CHAPTER 25

97 10 1
                                    

Nakasimangot akong pumasok sa bahay at kahit na nagsalita sila papa ay hindi ko sila pinansin.

"Anak!"

"Maganda ang desisyon mong bumalik dit--"

Napatigil sila sa pagsasalita ng padabog kong isinara ang pinto.

Bakit ba gustong gusto nilang ikasal ako sa lalaking hindi ko pa nakikita?! Hindi pa ba sila kuntento sa yaman nila?! Argh!

Inaayos ko ang gamit ko ng sabihin saakin ng katulong namin na kailangan kong bumaba at mukhang seryoso daw ang pag-uusapan namin nila papa.

"Tsk, seryoso ba yan? Kakauwi ko lang pa" walang buhay kong sambit

"Your mouth gnrous!"

I roll my eyes at tumingin sa kaniya ng walang emosyon.

"So bakit ka nandito? Papayag ka na ba o tatakasan mo nanaman ako?"

"Anong takas don? Nasa boracay ako, kung tatakas man ako ay pupunta ako sa liblib na lugar"

Takas na ba yorn?

"Payag na ko okay ka na? Pero gusto ko munang makausap si ken at makapunta sa concert nila"

Nalaman ko na may concert sila kaya sigurong mas maganda kung pupunta ako dahil eto na yung huli...

"Okay pinapayagan kita pero! Huwag na huwag kang tatakas! Seryoso ako Gnrous baka madamay si ken sa gulo na toh"

Natawa ako dahil sa kaniyang sinabi.

"Una't sapul ikaw ang nagpasimula ng gulo pa, I'm fucking engaged! Pero ano?! Ikakasal ako sa iba! iba na hindi ko pa nakikita! Nalalaman kung ano ang ugali! Baka mamaya ikakasal niyo ko sa matandang kulubot! Pa! Ayaw na ayaw ko sa---"

"Hindi talented, hindi fashionable, seryoso ano pa ba? Bonus nalang ang chaka! Ano okay na? Baka yang mga sinasabi mo mailunok mo kapag nakita mo na siya sa kasal"

Kahit pa gwapo yan basta hindi si ken suson out!!!!!

"Bakit ba ayaw niyong ipakita kung sino siya? Sa galaw mo nagmumukhang CHAKA yung mapapangasawa ko?! Huh! Sabi ko naman sayo noon pa na kapag hindi si ken suson out! Magm-madre nalang ako!"

Nagulat sila sa sinabi ko nung huli, eh bakit?! Mas pipiliin ko nalang na ganiyan! Kung hindi naman si ken yung mapapangasawa ko T_T

"Magugustuhan mo rin siya anak--"

"Ang kulit mo eh, si ken lang ang nandito sa puso ko siya lang yung tinitibok nito!"

Mas magandang wala si ken sa kasal dahil masasaktan lang ako....

- - -

"Hija okay ka lang ba?"

Pinunasan ko ang luha ko at napatingin kay manang tess.

Nakatanaw ako sa mga bituin nang maabutan niya ako, hindi ko alam na umiiyak na pala ako hahaha.

"Alam mo hindi naman ganiyan papa mo eh, ay hija may ikkwento ako sayo"

Tumabi siya saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo ba noon muntik ng maikasal ang papa mo sa iba pero ginawa ng papa mo ang lahat nag-explain siya sa magulang niya at ipinakitang mahal niya ang mama mo kaya ayun hindi siya natuloy. alam mo ba yung babae eh umiyak? Kasi ready na siya at ipinagkalat niya na ikakasal siya sa papa mo eh ayun pahiya siya kasi hindi natuloy"

Nagbuntong hininga ako at inayos ang aking upo.

"Manang alam mo gusto kong ipaglaban ang meron saamin ni ken pero si ken na yung sumuko..."

Ayokong umiyak!!

"Sa tingin mo ba manang tess tama lang ang desisyon ko? Na maikasal sa ibang hindi ko gusto?"

Ngumiti siya at hinaplos ang aking buhok.

"Hija ikaw lang ang makakasagot niyan, kung pupunta ka dun mo lang malalaman pero kung hindi puwede kang magsisi o hindi naman"

Magsisi? Bakit?

"Sige na hija matulog ka na maaga ka pa bukas kailangan mo ng magsukat ng damit huwag kang mag-alala sasamahan kita bukas"

Lumabas na siya at ako naman ay ginawa na ang skin care ko at sa huling sandali ay tinanaw ko muli ang langit.

"Para kang bituin ken kay hirap mo nang abutin, kahit na maabot man kita ay hindi ka pa rin mapapasakin"




PRESENT.

DON'T FORGET TO VOTE!


SORRY 600+ WORDS LANG PO ITO BAWI ME NEXT 👉👈




OUR MEMORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon