CHAPTER 19

112 9 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw, tatayo na sana ako nang naalala ko nakayakap saakin si ken.

Humarap ako sa kaniya at nakita ko siya na tahimik na natutulog. Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya hanggang sa namalayan ko nalang na nasa kaniyang labi na ang aking kamay.

"Kahit tulog ka ang gwapo mo pa rin" namamaos kong sambit

Ngumiti ako at ginala ang aking kamay sa ibang parte ng kaniyang mukha.

Ilong na kay ganda, Pisngi na kay sarap pisilin, Mata na kay gandang pagmasdan, Labi na kailanman ay hindi ko pagsasawaan...

"Ilang taon na ang nakalipas ngunit ikaw pa rin, Ikaw pa rin ang napukaw nang aking puso"

Hinalikan ko siya sa pisngi at napagdesisyunang bumangon na at magluto ng pagkain.

Habang nagluluto ay nagulat ako nang may yumakap saakin.

"Good morning" wika nito

"Good morning, tanggalin mo na ang pagyakap mo ililipat ko na tong pagkain natin" wika ko

Imbis na tanggalin eh hinigpitan niya ito lalo, ako naman ay sapilitang tinatanggal ito pero ayaw talaga kaya wala akong choice kundi ayusin ang aming pagkain habang nakayakap siya saakin.

Kinurot ko siya nang balak niya pang kumandong ako sa kaniya dahil nga ayaw niya akong bitawan.

"Umayos ka ken porke wala dito si lian eh ganiyan na"

Kinikilig kasi ako hanuba T_T baka hindi ko mapigilan ang sarili ko baka makagawa kami ng himala dito bawal yon!

Ngumisi lang siya at kumain ako naman ay inirapan nalang siya.

Totoo kaya yung sinabi nung apat? Argh! Naalala ko nanaman!

FLASHBACK

"May chika ako!" ngiting sambit ni angeline

"Ano yun?" Sabay na wika nung tatlo

At ako? Wala akong pake sa chikahan nila, diyan sila mahilig eh hays.

Kumuha nalang ako ng chuckie yung malaki hihi at nagsalin sa baso.

"Alam niyo ba? Nabasa ko sa internet na kapag tahimik ang lalaki, I mean hindi sila pala talk eh... Hihi" ngising wika nito

Umupo ako sa tabi ni Ange, si ly ay wala syempre nag-aalaga ng bata hehe.

Nabuga ko ang iniinom ko at sa kamalas-malasan eh naibuga ko toh kay janelle na katapat ko.

"What the f? Seriously Gnrous?!" Inis na sambit nito habang hinuhubad ang damit.

Kami-kami lang naman kaya wala ng hiyaang nagaganap kung may maghuhubad saming magkakaibigan.

OUR MEMORIES Where stories live. Discover now