"By the way, nasaan na 'yong bago?" pag-iiba niya.

"Sana 'wag sa Guild natin mapunta. Ayoko sa mga babae," dagdag pa niya.

Napaismid ako sa sinabi niya. Freaking brats.

"Oi, oi. Babae naman 'yong senior natin ah," sagot ni Law.

Pasimple nilang tinapunan ng tingin si Lemon na kumakain ng cake.

Lumapit si Zel at bumulong. Bulong na naririnig ko pa rin.

"Baliw. Hindi nga siguro tao 'yan eh. Tignan mo, parang manika itsura oh. May babae bang ganiyan kaganda tapos kayang lumamon ng isang buong cake sa isang upuan?"

Patago akong natawa. Kung alam lang nila kung sino—ano, rather si Lemon.

"Uhm, hello?" Rinig naming sambit ng isang babae.

Pare-parehong napunta ang mga tingin at atensyon namin sa pintuan kung saan bumungad sa amin ang dalawang babae.

Unti-unting napaawang ang bibig ni Zel nang masilayan ang babae sa pinto. A freaking idiot.

"We're the new members of the Grim Reapers," pagpapakilala ng isang babae.

"I'm August. I'm also your assistant, Principal," dagdag niya. Tinapunan niya ng tingin ang babaeng kasama niya at sinenyasan ito na magpakilala.

"H-Hello. I'm Kana."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Iyon ang araw na nakumpleto ang mga rookies sa Grim Reapers. Ang taon kung saan apat ang naging myembro ng Guild.

I was happy seeing them enjoying themselves.

I treated them as my kids. My treasure.

And everything was doing fine.

Until that happened.

"He's a monster."

Natigilan ako sa sinabi ni Kana.

Pare-pareho kaming nandito sa loob ng clinic maliban lang kay Law.

Matapos manggaling nina Kana sa mission ay hindi na ito makausap pa nang maayos. The expression of her face is different from usual—as if she has seen a ghost... a monster.

Malalim ang mga mata at namumutlang balat. Hindi ko na nagawa pang makita ang liwanag at pagkislap ng mga mata niya.

"P-Principal. P-Please. Ayoko na. Patayin niyo na lang ako. H-Hindi ko kayang makasama pa 'yong halimaw na 'yan kahit sa iisang kwarto man lang!" muling sambit ni Kana.

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko sa sinabi niya. Walang nakaimik sa mga tao rito sa loob ng silid. Wala siyang tigil sa panginginig.

"Kana, uminom ka na ng gamot," sambit ni Cael. Binigyan niya ng gamot ang estudyante ko upang pakalmahin siya.

Nang mahimasmasan si Kana ay pareho kaming lumabas ni Cael sa clinic.

"She's traumatized," sambit sa akin ng lalaking kasama ko.

Parehong napunta ang tingin namin sa bintana ng clinic kung saan tanaw namin ang partner ni Kana.

"Hindi na 'ko magtataka pa. Parang wala man lang nangyari kay Law," muling sambit ni Cael.

Nakatingin kami kay Law na malawak ang ngiti habang naglalaro ng bola.

Hindi ako makasagot sa sinabi ni Cael. Ayokong isipan nang masama ang mga estudyante ko. Sigurado akong may dahilan kung bakit gano'n ang inakto ni Kana.

Law is not that kind of person.

Napagdesisyonan namin ni Cael na dalhin muna sa ibang lugar si Kana kung saan magiging maayos ang paggaling niya.

Wala akong emosyon na lumabas ng opisina ko nang mabigla ako sa bumungad sa akin.

"L-Law."

Hinihintay ako nito sa labas ng pintuan.

"P-Principal, kumusta na po si Kana?" marahang tanong niya.

Hindi kaagad ako nakasagot. "A-Ah. She's okay now. Dadalhin siya ni Sir Cael sa lugar na gagaling siya. 'Wag kang mag-alala," pagpapagaan ko ng loob niya.

Law flashed a smile.

Hindi ko maintindihan kung bakit naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko nang makita ko ang ngiti niya.

I can see it in his eyes... the hint of sadness.

"Ah... thank you po," aniya.

Akmang maglalakad na siya papalayo nang agad ko siyang pinigilan.

"Law."

Humarap siya sa akin at hinintay ang sasabihin ko.

Napabuntong-hininga ako. "Don't keep it all by yourself okay? I told you, we're family-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong niyakap ni Law. Nakaluhod siya at nagsimulang umiyak.

"I-I'm sorry Principal. I-I'm sorry," paulit-ulit na sambit niya.

Mabilis kong pinigilan ang pagtulo ng mga luha ko at agad siyang pinakalma.

"Shh. It's okay, kid. It's okay."

Law cried nonstop. Ang akala ng iba ay wala siyang pakielam at walang emosyon.

Pero nagkakamali sila.

Law is not a destroyer.

He's not a killing machine.

Law is a human.

He has emotions. He can cry. He can get hurt.

He's just a kid.

My kid.

Matapos ng mangyari ay hindi ako napakali.

Hindi ako 'yong tipo ng tao na nanghihinala pero nagbago 'yon nang may nalaman ako.

The so called medicine of Cael was not a medicine.

I learned from a Gifted from Avelite that it's a pill that may cause hallucinations and delusions.

Humigpit ang pagkasasara ng kamao ko.

Simula no'ng araw na iyon ay nagkaroon na ako ng pangdududa.

Wala akong pakielam kung isa man silang Portugal o taong may kinalaman sa akin.

No one messes with my kids.


The Forgotten Queen: The Cursed GiftedWhere stories live. Discover now