PAGBIBIGAY

8 1 0
                                        

Hi mga kapatid ko! Magandang tanghaliii sainyo! Ako nga pala si Khryss at muling nagbabalik para gumawa ng sinulid. May nais akong ibahagi sainyo mga kapatid ☺️

-start-

Ang gusto ko pong paksa ngayon ay ang "PAGBIBIGAY"

Sino ang mapagbigay rito? Hindi madamot at nagagalak magbigayyyyy

Taas ang kamayyyy

Nais mo ba ng isang halimbawa ng pagbibigay na nasa Bibliya?

Lucas 21:1-4

"Nang tumingin si Jesus, nakita niya ang MAYAYAMANG NAGHUHULOG NG KANILANG KALOOB sa lalagyan nito sa Templo.

Nakita rin niya ang isang DUKHANG BABAENG BALO na naghulog ng DALAWANG KUSING. Ang wika ni Jesus, "Sinasabi ko sainyo: ang dukhang balong iyon ay NAGHULOG NG HIGIT kaysa sa kanilang lahat. Sapagkat bahagi lamang ng DI NA NILA KAILANGAN ang kanilang ipinagkaloob ngunit ibinigay ng BALONG iyon na DUKHANG-DUKHA ang buo niyang ikabubuhay."

Sa palagay ninyo mga kapatid, bakit nasabi ni Jesus na ang ibinigay ng dukhang balo ay higit pa sa mga taong nagbigay ng mga regalo?

I have at least 3 points here

A.) dahil ang mga taong nagbigay ng handog(which is mayayaman according to Lucas 21: 1) ay nagbigay ng hindi nila kailangan.

Ibinigay lang nila yung ayaw na nilang gamit ganoon. Parang hindi bukal sa puso guys.

May mga taong nagbibigay naman dahil napipilitan ganoon.

Inaamin ko dati guys nagbigay ako ng papel sa mga kaklase ko na para bang napilitan lang

At mayroon ding namimigay ng di na nila kailangan

Or should I say may intensyon talaga sila

For example, binigyan ako ng kaibigan ko ng isang pack ng chichirya na kakaunti nalang pero ang tunay palang purpose ako nalang daw ang bahala sa basura Kung paano yun itatapon

B.) dapat buong pusong magbigay, magbigay ng may pag-ibig, at maghandog sa Diyos kahit buo mo pang ikabubuhay

Yes guys, buong puso ngang magbigay, at gawin natin ito ng may pag-ibig, gaya ng ipinangaral noong isang araw ng isa nating kapatid na GAWIN NATIN NANG MAY PAG-IBIG. Let's say may isang pulubing humihingi sa'yo ng kahit kakaunting salapi, nakita mo siyang walang dalang anuman, dapat mong bigyan, bigyan mo siya nang may pag-ibig at hindi napipilitan lamang. Magpakita ka ng habag sa kanya.

Sabi nga ng Apostol Pablo sa 1 Corinto 13: 3, "ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung WALA NAMAN AKONG PAG-IBIG, WALA ITONG KABUTIHANG MAIDUDULOT SA'KIN!"

Kung wala naman pong pag-ibig ang ating pagbibigay o pagahahandog, wala po itong kabuluhan

Continue na po tayo guys,

C) JESUS IS POWERFUL! ALAM NIYA ANG NASA LOOB NG ATING ISIPAN, ALAM NIYA ANG NILALAMAN NG ATING PUSO, ALAM NIYA ANG ATING PAGKATAO! ALAM NIYA KUNG SINO TALAGA TAYO!

Sinasabi sa Mateo 6: 8, "Huwag ninyo silang tularan. ALAM NA NG INYONG AMA NA NASA LANGIT ANG INYONG KAILANGAN BAGO PA NINYO ITO HINGIN SA KANYA."

At sa Pahayag 2:23, "Papatayin ko ang kanyang mga anak upang malaman ng iglesya na SINISIYASAT KO ANG PUSO'T ISIPAN NG MGA TAO AT GAGANTIHAN KO ANG BAWAT ISA SAINYO AYON SA INYONG MGA GAWA."

Lucas 20: 23-24, "ALAM NI JESUS ANG KANILANG MASAMANG BALAK kaya't sinabi niya, "iabot ninyo sa'kin ang isang salaping pilak. Kanino ang larawan at ang pangalang nakaukit dito?"

THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now