FUR 1

13 4 0
                                    

Enola's POV

Hingal na hingal ako ng magising dahil sa hindi kaaya ayang panaginip at agad bumalikwas sa kama ko. Dali dali akong bumaba ng hagdanan para hanapin s'ya.

Pumunta ako sa kusina pero wala, sunod akong tumakbo papunta sa sala, pero wala rin s'ya.

Napahawak nalang ako sa ulo ko at nag isip kung saan ko s'ya hahanapin.

Oh, Right.

Tumakbo kaagad ako palabas ng bahay ng may maisip na lugar.

Malayo layo na rin ang natatakbo ko ng huminto ako sa harap ng isang puno at sumandal roon. Nakakahingal.

Nagpalinga linga ako sa paligid pero hindi ko pa rin s'ya nakita. Saan ba nag sususuot iyon?

Mula rito tanaw ang kabuuan ng malaking bahay namin. Pero may mas magandang pwesto pa maliban dito.

Surely..

Ngumiti ako dahil sa naisip ko, umayos na ako ng tayo, huminga ng malalim at nagpatuloy na sa pag takbo.

May mga nakakasalubong na akong mga magsasaka at ibang mga trabahador na nginingitian ako at binabati, tanging ngiti lang din ang naisusukli ko sa kanila.

Kilala ang pamilya namin dito simula sa ninuno ng lolo ko hanggang kay Daddy dahil ang buong lupain na ito ay pag aari nila-- o namin.

Pero wala akong interes sa mga ganoong bagay. Pero syempre dahil ako ang nag iisang anak, lahat ng ito ay magiging nakasaalang alang sa aking mga kamay isang araw.

Pero siguradong malayo pa iyon at hindi ko muna kailangang isipin, dapat ko lang gawin ngayon ay i enjoy ang kabataan ko.

Dahil pagtanda ko, magiging katulad na rin ako ng nga magulang ko. Negosyo at trabaho na ang magiging prayoridad.

Ganun pa man, hindi ako palakaibigan na tao kagaya ng mga magulang ko na maraming kilala at koneksyon.

I am the complete opposite of them.
Kaya naman di nila maiwasang mag alala para sa kinabukasan ko.

Wala akong kaibigan pero hindi ako malungkot 'cause I have a special someone.

Hindi pa ako masyadong nakakalapit pero mula rito sa baba ng maliit na burol ay natatanaw ko na s'ya.

Para s'yang estatwa na nakaupo doon at pinagmamasdan ang kabuuan ng Hacienda.

Hindi ko mapigilan ang pagtawa ng hinahangin hangin pa ang mga buhok nya sa katawan at parang inaantok pa ang mga pipikit pikit n'yang mata. Dahil doon napalingon s'ya sa akin at agad na tumakbo papalapit.

Sinalubong n'ya ako ng maganda n'yang ngiti, at ako rin naman. Nang magkaabot na kami ay agad ko s'yang niyakap. S'ya naman ay dinila dilaan ang mukha ko.

Nakakakiliti iyon kaya naman tawa lang ako ng tawa. Kung minsan pa ay marahan ko siyang tinutulak pero hindi pa rin s'ya umaalis. Sa sandaling iyon nakalimutan ko panandalian ang nakakatakot na panaginip ko.

"Are you alright?" hinawakan ko gamit ang dalawa kong kamay ang mukha n'ya at hinaplos haplos pa ang ulo nito nang maalala ko bigla ang panaginip ko.

Nakatingin lang s'ya sa akin at hindi sumasagot. Nginitian ko lang s'ya at niyakap muli.

Minsan, alam ko naman na nagmumukha na akong tanga dahil nag hihintay ako ng sagot na mang gagaling sakanya kahit pa alam kong imposible iyon dahil hindi s'ya makakapag salita.

Madalas na tahol lang ang natatamo kong sagot, pero masaya na ako doon.

Call me weird but I would like to hear a bark than people's loud noise.

Tumayo na ako at naglakad paakyat sa maliit na burol, nakasunod lang s'ya habang hindi parin inaalis ang tinggin sa akin. Natawa tuloy ako dahil doon.

"Wag mo kong tignan ng ganyan, ayos lang ako. Nagkaron lang ako ng masamang panaginip pero--"

Bahagya n'yang tinagilid ang ulo n'ya sa kanan na parang nagtatanong kung ano iyon. Natawa nalang ako dahil maging ang maliliit na kilos nya ay nabibigyan ko ng kahulugan.

Nang makarating sa taas ng burol ay umupo ako at sumandal sa malaking punong naroroon. Agad naman s'yang umupo sa tabi ko at sinamahan akong pagmasdan ang magandang tanawin mula rito.

"Isang araw daw, nagising ako na wala ka..."

Pagkukwento ko habang nakatingin pa rin sa kawalan.

"Hinanap kita kung saan saan.."

Huminga ako ng malalim nang bigla na namang pumasok sa isip ko ang masamang panaginip na iyon.

"Pumunta ako sa lahat ng lugar na posibleng puntahan mo.."

Nangingilid na agad ang luha ko habang inaalala ang pangyayari sa panaginip ko.

"Hinanap kita. Tumakbo ako. Paulit ulit kong sinigaw ang pangalan mo,"

Tumingala ako para pigilan ang luha ko sa pag tulo.

"Pero kahit saang lugar na tinakbo ko.."

Pero pinagtaksilan ako ng mga iyon at kusa na silang tumulo.

"Wala ka..."

Tumingin sa akin si Chicken, hindi ko alam kung naiintindihan ba n'ya ako o hindi. Pero ang importante ay nandyan sya sa tabi ko.

Importante ligtas s'ya.

Tuluyan ng umagos ang mga luha na kanina ko pa pinipigila, pupunasan ko na sana iyon ng bigla na naman n'yang dilaan ang mukha ko.

Natawa tuloy ako ng wala sa oras dahil doon. Lumapit s'ya sa akin kaya naman niyakap ko s'ya ng mahigpit.

"Alam mo ba," humihikbing sabi ko sa kanya habang naka yakap pa rin. "Yung mga tao doon natatawa sa akin nung sinisigaw ko ang pangalan mo" tumawa ako dahil doon at saka bumitaw sa pagkakayakap.

Pinunasan ko ang basa kong mukha dahil sa luha at-- sa laway n'ya.

Nginitian ko s'ya para sabihing 'I am fine, don't look at me like that'

Pero nanatili lang ang postura n'ya. Seryosong nakatitig lang sa akin, gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko na gawin iyon.

"Hindi mo naman ako iiwan Chicken, 'di ba?"





Walang sagot.






Pero nang tignan ko ang mga mata n'ya ay parang nagkaroon kami bigla ng koneksyon at sinasabing n'yang 'oo'.

Brown ang mga mata n'ya at para kang dinadala noon sa ibang dimension. Hindi ko alam kung may sakit na ba ako o ewan pero isa lang ang alam ko. Mas gusto ko parin s'yang kausap kaysa sa ibang tao.


"Promise?"



Itinaas ko pa ang kamay ko na nakapang nanunumpa at sa hindi ko inaasahang pagkakataon itinaas n'ya rin ang left paw n'ya at dinampi sa nakataas kong palad at saka tumahol.

Napangiti ako dahil doon at niyakap ulit s'ya ng mahigpit.


I just felt assurance...






Dahil sa pagkakataong iyon..









Nasisigurado ko, na walang anuman o sinuman ang makapaghihiwalay sa aming dalawa...




















Hindi maging kamatayan pa..





~♡~

FUR YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon