SPECIAL CHAPTER 2

142 4 0
                                    

Gnrous PoV


"Deserve ba talaga akong hintayin?" Tanong ko

"Yes kaya nga hinintay kita" wika naman nito


"Hinintay tsk, tagal ko ngang naghintay na sana mahalin mo rin ako pabalik"

Tinawanan niya lang ako at niyakap habang tinataw namin pareho ang kagandahan ng mga bituin sa langit.

"Kailan kaya uli ako maisasayaw ni ken suson?"

"Gusto mo ba mahal ko?" Taas kilay nitong sambit at ngumiti

Masaya akong tumango, nagpatugtog siya at ang kanta ay Anghel ng The Juans.

"Ikaw ay anghel" bulong nito sa tainga ko

Niyakap ko lang siya hanggang sa matapos ang sayaw at kanta.

Naka-upo kami ngayon at ang mga anak namin ay namasyal kila jane, kaya nagkaroon kami ng oras na kaming dalawa lang.

"Kumusta ka?" Tanong nito

"Ayos lang naman, heto masaya sa buhay dahil lagi akong pinapasaya ng mga anak ko at ng asawa ko"

Dati kapag nagkakaroon kami ng bonding na kaming dalawalang talaga lagi kaming nagkakamustahan.

"Suwerte mo naman sa asawa mo"

"Sobra pero mas suwerte siya dahil naging asawa niya ako"

Tumango-tango siya at ngumiti.

"Ikaw kamusta?"

"Heto at masaya sa buhay, ngayon ko lang nafeel tong saya lalo na at ang matagal ko ng hinihintay ay naging asawa ko na"

Pustahan kinikilig na toh, laki ng ngiti oh nakakahawa.

"Suwerte mo naman pero deserve mo na matagal kang naghintay sinaktan mo siya eh" ani ko

Nagulat ako ng tinulak niya ako natumba tuloy kami pareho sa upuan!

"Yan bilis ng karma sayo" asar ko

"Sorry na nga ih" nakanguso nitong sambit

"Matagal naman na kitang napatawad, yung asawa mo kasi marupok eh"

"Marupok din naman ako"

"Ewan ko sayo, congrats pala sa clothing line mo"

"Hindi ko naman magagawa yun kung wala ang tulong mo kaya salamat rin sayo"

Masasabi ko bang suwerte kami sa isa't-isa? Para sakin kasi oo...

Lalo ko siyang minahal simula nung naging ama na siya, lagi niyang binabantayan ang anak namin. Napakasweet niya hindi niya sila  iniispoil at naturuan niya ito na makuntento sa lahat...

Napakabuti niyang ama at asawa...

Nakapag-usap kami na salit-salitan kami sa pasok namin, katulong ko na kasi siya sa company namin nila ly.

"Salamat sa lahat langga, sobrang suwerte namin sayo ng mga anak mo"

Sumandal ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Dapat nga ako ang nagpapasalamat, Salamat dahil alam kong madami akong issue noon pero lagi niyo pa rin akong iniintindi, Sobrang suwerte ko sa inyo"

Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo.

"Alam naman naming hindi yun totoo lahat, puno lang iyon ng paninirang puri, Masaya ako dahil hindi ka nagpa-apekto doon"

Sa mga panahong iyon, gusto kong sumagot sa lahat ng mga paratang nila. Inaamin kong may nasampal at nasabunutan na ko pero deserve naman.

"Salamat sa pagprotekta sakin, Alam mo naman kung gaano kita kamahal langga, sobrang suwerte ko sayo mapagmahal ka at mabuti"

Napangiti ako doon at pinatakan ng halik ang kaniyang braso.

"Salamat din sa pagprotekta sakin, Mahal na mahal kita langga"

"Ikaw lang ang anghel ko gnrous"












-♡-

You can check and follow my social media accounts:

Wattpad: @lil_meowyieeee
Twitter: @im_jnll25

If you want a dedication please comment your name and your name bias ty.

Your votes and comments are highly appreciated ;)

OUR MEMORIES Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ