One Step

3.1K 75 3
                                    

Paminsan-minsan ay pumapasok parin sa aking isipan ang nangyari sa maulan na gabing 'yon. Hindi ko napipigilan na makaramdam ng lungkot. Normal na siguro 'yon. Hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago ang aking nararamdaman para kay Miguel. Mabigat sa tuwing naiisip ko s'ya pero kahit papano ay naiibsan tuwing naandyan ang mga kaibigan ko na handang umalalay para sa akin, lalo na si Bea.

Isang beses ay naitanong ko sakanya kung bakit biglang nagbago ang pagtrato nya sa akin. Ngumingiti lang s'ya sa lahat ng pagkakataon.

Very curious talaga ako kung kaya't tinanong ko ulit s'ya kung bakit nga ba. Hindi naman ako nabigo sa pagkakataon na 'to. Nakulitan na ata kaya sinagot na nya ako. Sabi nya, desisyon nya 'yon. She's going to commit herself on taking care of me. Hanggang sa maging okay daw ako.

♡♡♡

Nasa gitna ako ng klase ko ngayon nung maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang phone ko. Habang pilit kong hinahati ang atensyon ko mula sa Prof. ko ay hindi ko magawa dahil na rin sa mensaheng nabasa ko.

Jia, I know you're smiling right now. Diba tama ako? Haha. Gotya! Ten points for the BEAst. Keep smilin'.

Sira talaga. Kung may isang salita that best describe, Bea. RANDOM. Pero in all fairness, 'yon ang mga bagay-bagay na nakakapag-pasaya sa akin ngayon. Ang isang magandang bagay na maipagpapasalamat ko kay Lord after me and Miguel broke up, it is the friendship that me and Bea are having right now.

♡♡♡

Training's done for today. Naupo ako sa isang sulok ng Blue Eagle Gym. Ramdam ko ang pagod pero okay lang. Inabot ko ang tubig at towel para makainum at makapag-punas dahil magpapalipas pa ako ng ilang minuto bago maligo.

"Mind if I join you?" Bumaling ako para tingnan kung sino ang papalapit. Inialis ko ang bag ko mula sa pagkakapatong para makaupo s'ya sa tabi ko.

"Sure, Bei." Tumabi na kaagad s'ya saken. Sinimulan nyang tanggalin unti-unti ang athletic tape sa mga daliri nya.

"Do you know the best part of our everyday practice for me?"

Sa pagbitaw nya ng mga salitang 'yon ay namutawi ang ngiti nya na parang nakakaloko at sabayan pa ng nakatitig s'ya sa akin ng diretso sa mga mata ko. Minsan nahihirapan parin ako na basahin kung ano ang tumatakbo sa isip nya. Ayokong mag-assume. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin na ako ang best part na 'yon.

Hindi na nya akong hinintay na magsalita pa. Nananatili parin ang ganong ngiti nyang 'yon at pagtitig sa akin.

"The best part of this everyday training is... ang tubig na iniinum naten after. Matapos ang ilang oras na hirap para maging perfect ang mga plays, very rewarding ang tubig na 'to. This is athlete's piece of heaven here on earth. For you to taste this piece of heaven, kailangan mo 'tong buksan para ipasok sa buong sistema mo. You have to take that one step to be rewarded."

Ang lalim, pero, totoo. Nakakaewan lang kasi bakit parang may double meaning ang mga salitang binitawan nyang 'yon. Haaaay naku. Ewan. Bahala na. Assuming nanaman ako.

Don't worry, Bei. I'm willing to take that one step to be rewarded.

UnconventionalWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu