8-The Conjurer (TOM)

3.3K 157 7
                                    

"JESUS CHRIST! This place is creepy. Bakit ba tayo nandito? Diba matagal ng abandonado ang sementeryong to?" Narinig kong pagsasalita ni IU sa likuran ko. Mahigpit na naapahawak ito sa braso ko.

Yeah, right. Kung pwede ko lang  sabihin dito lahat ng mga nakikita ko ngayon sa lugar na to. Surely, she'll freak out.

Nasa Pertes Cemetery kami ngayon.  Pangatlo na sementeryong napuntahan namin ngayong araw na 'to.

We need to find kung saan nakalibing ang katawan ni Ana. Nakapagtataka lang ay ni isa ay walang nakakapagsabi kung saan ba talaga ito inilibing. Nakapagtanong-tanong na rin kami sa iba. At iyon nga, wala ni isa ang nakakaalam. Kagagaling lang din namin sa mga Ruthwell subalit hindi man lang kami nabigyan ng pagkakataon na makausap ni isa sa miyembro ng pamilya.

Nakakapagod isipin na habang tumatagal ay tila nagiging misteryo para sa'kin kung ano ba talaga ang nangyari kay Ana. Parang may mali e. Nakakapangduda kung bakit mailap ang pamilya nito sa mga tao lalo na't patungkol iyon sa nag-iisang dalaga ng mga ito. Bukod sa nangyaring aksidenti, may iba pa kayang nangyari kay Ana?


"Omg! I think, there's something in  there!" Batid ko ang panginginig sa boses nito. Kagaya nga ng sinabi nito, napatuon ang mga mata ko sa direksyon na itinuturo nito.

Bigla ay kinilabutan ako nang makilala ito. It's wasn't just a dead person! Obviously, she's a grim reaper. Fuck! Anong ginagawa ng isang grim reaper sa lugar na 'to?


Bigla ay napaatras ako nang mapansin ang maitim at nakakapangilabot na pigura na nakatayo sa likuran nito.  Not just one, but, they're everywhere. Napamura nalang ako sa sarili at nagsimulang kaladkarin ang kaibigan ko palayo sa lugar na to. She's not safe here. Kahit na hindi niya nakikita ang mga ito. Still, delikado para kay IU ang manatili sa lugar na to.

"W-What's the matter? Chei, anong n-nakikita mo?" Kabadong ika nito.

"Don't ask. Mas mabuting wala kang alam," sabi ko. Mas binilisan pa namin ang paglalakad nang bigla ay may humawak sa braso ko. Kaagad napatigil ako at nilingon ito.

It's just boy.

Nakaupo ito sa isang nitsong napapalibutan ng tuyong damo. Mukhang ilang taon na yatang hindi nalilinis ito.

Nakatingin lang sa'kin ang bata. Wari ay nagtataka ito kung bakit nakikita ko ito. Samantalang naging balisa ang kaibigan ko. Binalot ng takot at pagtataka ang mukhang pinaglipat-lipat ang mga mata nito sa'kin at sa tinitignan ko. Alam niyang may kakayahan akong makakita ng hindi pangkaraniwang mga nilalang dito sa mundo.



"What do you want?" Sa halip na pansinin si IU. Takang binalingan ko ang bata. Palagay ko ay nasa edad walo o nwebe pa ito. Normal naman ang anyo nito bukod sa pagiging maputla niya. I guess, he died in illness. Kapag kasi ang tao ay namatay sa isang aksidenti or isang pangyayari na may kinalaman sa pagkasira ng katawan o anyo ng mga ito. I'm not saying na ganun na talaga ang magiging hitsura nila, but they can use it to haunt other people.


Dahan-dahang bumubuka ang bibig ng batang lalaki. Unti-unti ring napapalitan ang kulay ng mga mata nito hanggang sa naging kasing pula ito ng dugo. Nag-iiba na rin ang anyo nito.


Like I said before, some ghost are cute. Pero halos madalas sa kanila ay nakakatakot talagang tingnan. That's why, some people who can see them can lead insanity. Nakakawala talaga ng katinuan lalo na't sa mga simpleng tao lamang. Yong iba ay nawawalan na ng kontrol sa sarili. It's a big opportunity for lost soul to invade the human body. Kaya may tinatawag na, possession.           


"Let's go."


Mabilis ang naging paghakbang ko palayo sa lugar na ito. Hindi na ako magtataka kung bakit napakarami ng naninirahan sa sementeryo na to.


Aktong bubuksan na sana ng kaibigan ko ang pintuan ng sasakyan nito nang matigilan ako. Mabilis kong pinigilan ito.

"W-What? What is it?" Takang ika nito. Kaagad nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Thoses faces. Nakakasuka ang papangit ng mga mukha nila.


"C-Chie... what the fuck is going on?"

"Move." Sa halip, ay utos ko sa kanya. Tang-ina, inunahan pa kami. Ayokong sabihin dito na may mga nakasakay sa kotse nito. Baka kung ano pa ang mangyari sa kaibigan ko.

Kumuha ako ng bato at malakas na ibinato iyon sa loob. As I expected, nawala na parang bula ang mga ito.

"What the fuck?!" Mangiyak-ngiyak naman nitong bulalas.

"I'll pay for it." Sabi ko at dali-daling pumasok sa kotse nito. "Hurry." Walang nagawa na sumunod ito.

"Swear. This will be the last time na makakasakay ka sa kotse ko. Ugh!" Anito at mabilis na pinasibad ang sasakyan nito. Pagod na napasandal nalang ako.

"This is pointless. Bakit ba tayo nagpapakahirap na hanapin yong katawan niya?"

"I don't know. May gusto lang akong malaman," malayo ang isip kong sagot dito.

Napailing lang ito.

I was hoping na sana mali ang naiisip ko. Pero kailangan kong alamin ang totoo. Habang tumatagal ang nagiging palaisipan sa'kin lahat ng to.

                

Matapos ihatid sa bahay ay kaagad na nagpaalam si IU. May date raw ito at ang girlfriend nito ngayong gabi. Kaagad sinalubong ako ng mga katulong para kunin ang gamit ko. Ngayon ko lang nabatid ang gutom sa buong araw na paglilibot namin sa sementeryo.

Pagkatapos kumain ay kaagad na umakyat ako sa kwarto para magpahinga.

Anastacia Rey Ruthwell. Ano ba talaga ang itinatago ng pamilya mo? May dapat ba akong malaman?

Matapos maligo, suot ang roba na binuksan ko ang laptop at tinype ang buong pangalan nito.

Bumungad sa paningin ko ang mga litrato nito. Isang malalim na buntong-hininga ng pinakawalan ko't napasandal ang likod sa inuupuang silya. Nakakapanghinayang ang ganda mo. 


Ilang sandali ko pang pinagsawa ang mga mata kakatingin sa mukha nito nang maalala ang pakay ko.



The Ruthwell gone missing after their one and only daughter Anastacia Rey Ruthwell died in accident... Hilot ang sentido at may inis na sinara ko ito. Kahit maliit lang na impormasyon ay pahirapan pa rin. Kahit petsa o lugar na pwede nitong paglibingan ay wala man lang nailagay. Nakakapagtaka. Ni hindi rin ako sigurado kung totoo ba talaga ang nakasaad sa article na ito.



Taking Over Me (Paranormal) (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon