Chapter 1

123 20 137
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


NANGINGINIG AKO sa kaba. Kasalukuyan akong nasa party na ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko pupuntahan, kahit pa invited at malamang nandito na ang best friend kong si Andy at ang boyfriend kong si Franco.

"Nicole, okay ka lang? Namumutla ka," sabi ni Dad mula sa driver's seat. 

"Okay lang ako," sabi ko pero umiiling. I'm freaking out, eighteen years old, and I need my mother. 

"Sigurado ka bang nandiyan yung party? Bakit 'di ko na lang ipasok?"

"Huwag!" sigaw ko nang hindi sinasadya.

Napakunot ang noo niya sa reaction ko. Alam kong masaya siya na sa wakas ay naisipan ko ring lumabas at maki-mingle at pumunta sa isang party. Sinabi kong maaaring may alak. Ang normal na reaction ng mga magulang ay 'di payagan ang mga anak nila, but nope. Hindi ko sinasabing abnormal ang parents. Ang sinasabi ko ay ako ang hindi normal. Apparently, hindi sapat ang pagkakaroon ng boyfriend para isipin ng parents ko na socially competent ako.

At lalong ayaw kong makita ng mga batchmates ko na hinahatid pa rin ako ng Daddy ko.

"Hmm. Sige na then. Baba ka na at ima-massage ko pa ang paa ng Mommy mo," sabi niya. 

"Sige," sabi ko.

Pero hindi ako gumalaw para bumaba ng sasakyan at sinara lang ang AC. 

Hindi alam ni Franco na nandito ako. Gusto ko sana siya i-surprise. Which makes me look at the scrapbook on my lap. Hindi ko rapat ibibigay ito sa kanya ngayon. But I have no choice! Kailangan may rason kung bakit ako pumunta kahit kinlaro ko sa kanya na hindi ako pupunta. Ayaw ko magmukhang clingy.

It's just that, malapit na ang senior prom — na ilang beses nang na-delay simula noong February — pero hindi niya pa rin ako inaaya. Alam kong may unspoken rule sa mga magjowa na matik na pero — argh — never namin pinag-usapan ang prom. I'm giving him an opening. O kapag manhid siya, ako na mismo mag-aaya. Girls can propose now, too. It's supposed to be empowering.

Empowered, I am not. Ang lamig ng pawis ko. Sa sobrang kaba ko baka masuka ako rito. Dito mismo sa sasakyan.

"Nicole, pwede naman tayong umuwi. Bukas mo na lang 'yan ibigay. Maiintindihan naman ni Franco," sabi niya. 

I scoff. Ngayong pupunta na ako sa isang party, sinasabotahe niya ako?

"Pwede ka namang pumunta sa party. Pero 'di naman kailangan sa party na ito," dagdag niya.

"Bababa na po ako."

"Okay."

"Teka lang."

"Okay."

Sinilip ko ang scrapbook sa mga kamay ko. Hindi siya gaya ng na-imagine ko. Para siyang gawa ng anak mo na dinidikit mo sa ref. Kung nakakita ako ng tae ng unicorn, siguro ganito ang itsura. It's... glittery. And glitters are the devil's dandruff. I have glitters all over my long sleeve blouse, denim shorts, and my thighs. Noong ginagawa ko ito, dumikit ito sa damit ko, sa buhok ko, sa mukha ko, kahit sa ilalim ng mga kuko ko — baka nga may nalunok pa ako at some point.

Crush CultureWhere stories live. Discover now