CHAPTER 8

146 15 0
                                    

"Kapag nanalo ako, Ia-arrange marriage kita sakin ano G?" Hamon ni Ken

Nandito kami sa Arcade at kasulukuyang nagpupustahan amp. Kung sino ang makabeat sa kasalukuyang High Score sa Basketball ay siya ang panalo at gagawin mo ang dare o ang pinag-usapan niyo.

"Ano? G?"

Nag-aalinlangan man ay pumayag na lang ako.

Tutal hindi naman siya mananalo diba?

'Ako ang mananalo tama! Wag kang kabahan Gnrous! Nakabali ka na nga ng buto ng tao kaya kaya mo toh! Ikaw pa ba?'

Agad ko namang sinabi ang dare ko sa kaniya, Easy lang yon!

Ngayon ko lang rin nalaman na may mga guesting shows pala ako at ang iba doon ay makakasama ang SB19.

"Ano ba yan ang daya! Hindi ko yan kaya" Angal nito

"Oh bakit parang feel mo matatalo kita kaya ka ganiyan maka-asta?" Yabang kong sambit.

"Huh! Sige ba! Ako magpapatalo? Never!"

Napangisi naman ako dahil roon.

"Ano kaya pa ba Rose?" Ngising sambit nito

Nauunahan niya kasi ako ngayon at halos lahat ng tao dito ay nanonood samin.

Inirapan ko nalang siya at ipinagpatuloy ang paglalaro.

"Hindi ko alam na Matatalo mo ko" Matamlay nitong sambit habang naglalakad.

"Ayan karma mo yan! Basta ha! Yung dare ko!" Ngising sambit ko.

Nahalata ko sa kaniyang mata ang pagkadismaya kaya natawa ako lalo siya naman ay niyakap ako sa likod.

"Kapag nagawa na yon wag kang lalapit sakin agad at sasabihing miss mo na ko ha?"

Loh yabang.

"Neknek mo baka pa nga ikaw ang mag ganiyan eh" Ngiwing sambit ko

"Ano ba yan hanggang dito pa naman may naglalandian"

Napatingin naman agad ako doon sa nagsabi, Agad naman niya akong tinarayan kaya nginisian ko siya.

Agad akong humarap kay ken at pinisil ang parehong pisngi.

"Langga ang cute cute mo talaga! Wag ka ng sad! I love you Langga"

Nagulat man si ken ay nakisabay nalang siya.

"Ano ba langga nakakahiya oh andaming nakatingin" wika nito

Agad ko naman siyang hinalikan sa pisngi at tinitigan ang babae at nginisian.

"Tara na langga! May mga bitter kasi rito, pano eh walang kalandian at walang jowa ghinost ata" Nakangisi kong sambit.

Agad naman ako nitong inirapan at umalis.

"Kita ko yun ah! A'tin kaya yon" Sambit ni ken

"Pake ko? Epal eh" Inis kong sambit

Tinawanan niya lang ako at Inakbayan palabas sa Mall. Napagpasiyahan naming magtaxi nalang at baka mangyari uli ang nangyari kanina sa jeep.

"Final na ba talaga? Bawiin mo naman yung dare mo" Pamimilit ni Ken

Kanina pa siya ganiyan pagkapasok sa taxi ganiyan na yan hanggang sa makarating kami dito sa unit.

"It's Final! So see yah tomorrow!" I winked at him sabay pasok sa loob.

nawala ang ngiti ko at napalitan ng gulat.

OUR MEMORIES Where stories live. Discover now