Year 3022, Sept. 23rd
"Masaya ako at nakasama kita sa paglalakbay na ito. Sa mahabang panahon, dumating na rin ang araw na iyong pinakahihintay, kaibigan." banayad na sinabi nito.
Ilang taon na ba ang nakakalilipas? Halos hindi ko na matandaan kung kailan una kaming nagkita nito. Nawala man ang lahat sa'kin ngunit isang bagay na ipinagpasalamat ko ay ang makilala ito. She became my friend, my guidance. Binigyan niya ako muli ng pag-asa. Akala ko, habang buhay na lamang akong magiging ganito. I can't even name myself kung ano pa nga ba ako. And why I'm still here? Ano paba ang kailangan kong gawin para danasin ang paghihirap na to? I lost my life for nothing. Hindi madaling tanggapin. Pero wala akong magagawa. We all suffered for the consequence na ako mismo ang gumawa. I thought, I save the life of a woman I love.
Nagkamali ako.
Ilang taon kong dinala ang guilt at pagsisisi sa puso ko. Hindi ko lubos matanggap ang makita na mas lalo itong naghihirap sa piling ng ibang tao.
Eliah is right.
Matagal ko ng pinaghandaan ang pagkakataong ito. For a hundred years of my existing--lol. I'm about to be born again-- Hindi na ako makapaghihintay pa na makita muli ang babaeng mahal ko.
"Nakahanap na rin ako ng mag-aalaga sayo. Huwag kang mag-alala, mabait ang mag-asawa, magiging mabuti silang magulang para sayo," anito. "Mamahalin ka nila na parang tunay na anak."
Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa at hindi maitatagong saya buhat sa sinabi nito.
"Eliah."
"Ano iyon, kaibigan?"
"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo to ginagawa. Kung bakit mo ba ako tinutulungan. Wala akong maipapangako kung hindi ang maisa-ayos at mailagay sa tama ang lahat."
Ngumiti lang ito.
"Wag mong isipin na ginagawa ko ito ay para lamang sa iyo, Gabriyel. Katulad mo, matagal ko na rin siyang hinihintay at tanging ikaw lamang ang magiging daan ng kaniyang muling pagkabuhay," anito. Simula nang makilala ko ito, naging malawak ang pang-unawa at prinsipyo ko sa buhay. Kahit papaano sa kabila ng dinanas kong paghihirap ay nakilala ko ito.
"Magkikita pa ba tayong muli?" Naitanong ko dito. Nakakatawa. Pero nasanay na akong kausapin siya na naaayon sa pananalita nito. I may find it really weird. Pero si Eliah lamang ang nakakausap ko sa loob ng napakaraming taon.
Mabining tumawa ito.
"Oo naman."
Panigurado, mamimiss ko talaga ang babaeng to. Siguro kung wala lang na nagmamay-ari sa puso ko, malamang na nagkakagusto na ako dito. She's beautiful inside and out.
"Isa akong manlalakbay. Wag kang mag-alala, kaibigan. Hindi kita pababayaan. Dadalhin ko ang iyong alaala sa nakaraan upang maisakatuparan mo ang iyong minimithi," anito. Wala man akong ideya kung papaano niya gagawin iyon subalit naniniwala ako sa kanya. Sa lahat ng nakikilala ko, kay Eliah ako lubos na nagtitiwala.
Napayakap ako dito.
"But, still. I'm going to miss you, Eliah. Sabihin mo lang sa'kin kung may maitutulong ako sayo. Hindi ako magdadalawang-isip na gawin ang bagay na yon," sabi ko.
Sa loob ng mahigit isa't libong taon na nakakasama ko ito, para na ring kapatid ang turing ko sa kanya. We may lived in a different world, dahil ayon dito ay hindi siya katulad ko na isang mortal na may limitasyon ang buhay dito sa mundo.
BINABASA MO ANG
Taking Over Me (Paranormal) (Under Major Editing)
ParanormalA girlxgirl story. =Taking Over Me= Book 1 - "The Conjurer" Book 2 - "After Life" √Paranormal √Supernatural √Horror √Fantasy √Mystery √Romance DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, places and incidents are ei...