TOM-B.20

1.1K 34 2
                                    

Naalimpungatan si Marsiella nang makarinig ng mga mumunti at matinis na boses sa kanyang paligid. Sumasakit ang ulo at mabigat ang mga talukap niyang pilit inaaninag ang kapaligiran.

"Gising na siya!"

"Humayo na tayo!"

"Bilisan natin!"

Bago pa man makaalis ang mga ito, naramdaman niyang may tumama na maliit na insekto sa kanyang kamay buhat ng maiangat niya ito.

Isang munting boses ang kumuha sa kanyang tingin mula sa ibaba. Animo'y tutubi ang mga ito ngunit kakaiba ang anyo na tila mga tao'ng singliit ng hintuturo niya lamang.

Maingat niya naman itong pinulot at inilagay sa kanyang palad.

"It's a... fairy?" Di makapaniwalang sambit niya. Nakaranig naman siya ng pagbukas ng pinto at mula sa labas, pumasok ang gintong liwanag sa loob ng kanyang silid.

"Marseilla?"

Ang diwatang si Hertiles ang nakita niyang pumasok.

"Hertiles..."

Nagbigay pugay ang diwata bago nito inabot sa kanya ang hawak na maliit na nilalang.

"Kumusta ang iyong pakiramdam?" May pag-aalalang tanong nito.

Sandaling pinakiramdaman naman niya ang sarili. Nang masigurong okay naman siya maliban nalang siguro sa pananakit ng ulo niya ay wala naman siyang ibang naramdaman na kakaiba sa kanyang katawan.

"A-Anong nangyari?"

Subalit, ikinapagtataka naman niya kung papaanong napunta siya sa silid na ito. Sa pagkakaalam niya ay kasalukuyan silang namamasyal ni Ele sa sagradong lawa ng banoa.

Pero papaanong...

        

"Mainit ho pa rin kayo. Kailangan nyo na hong kumain at magpalakas." Pukaw ni Hertiles sa pagbabalik gunita niya.

Takang nag-angat siya ng tingin dito. Nagtatanong ang mga mata. Mukhang nababasa naman nito ang nasa kanyang isipan.

"Ilang araw ka ng walang malay. Ang mahal na sumiah ay labis na nag-alala sa iyong kalagayan." Batid ang lungkot at pagkabahala sa boses ng diwata.

Bumukas ang pinto at pumasok ang ilang tagasilbi. Dinalhan siya ng pagkain ng mga ito.

"Nasa'n si Ele?" Naitanong niya nang maalala ito.

       
"Kasalukuyang naglalakbay ang mahal na sumiah sa..."

"Saan?"

Bigla nalang kasi itong natigilan. Nagyuko ito ng ulo. "Sa mundo ng mga tao, Marseilla." Ika nito. May pagsisising napa-angat ng tingin sa kanya.

"What?!"

Nasa mundo niya ang Ele na yon? How come na hindi man lang siya dinala nito sa mundong kinalakihan niya? Ang mundong kinabinilangan niya?

That Ele!

Napakuyom ang mga kamaong nanatili siya sa kanyang malalim na pag-iisip. So, balak talaga nitong ikulong siya sa mundong to! That damn selfish! I'll swear to god. Kahit anong mangyari, hindi magtatagumpay ang Ele na yon! Makakabalik siya sa mundong pinanggalingan niya. At sisiguraduhin niyang magtatagumapay siya! She wil leave this godamn place no matter what!

"M-Marseilla--"

"Iwan mo na muna ako, Hertiles." Malamig niyang turan sa diwata.

Aktong hahawakan nito ang kanyang mga kamay ngunit maagap niyang inilayo ang mga yon.             

Taking Over Me (Paranormal) (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon