Chapter 1

2 0 0
                                    

Chapter 1

Tuluyang nawala sa isipan ko ngayon ang pinag-usapan namin ni Izel nang buksan nito ang pintuan ng library. Magtatanong pa sana ako kung sino ang pinuntahan namin dito pero napagtanto ko na isang tao lamang ang maaaring paglaanan ng oras ni Izel sa loob ng library, her fraternal twin sister.

Hindi kami papasok sa library para magbasa, papasok kami dahil si Unique ang pakay niya.

Hindi naman nalalayo ang agwat namin ni Unique sa isa't-isa. May pagkakaiba kami, oo, pero ka-close ko naman siya kahit pa todo pinag lalapit pa kami ni Izel.

Pagkatapak na pagkatapak namin sa loob ng library, agad kaming tumahimik. Hindi ko pinansin pa ang mga matang tumingin sa amin. Dere-deretso kaming naglakad papalapit sa isang estudyanteng naghahanap ng libro sa shelves. Malalaman mo kaagad na si Unique dahil sa nakasampay nitong puting sweater sa balikat. Madalas niyang dala-dala 'yon kahit mainit ang panahon.

"Unique, kumain ka na ng lunch?" I smiled imperfectly and waved my hand.

Ngumiti din siya sa akin nang mapansin kami. Inayos nito ang mga librong hawak at sinusubukang ayusin ang sweater na nasa balikat nang lumaylay ito pagkatapos humarap samin. 

Umiiling na inayos ni Izel ang sweater ng kapatid.

"Uh.. hindi pa? Pero may baon naman ako, don't worry." At saka siya nahihiyang ngumiti.

Napangiti ako at bahagyang sumandal sa shelves nang namataang kokontra si Izel. Mahina ang boses kong nagpaalam sa kanila. Hindi na ako nakinig sa mga kanilang sinabi at nagtititingin na lamang ng mga libro.

May mga sandaling rinig ang mga yapak ko habang nililibot ang library.

I was in the middle of turning the pages of the book I chose when I heard the door opened. Hindi ko na sana titingnan pa 'yon at maghahanap na lamang ng upuan nang magsalubong ang aking kilay sa lakas ng boses ng lalaking kapapasok lang yata.

"Buddy, ikaw na lang ang kulang sa grupo! Hahayaan mo bang may malampasan ka sa usapan?"

Parang narinig ko na ang boses na 'yon, palagi kong naririnig actually. 

Nagkibit-balikat ako at hinayaan na lamang 'yon nang suwayin ni Unique ang lalaki. Library 'to, alangan namang mag-ingay.

Habang naglalakad ako para maghanap ng upuan, hawak ko ang libro at nagbabasa. Malakas naman ang pakiramdam ko kaya walang masyadong proproblemahin.

Saglit kong binalingan ng tingin ang upuang nasa harapan ko bago ako umupo. Wala sana sa plano ko ang magbasa pero dahil nag-uusap pa ang magkapatid, ayoko namang iwan si Izel kaya mananatili muna ako rito kasama ang librong pinapantasya ng karamihan.

Handa na sana akong ilipat na ang pahina ng libro nang tumunog ng mahina ang aking phone, tanda na simula na ng susunod na klase. Bumagsak ang balikat ko at napatingin sa kinaroroonan nina Izel at Unique. Izel gave me a sign to wait, I nodded in response.

Tumayo ako at lumapit sa shelf na pinaglalagyan ng librong kinuha ko kanina. Ingat na ingat ko itong binalik sa dating pwesto at pinagpagan ang mga kamay.

Nagtungo ulit ako sa inupuan ko kanina. Kakaunti na lamang ang mga estudyante sa library. Ang iba ay nagsisilabasan na para pumunta sa kani-kanilang klase.

I leaned back in the chair and closed my eyes. Wala namang masyadong ginagawa ngayon pero pakiramdam ko, pagod na pagod ako. Palagi naman yata. Hindi ko naman namalayang pagod na pala ako kung hindi ko pa pakikiramdaman.

Ilang saglit pa nang may naririnig akong mga yapak na tila papunta sa akin hanggang sa may marinig na malalim na boses.

"Miss?"

Keep In Memories (Editing)Where stories live. Discover now