CHAPTER 29

112 9 0
                                    

"Ano ganun ganun nalang ken? Hindi mo ko ipaglalaban? Sabi mo mahal mo ko?"

"Sorry"

"Ikakasal ako sa taong hindi ko gusto! Ken ikaw  ang gusto kong pakasalan!"

"Gnrous, mahalin mo nalang siya"

"Ikaw yung mahal ko eh, Ikaw lang ken, pero ikaw pa tong may gusto na ipakasal ako sa iba"

"Hindi naman sa gan--"

"at Saan?! Mahal mo ba talaga ako?"

"Oo pe--"

"Duwag. Duwag ka!"

"Panaginip nanaman" Habol hininga kong sambit

Napatingin ako sa bintana at napag-alamang umaga na pala.

Aalis na kasi kami ngayon dahil bukas na ang gaganaping kasal, saglit lang naman siguro ako sa concert dahil aasikasuhin na ang kasal.

Ito na rin siguro ang huli kong makikita si ken na nagpperform...

"Tara na po Ma'am"

Tumango nalang ako at sumakay sa kotse kasama ko sana sina jan kaso baka makita at mahalatang nandoon ako sa concert hindi puwedeng makita ako ng lima...

Nang nakarating kami ay kinausap ko saglit si tatang robin para sa paglabas ko pagkatapos ng concert o kapag kailangan ko ng umalis para wala ring makaalam o makahalata saakin.

Katabi ko ang mga body guard at nalaman kong a'tin rin sila na ikinatuwa ko dahil hindi sila mab-bored sa concert.

Halo-halong emosyon ang nangyari saakin o hindi lang ako? Hehe.

Hindi pa sila tapos ngunit kailangan ko ng umalis para saan pa? Para sa kasal...

Panandaliang shoot daw....

"Tatang thank you po ha"

"Ahno kha bha, no problem bhasta ikhaw! Ingat ka and congratulations for your wedding"

Ngumiti lang ako tuluyan ng sumakay sa kotse..

Ken PoV

"Sigurado na ba kayong hindi pupunta si Gnrous sa concert?" Tanong ko

"Hindi daw dahil diretso na daw sila ngayon sa lugar kung saan ka-- este siya ikakasal" wika ni stell

"Sino ba kasi ang naka-isip ng plano na toh?"

"Ikaw po ser, nako kapag nabunyag na lahat ihanda mo na sarili mo!" Asar ni josh

"Okay lang atlis hehe eh kayo? Wala pa" balik kong asar

"Papunta na yun dun! Just wait lang yeah!" Wika nito

"Masaya ako na lahat tayo ay sa wakas mararamdaman na yung matagal nating tinatamasa" masaya kong sambit

"Oo nga ang bilis ng panahon noh? Parang dati broken ang peg natin pero ngayon hayssss" nakangiting sambit ni Jah

Tumawa kami at ilang minuto lang ay tinawag na kami hudyat na magsisimula na.




"Bago ho magtapos itong concert siyempre batiin natin ng happy birthday si Ken kahit bukas pa HAHAHAH" Natatawang sambit ni stell

"Happy birthday to you~"

"Happy Birthday Kennnn! We love youuu!!"

Yumuko ako saglit para magpasalamat tiyaka binlow ang kandila sa cake.

"Ang sweet niyo talaga hanggang ngayon may pakulo pa kayo tulad neto ang daming cake!" Wika ko

"Nais ko pong magpasalamat sa inyo, salamat dahil nagstay kayo kahit na kasal na ang iba saamin dito, Salamat sa patuloy niyong pagsuporta saamin, alam ko o natin na kay dami nating pinagdaanan na pagsubok pero hindi kayo umalis at sinamahan niyo pa kaming lagpasan yun"

Pinunasan ko ang luhang tumulo saaking mata at ang iba rin sa kanila ay naiiyak na.

"Hinding hindi ko toh malilimutan, A'tin!!!!"

"Yesss!!"

"You did a great job! The best talaga kayo! Salamat! Sobrang salamat sainyong lahat, kahit na wala na yung grupo namin ay sana suportahan niyo naman ang ibang ppop groups na paparating o nagdebut na ang laki na! Grabe sa totoo lang hindi ko o namin inakala na magbboom ang ppop! Salamat sa inyo, salamat po"

Umiiyak na rin ang ibang kasama ko at halos lahat kami ay nag-iiyakan na!

"Alam ko po na nasaktan namin kayo dahil magkakaroon na po kami ng sariling pamilya pero tandaan niyo po na kayo ang una't huli naming mga minamahal na a'tin!"

Kahit na wala na kami....

Hinding-Hindi maglalaho ang pagmamahal namin sa inyo....

Kayo pa rin ang una't huli naming mahal....

A'TINxSB19 FOREVER!

"At sa babaeng minamahal ko, pasensya na kung napaluha kita ng matindi pero pinapangako ko na babawi ako at gagawin ko ang lahat para maging okay ka na, Sorry kung nasasaktan kita ngayon pero babawi ako pangako"

Hintayin mo lang ako.....

Pasensya na langga ko.....



PRESENT

DON'T FORGET TO VOTE!



ACKKKKK MATATAPOS NA HUHU😭

TATLONG CHAPS NALANG AT MATATAPOS NA😭








OUR MEMORIES Where stories live. Discover now