Prologue

6 0 0
                                    

Prologue

Hindi lang pangalan mo ang pwedeng mailagay kapag pumirma ka sa isang kasunduan, mailalagay rin dito ang iyong katapatan, pangako, relasyon sa taong kasama mong pumirma, sinusubok din ang iyong kakayahan, ang iyong pagiging maaasahan… at marami pang iba.

So why do you want to sign? Or why do you need to sign? For what? For whom? For what reason?

May mga pagkakataon na ikaw lang ang may alam sa dahilan. Pribado o sadyang itinago? Pero may mga pagkakataon din na may iilan na nakakaalam maliban sayo mula umpisa pa lang.

At hindi lang din kakaunti ang may alam na sa isang desisyon, pwedeng magbago ang lahat.

***

Pagkatapos pirmahan ng isang binata ang kasunduan, inilahad ng matandang lalaking gumawa ng kasunduan ang litratong hinihingi niya.

"Ito ba?" tanong niya. 

Tumango ang kaharap at ibinigay ang kasunduan sa mga kasama nito. Ang iba pa sa kanila ay tinitingnan ang binata mula ulo hanggang paa. A stranger.

The stranger they were referring to was wearing a black t-shirt that was quite loose, gray sweatpants and white sneakers. And he was carrying a laptop bag.

Gabing-gabi pero ito pa rin siya, nasa labas at nakikipagkasundo.

Sa katahimikan, rinig na rinig ang pag-vibrate ng cellphone niyang nasa bulsa kaya hindi maalis sa kaniya ang mga tingin ng mga taong nasa harapan niya. Kanina pa kasi tawag nang tawag ang kaibigan niyang naghihintay sa kaniya. Mainipin.

"Yes. Just remember that all you have to do is find her. Pagkatapos ay makipagmabutihan ka sa kaniya."

He didn't speak to the old man in front of him and to those next to the old man who was probably twice his age. Kung bibilangin, iilan lamang sila na nasa loob ng isang silid sa pamamahay ng matandang lalaki, anim lang sila. At buong pamilya pa yata ang mga kasama niya.

He just nodded slowly. Sigurado ba siya sa gagawin niya? Yes. Mukha lang hindi.

The old man continued speaking proudly, "We will take care of the rest, just give me an update."

Kasama sa ibang tinutukoy ng matanda ay ang pagpapakilala niya sa taong nasa litrato—na pinapahanap nito, at sa pamilyang kaharap niya. Kumbaga, siya ang tulay. Alam niyang hindi 'yon mahirap gawin. Kung may malulugmok man sa bandang huli, alam niyang hindi siya 'yon.

"Yeah, I know. Can I leave now?" kaagad niyang tanong.

Bukod sa pakikipagkasundo, wala na siyang ibang gustong gawin sa loob ng bahay ng kausap. May balak pa yata ang matanda na makipag-kwentuhan, uunahan niya na.

Ngumiti ng malaki ang matanda at iminuwestra ang pintuan ng silid. Alam kasi nitong hindi taga-hanga ng mga ganoong bagay ang binata. Nakikita pa lang sa mukha niya.

"Oh, sure! Until we meet again!" Mahina pa itong natawa.

Tumango ang binata sa mga kaharap at inaayos ang mga dala habang papalabas ng bahay ng matanda. Nagkakilala lang sila sa kalye. Naghahanap ang matanda noon ng maaasahan sa gusto nito. At siya ang nakita. Hindi siya magnanakaw o ano. May hahanapin lang talaga siya. Ang kapalit? Malalaman ng pamilya pagkatapos niyang magawa ang gusto ng matanda. May agreement paper kaya panatag siya.

Pagkalabas na pagkalabas ng bahay, sumalubong sa kaniya ang kaibigan niyang kunot na kunot ang noo sa kahihintay sa labas.

"May plano ka pa palang lumabas sa bahay na 'yan? Sa tingin mo, ilang oras akong naghintay rito?" sarkastikong tanong nito.

Napailing-iling siya at ngumisi. Hindi rin naman niya akalain na pinaghintay siya ng matanda sa loob bago muna tuluyang kausapin.

"Sinabi ko ba kasing maghintay kang gago ka?"

Umismid na lang ang kaibigan at inusisa ang nangyari sa loob ng bahay. "Oh, ano? Binigay na ba sayo?"

Kung litrato ang pag-uusapan, "Oo," sabi niya sa mababang boses.

"Sigurado ka na ba riyan? Nandito naman ako, tang ina mo. I could fill your needs." His close friend indirectly offered. May kumpyansa sa sarili ang tono nito.

They both walked away from that house. Hindi pa natatapos ang gabi nila dahil sila ay may pupuntahan pa. Ang binata lang sana na may dalang laptop bag ang pupunta sa isang bahay, kaso wala 'yatang magawa ang kaniyang kaibigan at sumama na lang.

"Needs? Then—"

"Except for sexual needs," agap nito.

He laughed when the interruption happened. Kilalang-kilala talaga siya ng kaibigan. Hindi na rin nakakabigla, matagal na rin naman silang magkaibigan. Sa sobrang tagal, kahit ang mga kalokohan niya ay alam nito.

"I know you very well, buddy. I know you," natatawa ring sabi ng kausap.

Hanggang sa makarating sila sa kanilang paroroonan na nagtatawanan. At bago papasukin ng guard, he punched his close friend on the shoulder jokingly. Hindi matapos-tapos sa pagkukuwento ito.

Pagkapasok, the maids greeted him and signaled that the person he was visiting was in the living room. His face was serious as he headed there. He had no time to find out how big the house was. Kaya naman pagdating sa sala, hindi pa siya nakakaupo, wala siyang balak umupo, the owner of the house immediately handed him the folder where the agreement was. 

Yes. May isa na naman siyang kasunduan na pipirmahan. Iba nga lang ang kondisyon. Magkaibang tao ang nagbigay sa kaniya ng naunang agreement kanina at ng pangalawang agreement na hawak niya ngayon. Magkaibang-magkaibang tao.

"If you are sure, sign now. I have a lot more to find," malamig na sabi ng isang nakatalikod na nasa early forties na lalaking nakatayo matapos niyang basahin ang nilalaman ng folder. May ginagawa ito na ibang bagay. Mukhang busy na tao ito.

Hindi na rin pwedeng magtagal ang binata, maraming oras na ang nagugol niya sa gabing 'yon. Ang plano niya kasi dapat ay magpahinga dahil may trabaho pa siya bukas. Isa pa, mukhang hindi naman na siya patatagalin ng nasa early forties na lalaki. Ilang araw na nilang napag-usapan ang tungkol sa agreement paper at paulit-ulit lang din ang gusto nito na kaniyang naiintindihan, "Watch over her. Tell me everything you know about her."

Nakalagay na rin ang litrato sa folder kaya hindi mahirap unawain kung sino ang tinutukoy nito. Because he felt that the man in his early forties didn't want to talk to him, sa mahabang oras na mayroon siya sa gabing 'yon, he signed the paper.

Humarap ang may-ari ng bahay at inilahad sa kaniya ang maliit na envelope na naglalaman ng pera na dahan-dahan niyang kinuha. 

"Here. Hope you can use it in your study. Good luck." The man in his early forties tapped him on the shoulder.

"Hmm, got it," he simply answered and said goodbye with no emotion on his face.

Keep In Memories (Editing)Where stories live. Discover now