Part 2: 𝙄𝙉 𝘾𝙊𝙍𝙍𝙀𝘾𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙁𝘼𝙇𝙎𝙀 𝙏𝙀𝘼𝘾𝙃𝙄𝙉𝙂𝙎/ 𝘽𝙀𝙇𝙄𝙀𝙁𝙎
- yung isa kong kaibigan ay nakisawsaw din, pero nakita ko sa notification na nagcomment lang siya pero 'di ko na tiningnan. Alam ko naman na lilibakin at aalipustahin ninyo ako porket iba lang ang paniniwala ko sa paniniwala ninyo. Iba ang utak ninyong manghahatol at manlilibak sa utak ko. I saw his post about "mocking" flat earth but I just ignored him. Alam mo brethren, hindi mo talaga maiintindihan ang isang aral, ang katotohanang hindi itinuro sa mga eskwelahan na biblically and scientifically proven nang hindi muna ito nire-research, nang hindi muna inaalam kung saan talaga ito galing o ano ang basehan ng paniniwalang iyon. If you are a close-minded worldly individual, you will not understand deep meaningful biblical teachings. Aral nang mabuti ha? Huwag puro over-react.
- about nga pala sa sinabi ng kaibigan kong SOLID N.A.S.A. FAN AT SOLID ASTRONOMY LOVER na ginamit daw naming flat-earthers ang logo ng U.N., ng WHO at iba pang mga pandaigdigang organisasyon para lang sa proof ng flat earth. Well, ang mga naunang flat earthers ang gumamit ng proof na iyon kaysa sa'kin. Ang mga patunay na ibinabahagi ko ay mula mismo sa Bibliya, sa mga legit documents and proven articles. Scientifically and biblically proven. (To know these things that I'm going to reveal later, read and see the next part of this thread series.)
- I know you will say that, "hindi dapat ipagsama ang Science at ang religion." Correction lang ho, hindi po religion ang itinuturo ko gaya ng inaakala ng marami. Ang ibinabahagi ko po sainyo ay ang TRUTH, ang truth na natabunan, ang truth na dineny ng maraming tao, ang truth na itinago sa atin ng edukasyon, agham at Church. Ito ang truth na galing mismo sa Bibliya, ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos! "Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo." ( Juan 8: 32 )
- para saan nga ba ang Science? Ang Science ay ginagamit para ipaliwanag ang mga nilikha ng ating Poong Maykapal! Diba kasama ang ibon sa mga nilikha ng Diyos? At ang Siyensya/Agham na mismo ang bahalang magpaliwanag kung paano gumagalaw ang ibon na iyon, ano ang mga bahagi ng ibon na iyon etc. Hindi magkasalungat ang Science at ang itinuturo ng Diyos/Word of God. Science as in REAL SCIENCE NA PROVEN, NA TUMUTUGMA TALAGA SA SALITA NG DIYOS, WALANG HALONG MALI'T KASINUNGALINGAN AT NAGPAPALIWANAG TALAGA, hindi yung Science na nilikha para tabunan ang Salita ng Diyos, para i-brainwash ang mga tao, para iligaw ang mga tao sa pananampalataya at para ilihim sa buong sangkatauhan ang buong katotohanan.
- "at huwag nang maniwala pa sa mga ALAMAT ng mga Judio o sa TURO NG MGA TAONG TUMALIKOD SA KATOTOHANAN." ( Tito 1:14 )
- "Mag-ingat kayo upang hindi mabihag ninuman sa pamamagitan ng WALANG KABULUHAN AT MAGDARAYANG ARAL AT HINDI NASASALIG KAY CRISTO kundi sa SABI-SABI NG MATATANDA at sa mga TUNTUNIN NG SANLIBUTAN." ( Colosas 2:8 )
- "Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga PANGANGATWIRANG WALANG KABULUHAN, sapagkat dahil sa mga gawang iyon, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail." ( Efeso 5:6 )
- 1 Timothy 6:20-21 KJV says, "{6:20} O Timothy, keep that which is committed to thy trust, avoiding profane [and] vain babblings, and oppositions of science falsely so called: {6:21} Which some professing have erred concerning the faith. Grace [be] with thee. Amen."
- "Sapagkat darating ang panahong hindi na nila pakikinggan ang wasting aral; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Mangangalap sila ng mga gurong walang ituturo kundi ang mga BAGAY LAMANG NA GUSTO NILANG MARINIG. Ibabaling nila sa mga ALAMAT ang kanilang pansin at HINDI NA NILA PAKIKINGGAN ANG KATOTOHANAN." ( 2 Timoteo 4: 3-4 )
- water always seeks it's level! Kung patag ang lalagyan, edi patag din ang tubig. Water cannot stick to the ball! Water cannot bend. Kaya nga ang term na "sea level" ang tama dahil patag ang dagat hindi "sea curve."
YOU ARE READING
THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTS
Non-Fictionthis book is all about my threads posted in Facebook, the knowledge that I want to share to all of you and my random thoughts concerning religions, other cultures, and Bible.
