Chapter 3

67 18 119
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I FEEL CORNERED. The crowd is closing in and I'm finding it hard to breathe. The music is getting louder and there's a ringing in my ear. I feel my skin getting sticky, my face turning red with humiliation even though I have nothing to be guilty for.

Andy doesn't seem to know what to do either. Gusto niya yata ako ilayo, pero gusto niya rin yata ako hayaan kasi sabi niya nga kanina, ayaw niya manghimasok. Gusto ko siya ang mag-decide para sa akin pero ang selfish ko kapag ganoon.

So I just stand there, my mouth opening and closing like a fish. 

Baka naman nagko-conclude lang ako. I am not confrontational. I am going to be reasonable. Hmm — let's see. Maybe she's a cousin I don't know about and they are definitely not creepy with each other? Baka akala ni Franco ako yung babae at lasing lang siya? Baka nadapa lang yung babae at, somehow, nasalo ng lap ni Franco, at nagtagal siya roon kasi wala ng ibang mauupuan?

And then my eyes meet Franco's.

When I see shock then shame in his eyes, I also see the truth. 

Nagsilbi itong trigger ko. Nakakagalaw na muli ako, naisara ko na ang bibig ko. Pero ganoon pa man, hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko. So I say nothing, move towards the door, and try not to be cliché by slapping him in the face when I move past him. I'm proud of myself.

Nang narinig ko ang sigawan ng iba naming mates at ang ibang nag-"boo" — sana sa kanya at hindi sa akin — para itong confirmation na totoo nga ang nakita ko. 

"Let's go home," Andy says as we step down the porch. 

Binilisan ko ang lakad ko. Franco should not be thinking of following me then explaining himself or else I will scream bloody murder. Nag-aalinlangan pa rin si Andy kung sasama ba ako sa kanya o hindi. Pero napatigil ako. Hindi ko alam kung saan naka-park ang sasakyan niya.

"Uhh. Dito," tahimik niyang sabi.

Walang salitang pumasok ako sa sasakyan. Pinaandar niya ito agad at pinalabas kami ni Kuya Eric. Napahinga ako nang maluwag, yung tipong nakatakas na kami sa zombie apocalypse.

Pero agad din bumigat ang pakiramdam ko. Putangina Monday bukas.


ODDLY ENOUGH, I am not bawling my eyes out all the way home. Sigurado akong hindi rin ako umiyak nang makita ko si Franco. And I'm definitely not planning on moping in bed tonight or crying to my parents. Which is weird. 

Plano kong kumain. Maliban sa isang chichirya kanina, walang laman ang tiyan ko buong gabi. Alam kong masamang combination ang alak at empty stomach, but I didn't drink, did I? 

Kumulo ang tiyan ko at nilingon ako ni Andy. Hindi siya nagkomento. Pero muntik ko na siya sabihan na dumaan muna sana kami sa drive-thru kung hindi ko naalala na dapat pala galit din ako sa kanya. 

Crush CultureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon