Naririto ako ngayon upang magbahagi ng nalalaman ko.
Credits po kay Mr. Attila Kakarrot sa ibang mga impormasyon na naririto mula sa kanyang pelikulang From Babylon to America
-simula-
Nakasaad sa Daniel 2: 1 -19
na si Haring Nabucodonosor(King Nebuchadnezzar) ay nagkaroon ng isang panaginip. Gusto niyang malaman ang kahulugan nun tapos nakalimutan niya. Pinatawag nya ang mga matatalinong tao para ipaalam sa kanya ang kanyang panaginip at ang ibig sabihin nito. Pero wala ni isang nagtangkang sumagot. Dahil napakaimposible daw. At dahil walang sumagot ay nagpataw ng Kautusan si Haring Nabucodonosor na ipapatay ang mga matatalinong tao at kabilang na doon si Daniel(ang may-akda ng Book of Daniel)
Humiling si Daniel sa hari na bigyan siya ng panahon upang malaman ang kahulugan ng panaginip
At ibinigay na sa kanya ng Diyos ang kahulugan ng panaginip...
At pagkatapos ay pumunta si Daniel sa hari at inilahad niya ang kahulugan ng panaginip...
Daniel 2: 27- 30
27 Sumagot si Daniel: Walang pantas, mangkukulam, mahiko o manghuhulang makapagpapahayag ng misteryo ng hari. 28 Ngunit may isang Diyos sa langit na naghahayag ng mga hiwaga, at ipinakita niya sa Haring Nabucodonosor ang mangyayari sa hinaharap. Sasabihin ko ang panaginip at mga pangitaing dumalaw sa iyo.
29 Sa pagkakahiga mo, mahal na hari, natuon ang kaisipan mo sa hinaharap, at ipinakita sa iyo ng naghahayag ng mga hiwaga kung ano ang mangyayari. 30 Inihayag sa akin ang misteryong ito hindi dahil sa higit akong matalino kaysa iba, kundi upang malaman mo ang kahulugan niyon at maunawaan ang gumugulo sa iyong isipan.
Daniel 2: 31- 35
31 Nakakita ka ng isang rebulto sa iyong pangitain, napakalaki, napakaningning, at nakapangingilabot pagmasdan. 32 Lantay na ginto ang ulo niyon, pilak ang dibdib at mga bisig, tanso ang tiyan at mga hita, 33 bakal ang mga binti, may bahaging bakal at may bahaging luwad ang mga paa. 34 Samantalang nakatingin ka, isang malaking batong natibag sa bundok hindi ng kamay ng tao ang bumagsak sa bakal at luwad na paa ng rebulto. 35 Biglang nadurog ang mga bahaging bakal, luwad, tanso, pilak at ginto simpino ng ipa sa lugasan kung tag-araw. Tinangay ito ng hangin, at walang natira. Ngunit ang batong bumagsak sa rebulto ay naging isang malaking bundok na pumuno sa buong lupa.
- Yan ang panaginip ng haring Nabucodonosor guys
Ano yun? Ahh may rebultong malaki tapos GINTO ang ulo,
PILAK ang dibdib at bisig
TANSO ang tiyan at hita
BAKAL ang binti at hita
At alam mo kung ano ang nasa paa?
Ang paa niya ay may bahaging LUWAD at may bahaging BAKAL
Bakit kaya ganun? Curious ba kayo guys?
Ano kaya ang mga ibig sabihin nyan?
Unahin muna natin ang ULONG GINTO
Daniel 2: 36- 38
36 Iyan ang panaginip. Ngayon, ang kahulugan. 37 Ikaw, O hari, ang hari ng mga hari. Pinagkalooban ka ng Diyos sa langit ng kaharian, lakas, kapangyarihan at kaluwalhatian. 38 Ibinigay niya sa iyong kamay ang sangkatauhan, ang mga hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid upang pamahalaan mong lahat. Ikaw ang ulong ginto.
Si Haring Nabucodonosor at ang kaharian niya which is Babylon/Babilonia ang ulong ginto...
Eto pa ang karugtong nyan
Daniel 2: 39
39 Susunod sa kaharian mo ang isang kahariang mas mahina kaysa iyo. Pagkatapos, isang ikatlong kahariang tanso ang sasakop sa buong daigdig.
YOU ARE READING
THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTS
Non-Fictionthis book is all about my threads posted in Facebook, the knowledge that I want to share to all of you and my random thoughts concerning religions, other cultures, and Bible.
