saakin, Mahal na kita."

Walang salitang sinambit si Jia matapos marinig ang lahat ng sinabi ni Bea. Hinagkan n'ya nalang ito sa kanyang pisngi habang nakatingin parin sa kawalan. Ibinaling ni Bea ang kanyang paningin sa mukha ni Jia. Ang kanyang mga mata ay nangungusap, nangungusap ng matamis na halik mula sa taong minamahal. Inilapit naman ni Jia ang kanyang mukha kay Bea at hinalikan n'ya ito sa labi.

♡♡♡

Alas dos ng hapon. Nasa Mall of Asia Arena na ang parehong team. Bago pa man magsimula ang laro ay ginawaran naman ang bawat indibidwal na katangi-tangi ang pinakita sa buong Season. Nakuha ng Team Captain ng Ateneo Lady Eagles na si Alyssa Valdez ang kanyang back-to-back MVP, Best Scorer at Best Server. Ang kanilang libero naman na si Dennise Lazaro ay matagumpay na nakuha ulit ang back-to-back Best Receiver award. Maganda ito bilang pabaon na rin sa panghuling season n'ya ng UAAP. Masayang-masaya ang dalawa dahil matagumpay sila individually. They inspired each other kung kaya't ganito na lamang ang ganda ng kanilang nilalaro. Iba talaga kapag naandyan ang taong minamahal mo, kasama mo sa bawat laban na haharapin.

UnconventionalWhere stories live. Discover now