CHAPTER 28

99 9 0
                                    

"Bagay sayo anak"

Nakatingin lamang ako sa malaking salamin at tila hindi ko na malaman kung ano ang magiging reaksyon o emosyon ko.

Maganda nga at bagay saakin ang susuotin ko para sa kasal pero ang groom ko ba ay bagay rin saakin?

Hindi ko alam ang sasabihin ko, ang ir-react ko sa kasal...

Siya kaya? Siguro ay masaya siya ngayon at alam na ang sasabihin niya.

Bakit ba kasi bawal ipakita? Surprise ba dapat? Akala ba nila mas-surprise ako? Asa.

Ikakasal ako ng malungkot ako, walang bahid ng saya...

"Anak alam kong naging harsh kami ng papa mo sa love life mo pero anak lahat ng lungkot at luha mo ay mapapalitan ng saya kapag nakita mo na siya" wika ni mama

"Paano? Ma, papakasalan ko ang taong hindi ko pa nakikita at lalo na ang mahal, alam niyo na kung sino ang mahal ko hindi ba?"

Tumango lang ito at hinalikan ako sa noo.

"Trust me anak, kaya kung may balak kang tumakas ay huwag mo na itong gawin at baka sa dulo ay pagsisihan mo lang"

Inayos niya ang aking suot tiyaka lumabas.

"Paano ako tatakas kung bawat galaw ko ay alam niyo"

Wala akong choice kundi magpakasal.

Balak ko pa naman sanang suotin itong napili kong gown para sa kasal namin ni ken ngunit maisasagaw ito sa ibang lalaki.

Nakakapagtaka dahil yung mga kaibigan ko ay hindi man lang ako tinulungan at worst ay pinigilan pa ako sa pagtakas.

Ano ba talagang meron at parang ayaw nila akong pakawalan at kung tatakas man ako ay pagsisihan ko ito sa dulo?!

Ano bang meron sa lalaking iyon?!






"Anak ikakasal ka na at ayon sa paniniwala ay bawal magkita ang groom at ang bride" wika ni mama

"Kahit picture lang po"

Napasabunot siya sa kaniyang buhok naiinis na siguro sakin hehe kanina pa ko nangungulit eh.

"Anak bakit ang kulit mo? Bawal nga kasi anak e---"

"Edi hayaan niyo akong makapunta sa concert ng esbi bukas"

Napasigaw nalang siya dahil sa inis at nagsisipa-sipa ng kung ano-ano.

"Sige na hayaan niyo nalang na makapunta si gnrous" sabat ni papa

"Pero---"

"Pinapayagan kita gnrous pero bawal na bawal kang lumapit sa kanila maliwanag?! May kasama kang---"

"Bodyguard? Okay"

Napa-inat ako tiyaka umakyat papunta saaking kwarto.

Ngayong ako'y pinayagan ay maghahanda na ako, kahit hindi nila ako payagan ay tatakas ako sayang ticket.

"Anak kailangan hindi ka makikita ng esbi okay? Magsumbrero ka at mask"

Tumango nalang ako at hinatak ko si mama papalabas ng kwarto, nang nasa labas na siya ay sinara ko na ang pinto.

Narinig ko pa ang kaniyang sigaw at inilingan ko nalang ito.

"Ang kulit ng anak mo honey!!!"

Nyenye!

All black nalang siguro ang kulay ng susuotin ko para hindi talaga ako kita, pero baka mapagkamalan akong may gagawing masama kaya dapat ang suotin ko ay hindi ganon tsk.

Mag cargo pants nalang ako at Slim fit croptop na puti. Sumbrerong itim at facemask! Okay na yon! Dala na rin ako ng tote bag para lagayan ng kineme ko.

Napahiga ako sa kama tiyaka tumingin sa taas.

"Last concert ko na pala iyon, dahil kapag kinasal na ako ay aayain ko ang asawa kong umalis sa pinas at sa korea nalang manirahan"

Para makalimutan ko na siya....

Malay mo matutunan ko ring mahalin yung lalaking iyon.....








PRESENT.

DON'T FORGET TO VOTE!




MALAPIT NA PO ITONG MATAPOS AT NGAYON AY NAGPAPASALAMAT PO AKO SA LAHAT NG NAGBASA NITO AT NANATILING NAKA-ANTABAY RITO SALAMAT PO🥰

OUR MEMORIES Où les histoires vivent. Découvrez maintenant