Chapter 4

0 0 0
                                    

Chapter 4

Noong gabi na may nangyari sa living room ng bahay, 'yung pagtatalo, nakausap ko pa si Izel bago matulog. Wala na akong matandaang sinabi niya no'n maliban sa mga iba pa niyang ginawa at ang pagsabi niya kay Dad na nagpunta kami sa club.

"I remember your Dad called me last night asking where you were.. then I told him you were at the club."

Dahil nakainom siya nang mga oras na 'yon, nasabi niya kay Dad kung nasaan ako. Hindi ako makapaniwala.

But I know it didn't just come from izel. Dad doesn't believe what anyone says so he will look for someone to find out if it's true. Outside and inside the university, Dad knew something. Sasabihin naman ng namumuno ng university kung may ipaparating sa mga guardians.

Kagaya na lamang last week, nakakapagtaka ang mga sinasabi ni Dad.

"Kasintahan mo ba si Darcus Laurel?" Ang tanong ni Dad kinabukasan noong gabi ng pagtatalo.

Napamulagat ako at napatigil sa pagbubukas ng gate namin. Darcus Laurel? Paano nakilala ni Dad ang lalaking 'yon?

Kunot-noong tumugon ako kay Dad na nasa aking likuran, "He is not my boyfriend. At wala ako non."

Panandaliang tiningnan ko si Dad at pinagpatuloy ang pagbubukas ng gate.

Kung pagbabalingan ng tingin, nakapagtataka ang pagiging curious ni Dad sa usaping kasintahan ko. He knew the faces of my exes, not the first name. I know that's weird. Pero mas iba ang pagtatanong ni Dad kay Darcus. Hindi niya lang tinanong kung kasintahan ko ang binata, sinabi niya pa ang pangalan.

Nakakapanibago. Noon, ang tanong ni Dad, "Boyfriend mo?" At never niyang tinanong ang name o maski banggitin. Pero alam niya ang background ng mga exes ko, just a little information without knowing the first name. Last name lang din ang alam ng aking ama. Hindi na nito pinapasok ang mga malalalim na impormasyon.

Si Darcus na hindi ko boyfriend o naging boyfriend, kilala niya. Jeez. Kung may boyfriend ako ngayon, I'll be annoyed.

"Paano mo nalaman kung sino ang lalaking 'yon, Dad?" Tanong ko na parang walang nangyaring hindi maganda kagabi.

"May nakapagsabi lang din. He's not your boyfriend, right?"

Tuluyan na akong napaharap kay Dad. Maliwa-liwanag ang mukha nito ngayon. Pinagmasdan ko ang mukha nito. Maybe he knows something.

"He's not."

Tumango-tango ito, "Do you like him?"

Napamulagat ako. I like the guy named Darcus Laurel? That is a big NO. "What?! Of course not!"

Tila hindi nagpatinag si Dad at natawa na lamang. He doesn't laugh every time he asks about a guy! What's going on now?!

"Hmm. Nakikipagkita ka sa kaniya sa loob ng university." That's not a question.

I'm confused. Ang daming katanungan ang nabubuo sa isipan ko kagaya ng paano niya nagagawang itanong sa akin ang mga akala ko ay hindi niya alam? Except for the boyfriend.

"Dad, anong pinagsasabi mo? Nakikipagkita? Hindi naman 'yon sadya."

Nakikipagkita? It's like we have a secret relationship. Ano, little dirty secret?Pero sa katunayan, wala talaga.

Hindi ko kailanman na inasam na makita o makipagkita kay Darcus sa loob at labas ng university. Hindi ako stalker para masilayan siya. Nothing like that will happen.

"Pero gusto mo ding makita siya?" He asked as if he were a fortune teller.

"Dad! Why are you referring to that guy all of a sudden?!" That was my last question to him before he entered the house laughing.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Keep In Memories (Editing)Where stories live. Discover now