TOM-B.14

682 37 0
                                    

(Banoa's picture on media)


"Anong lugar ba to?" Napakatahimik ng paligid. Though, napakaganda ng lugar. Seems like Arcadia do exist. Ngunit, napaisip siya sa posibleng dahilan kung bakit sila naparito. "Dito mo na ba ako papatayin?"
 

"Bakit mo naman naisipan na papatayin kita?" Balik tanong nito.

Kumibit-balikat lang siya.

"Natanong ko lang. Malay ko? Bakit ba? Masama naba ang magtanong ngayon? Wala ba kayo ditong freedom of speech and whatsoever?" Asar niyang sabi.

Napailing na lamang ito.

Tinulungan siya nitong makababa sa kabayo. "Bitiwan mo nga ako! Nananantsing ka lang naman!" Panu ba naman kasi, naramdaman niya ang mga kamay nito ang pwet niya.  Tss. Pervert talaga!

"So, what now?" Napahalukipkip siya at inilibot ang tingin sa kapaligiran.

"Lower you voice. This is a sacred place." Paninita nito.

"Tss. Whatever!" Sabay ikot ng mga mata niya.

"Kahit kailan ang kulit mo talaga." Napapailing na sinundan na lamang ng tingin ng reyna ang dalaga.

As usual, iba't-ibang uri ng mga ligaw na halaman ang makikita sa kapaligiran. Namumukadkad ang mga bulaklak at may iba't-ibang kulay. Malamig ang hangin at kung paano dumilim ang langit ay di niya alam kung bakit bigla na lamang kumulimlim ito.

Napakatahimik ng paligid na tanging mga maliliit lamang na hayop sa himpapawid ang maririnig. May malawak na lawa sa gitna, may malalaking balete at iba't-ibang klase ng mythical creature na akala mo sa aklat o telebisyon mo lang makikita't mababasa.

"They won't harm you." Saad ng Reyna ng mapansin ang pagkabahala sa mukha ng dalaga.

"Talaga palang nag-e-exist ang mga yan dito sa mundo?" Naitanong niya. Ang creepy ng mga mukha nila still di naman nawawala ang kakyutan ng mga ito. Ewan, ang gulo ng mga mukha ng mga ito.   

"Yes. It does." Sagot ng katabi niya. "In my world." Dagdag nito.

Naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang kamay. Tututol pa sana siya ngunit napansin niya ang isang kabute malapit sa kanya kaya napahigpit ang mga kamay niya dito.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Naiinis niyang tanong. Sinasadya ba nito ang takutin siya? Aba! Ei kung ganun... pwes! Nagkakamali ito!

"Just follow me-"

Natigilan ito ng marahas niyang kinuha ang kamay dito at inilayo ang sarili.

"Anong ginagawa mo?"

"Tss. Akala mo siguro mauuto mo 'ko, noh! Binalak mong dalhin ako sa lugar na 'to para maka-score ka, noh? Aminin mo!" Sa una, kababakasan ang pagkagulat sa mukha nito. Ngunit, agad din iyong naglaho at napalitan ng mapang-uyam na ngiti.

"You're unbelievable." Sabay iling nito ng ulo.

"Sagot!" Nabulabog yata niya ang mga nilalang sa paligid kaya napatakbo ang ilan sa mga ito papalayo sa kanila.

"Fine. If that's what you think."

Napamaang siya.

Ano raw?

"Ugh! Bahala ka dyan sa buhay mo!" Padabog siyang nagmartsa papalayo dito.

                 
"Hey! Be careful!" Napahinto siya at takang nilingon niya ito. Sumenyas ito sa may paanan niya kaya napasunod  ang mga mata niya kung saan nakatuon ang tingin nito.

Taking Over Me (Paranormal) (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon