CHAPTER 13

133 12 0
                                    

"Ahh"

Napahinto naman ako sa pagsubo kay Lian at napatingin kay ken na nakanganga ngayon.

"Subuan mo din ako ahh" Nakangiti siya habang nakanganga, hays buang.

Agad naman akong napatingin sa paligid at tila pinagtitinginan pala kami ng mga tao.

Wala akong choice kaya sinubuan ko nalang siya, may nakita akong nag-flash pero nawala din agad hinanap ko yun pero wala eh hindi ko nahanap.

Doble ingat kami ngayom dahil ayaw naming mangyari ang nangyari kila Jah.

"Sarap pa rin ng luto mo"

Napangiti naman ako dahil doon kaya sinubuan ko uli siya. Ilang taon na rin akong hindi nagluto dahil taga-luto namin ay si Trisha at ly, lahat naman kami marunong magluto.

"Pagkatapos nito san tayo?" tanong ko

"Secret nga kulit pagkatapos nating maglibot dito pupunta na tayo agad sa dapat punatahan natin"

Napatango nalang ako dahil doon. Tinapos namin ang pagkain at namasyal na.

"Hindi mo ko photographer ha?" Pagtataray ko.

Tumawa lang siya at agad ko namang kinuhanan iyon, tinignan ko ang kuha ko at napangiti.

Ang Gwapo talaga hehe.

"Ikaw naman pipicturan ko"

Agad ko namang binigay sa kaniya ang phone ko at agad akong kinuhanan ng litrato, buti nalang ay unti lang ang tao rito kaya nakapag-picture kami ng maayos.

"Uy ang sweet natin dito oh para tayong family"

Tama siya parang nga, nasa harap namin si lian at si ken naman ay naka-akbay saakin, buti ay dala ko ang malaking tri-pod kaya hindi kami nahirapan.

"Ang cute mo dito lian oh!" turo ko sa larawan niya.

Nakashade na kami maliban kay ken na naka-sumbrero lang.

"Oo nga po, Tita Mama pwede ko po bang ipasa yan sa teacher ko? Kasi po Para ko na po kayong magulang" wika nito.

Agad naman akong naawa sa kaniya, kung hindi lang nangyari iyon ay siguro buhay pa si Lui.

"Yes naman pero include your true father okay?" Wika ko tiyaka pinisil siya sa pisngi.

Naglakad-lakad pa kami at kumain at ng nabagot ay napag-pasiyahan naming umalis na at pumunta na sas dapat naming pupuntahan.

"You can sleep muna mahaba-haba ang biyahe natin" Ken said.

Si Lian naman ay agad na nakatulog dala ng pagod. Ako naman ay hindi pa ganong inaantok kaya napag-pasiyahan kong magcellphone.

Nakita kong nagtext si Janelle kaya agad kong binasa iyon.

'Mag-iingat kayo, May nakita nanaman akong picture niyo but rumor palang at hindi pa nila alam kung si ken ba talaga iyon'

Pati ba naman sa tagaytay? Really? My golly!

"Any problem?"

Agad naman akong napatingin kay ken.

"May isang fan na naka-kita saatin but hindi pa niya sure kung ikaw yun" I said.

"Don't worry about it aayusin yun ni ate rose, Naka-usap ko siya kanina"

Tumango nalang ako at tila nabawasan ang kaba. Nagulat ako ng halikan niya ako sa sentido.

"Huwag kang kabahan okay? Let's enjoy this okay? Gusto kitang makasama rose, gusto kong bumawi"

OUR MEMORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon