Chapter 7

44 7 25
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"TEKA, TEKA. Nahihilo ako," sabi ko at inabot ang pingpong ball sa kanya.

"Guuurl, tipsy ka na yata," sabi ni Kim. "Ang ganda ng party mo!"

I just finished another round of beer pong against Ezra and Oliver. Binilang ko sa utak ko kung nakailang laro ako, to prove my point that I'm not drunk yet. I'm not planning to get drunk.

"Wait. Panalo ba tayo?"

Kim laughs, sprinkling some of her saliva on my face. I hear a few people from our side of the table chuckle.

"Natalo natin yung tatlong rounds."

"Whaaat?"

"You're terrible," Ezra says, a teasing smile on his face.

Nag-bow ako sa harap nila at naghiyawan sila at palakpakan. I feel a little head rush. I really hate attention, but I'm feeling brazen tonight. Bigla na lang kasi nagkaroon beer pong. Pinuntahan ko ito kaysa sa karaoke. Baka hindi ako makatanggi roon. 

Hindi ko masyadong nakikita si Andy matapos ang prom. After namin magsimula, bigla na lang siya nawala. At nakaramdam ako na baka galit siya sa akin, which is hypocritical, since siya ang nagsabi na kailangan ko kausapin si Franco.

Psh. Bahala siya. I can take my liquor thankyouverymuch. I don't need his guidance. But I'm also hungry. Pumunta ako sa food area, a part of me hoping that he's there, pero gaya kanina, sina Jam at Michael lang ang nandoon, nagmamando sa katabing make-shift bar. Sa likod nila ay mga casual na nagkekwentuhan na batchmates ko habang nagpapapak ng chips at chichirya.

"Refill?"

"Yes, please. Salamat dito hah. Boring siguro ang party ko kung wala kayo."

"Nah. Small thing," sabi ni Michael at inabot ang pang— ilang baso ko na ba ito ng sangria? "Hindi ko nga ito nagawa sa sarili kong party."

"Kasi maaga kang nalasing? Oh wait— kayong dalawa pala!"

He shakes his head. "Well, aren't you chatty tonight. Don't sass me or I might fall in love with you."

Napahalakhak si Jam. "May side ka palang ganito. Anong mayroon ngayong gabi?"

They both stop what they're doing, peering at me curiously. I mean, halata namang nakarating na sa kanila yung sa gazebo. That got out of hand. Ayaw ko ng drama. Pero nakita ko rin sa mukha nila ang concern.

Napakibit-balikat lang ako. "Wala lang. Tipsy lang ako."

"Tipsy? Naubos na namin red wine ng Daddy mo para sa sangria. Estimate ko nakatatlong pitsel ka na."

"Huwag ninyo nga ako sisihin. Ang sarap eh. Kasalanan ninyo ito kung bakit mas pinaganda ninyo ang party."

Michael winces. "Just wait until tomorrow when you wake up."

Crush CultureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon