Tom-B.21

855 25 36
                                    

NAKAKASILAW na liwanag ang sumalubong sa kanya. Halos mabulag ang mga mata niya dulot ng pananakit nito. Pabagsak na napaluhod ang dalaga, hinihintay na makapag-adjust ang kanyang paningin. Hanggang sa marinig niya ang maingay na huni ng mga ibon. Unti-unting iminulat niya ang mga mata at nailibot ang tingin. Nasa loob siya ng isang kagubatan. Nanginginig man ang mga tuhod, dali-dali siyang tumayo at naghahanap ng mapaghingan ng tulong.

Umabot ng lima hanggang sampung-oras na paglalakad, nanghihina na rin ang kanyang katawan. Matinding pagkauhaw ang kanyang nararamdaman. Kaya ganun na lamang ang ginawa niyang pagtakbo nang may mapansing batis. Agad uminom ang dalaga at naghimalos ng mukha. Pagod na pagod na ang mga paa niya sa walang katapusang paglalakad.

Gayunpaman, hindi siya nawawalan ng lakas-ng-loob. Kailangan niyang makauwi at makabalik sa pamilya niya. Tiyak na alalang-alala na ngayon ang Mommy at Daddy niya. Maging ang Ate Mercury niya at si Venus. Sobrang nangungulila siya na makasama uli ang mga ito. Kahit papaano ay naipagpasalamat niya ang tulong na ginawa ni Magna sa kanya kung papaano makakaalis sa lugar na iyon. Utang niya dito ang kalayaan niya mula kay Ele.

Subalit kahit anong pilit niya ay unti-unti na ring nawawalan ng lakas ang kanyang katawan. Nanghihina siya't idagdag pa na ilang oras na siyang gutom.

"T-Tu....Tu...l-long..." Ngunit ganoon na lamang ang takot niya nang maramdaman ang pagbagsak niya sa tubig.

No!

Hindi siya maaaring mamatay!

Hinding-hindi niya maaaring sayangin ang pagkakataong ito na makabalik sa pamilya niya.

Oh, god!

Mulat ang mga matang unti-unti siyang nilalamon ng kadilim. Ngunit, bago iyon ay may naaninag siyang mukha ng isang babae.

"GISING kana pala," narinig niyang ika ng isang boses babae. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Sa una ay malabo pa ang lahat sa kanyang paningin.

"N-Na'san ako?" Ang tanging lumabas mula sa bibig niya matapos mailibot ang mga mata sa buong paligid. Tanda niya ang huling alaala sa gitna ng kagubatan. Pero papaanong...

That Ele!

Nasundan kaya siya nito?

Pinuno ng pagkabahala at takot na muli niyang nailibot ang tingin. Napabangon siya.

"Nasa clinic ka. Ako pala si Lesley," pagpapakilala nito. Nakangiti at kalmado ang boses. Mukhang nakakahalatang hinawakan nito ang kamay niya.

Napatuon dito ang mga mata niya. Nahihiyang binawa naman nito iyon.

"I'm sorry."

Takang napatingin lang siya sa maamong mukha nito. Ikinapagtaka niya kung papaano siya nadala sa lugar na 'to.

Napatikhim ito.

"Okay naba ang pakiramdam mo? Limang-araw ka kasing tulog."

Tumango siya dito.

Five days?

Limang araw na pala mula nang makaalis siya sa kakaibang lugar na iyon.

"How... How did I get in here?" Kasabay ng paglunok niya. Nakaramdam siya ng matinding pagkauhaw.

Mukhang nakahalata naman si Lesley nang mapagawi sa isang pitsel na may lamang tubig ang mga mata niya. Tumayo ito at nagsalin ng tubig sa isang baso.

Inabot sa kanya iyon ng butihing babae. Kaagad naman niyang tinanggap iyon matapos magpasalamat.

"Nakita ka kasi namin sa bundok nung mga nakaraang araw. Nagh-hiking kami ng mga kabarkada ko that time," anito.

Nakaramdam siya ng ginhawa sa narinig. Ibig-sabihin ay nakaalis na siya sa lugar o weird na mundong iyon?

Taking Over Me (Paranormal) (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon