Part 4: 𝙁𝙄𝙉𝘼𝙇 𝘾𝙊𝙉𝘾𝙇𝙐𝙎𝙄𝙊𝙉
- alam mo ikaw na kaibigan kong SOLID N.A.S.A. FAN AND ASTRONOMY LOVER, may MyDay ka na ipinapakita doon na nagdedebate ang globehead at ang mga flat earthers tungkol sa tunay na itsura ng daigdig tapos ang nilapag naman na itsura ng earth para matigil na ang pagdedebate nila ay hugis cube(siguro yun talaga kasi isa side lang ang nakita ko) and I asked you, "do you have some biblical evidence to support that?" tapos sineen mo lang dahil hindi ka makasagot. Bro, make sure that you are saying the truth even it seems to be a new teaching to the people around you. Alam mo naman na lying is a sin. Kasalanan ang pagsisinungaling. Please read your Bible, learn and study the Holy Scriptures of God! Huwag puro makamundong bagay, huwag puro katuruan my mga tao ang pakinggan mo. Maniwala ka rin, magbasa, at sumunod sa mga sinasabi ng Holy Bible. The Bible may hurt you with the truth but never comfort you with a lie. "For the word of God [is] quick, and powerful, and sharper than any twoedged sword, piercing even to the dividing asunder of soul and spirit, and of the joints and marrow, and [is] a discerner of the thoughts and intents of the heart." (Hebrews 4:12)
- may sinend kang picture sa gc nating magkakaibigan sabi sa picture na yun (may murang nakasulat), "**** K-POP WHO IS YOUR BIAS HERE?" Tapos sabi mo pa sina Einstein at Curie lang ang kilala mo doon. (inaakala kong group ng mga siyentista ang nasa picture) WHAT?! NAKIKI-NO TO K-POP KA? tapos ngayon tatanungin mo kung sinong bias namin sa larawan ng mga scientists na yun! Kumukontra ma sa pag-iidolo ng mga K-pop idols dahil "gawang banyaga" daw at ngayon itatanong mo sa amin kung sino ang bias naming siyentista(or in other words kinahuhumalingan/kinaadikan/"sinasamba") Wow! "Sinasamba" mo yang false preachers mo without knowing that they are atheists, Freemasons (secret occult society), truth hater or should I say Bible hater! Ops! Sinasabi sa Roma 12:2, "Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos---kung ano ang mabuti, nakalulugod sa Kanya, at talagang ganap." At sa Roma 1:22-25, "Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na hangal nang talikdan nila ang kadakilaan ng Diyos na walang kamatayan at SAMBAHIN ANG MGA LARAWAN NG TAONG MAY KAMATAYAN, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nilalang na nagsisigapang. Kaya hinayaan sila ng Diyos sa kanilang maruruming pita hanggang sa magumon sila sa paggawa ng kahalayan sa isa't isa. TINALIKDAN NILA ANG KATOTOHANAN tungkol sa Diyos at PINALITAN NG KASINUNGALINGAN. SINAMBA nila at PINAGLINGKURAN ANG NILALANG sa halip na ang Lumalang na Siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen."
- Makahatol ka sa'kin na dapat daw akong itapon sa space na para bang OFFENSIVE ANG PANINIWALA KO. Which of the truthful teachings is hurtful to you? Nang dahil sa sinabi mong iyan baka managot ka. Ops! Levitico 19:16, "Huwag mong siraan ang iyong kababayan, at HUWAG HANGARIN ANG KAMATAYAN NG IYONG KAPWA; ako si Yawe." Pwede bang before ka humatol sa kapwa mo, learn to study and think first. Hindi mo makikilala't mauunawaan ang iyong kapwa hangga't 'di mo alam ang kanyang tunay na pagkakakilanlan, ang kanyang pinagmulan, at ang kanyang buong istorya. Huwag mong agad-agad na hatulan ang isang totoong aral nang hindi muna ito nire-research at hindi muna ito pinag-aaralan.
- dukha ako, at mula ako sa pamilya ng mga magsasaka. Tapos bakit mo naman hinahamak at hinahatulan ang isang dukha? Sinasabi sa Santiago 2:5-8, "Tingnan ninyo, mga kapatid na minamahal! Hinirang ng Diyos ang MGA DUKHA SA SANLIBUTAN upang maging mayaman sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako Niya sa mga umiibig sa Kanya. Ngunit HINAHAMAK NAMAN NINYO ANG MGA DUKHA! Hindi ba't ang mayayaman ang sumisiil sa inyo? Hindi ba't sila ang kumakaladkad sa inyo sa hukuman? Hindi ba't sila rin ang DUMUDUSTA SA MARANGAL NA PANGALANG IBINIGAY SA INYO NG DIYOS? Mabuti ang inyong ginagawa kung tinutupad ninyo ang kautusang ibinigay ng Diyos, na nasasaad sa Kasulatan, "ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.""
- malinaw na! Crystal clear na! Malinaw na sinasabi sa Bible ang tunay na itsura ng earth! Kung ano ang nakasulat sa Bible iyon na yun! Note: ang Bible ay Word of God. Real Christians obey and trust the Bible! Ano pa ang makamundong kagustuhan na namamayani sa puso mo't ayaw mong tanggapin ang katotohanan at dine-deny mo pa talaga ito? Anong pwersa ang nandyan sa'yo't ipinagtatanggol mo pa't inaakala mong totoo ang mga bulaang katuruan ng mga atheists, Freemasons at mga makamundo habang binabalewala mo naman ang mga nakasulat sa Bibliya na salita ng ating Poong Maykapal? Anong sinasabi ng Bibliya tungkol sa Bibliya(Banal na Kasulatan)? Sinasabi sa 2 Timoteo 3:16-17, "Lahat ng Kasulata'y kinasuhan ng Diyos at magagamit sa PAGTUTURO NG KATOTOHANAN, SA PAGPAPABULAAN SA MALING ARAL, SA PAGTUTUWID SA LIKONG GAWAIN, AT SA PAG-AKAY SA MATUWID NA PAMUMUHAY. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay maging handa sa lahat ng mabubuting gawain."
YOU ARE READING
THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTS
Non-Fictionthis book is all about my threads posted in Facebook, the knowledge that I want to share to all of you and my random thoughts concerning religions, other cultures, and Bible.
