Ps: BATO BATO SA LANGIT TAMAAN WAG MAGALIT
Ang mga ibabahagi ko sainyo ay ang mga impormasyon na nakalap ko sa isang video sa YouTube about sa Whore of Babylon(credits po kay Mr. Attila Kakarrot siya po yung nagshare ng mga nalalaman niya sa video na yun) at sa iba pang sites na binasa ko
-simula-
The "great whore" of the Book of Revelation is
featured in chapter 17:
1 And there came one of the seven angels which had the seven vials, and talked with me, saying unto me, Come hither; I will shew unto thee the judgment of the great WHORE that sitteth upon many waters.
- ano ang whore?
Ang whore is yung babaeng prostitute, babaeng bayaran, pokpok, o babaeng malandi(sorry sa term)
Hanapin natin ang kahulugan ng whore/babaeng bayaran sa Lumang Tipan, sa aklat ng Ezekiel.
Basahin natin ang ilang mga talata sa Ezekiel Kabanata 16: 1-14
"Dumating sa akin ang salitang ito ni Yawe: Anak ng tao, ipahayag mo sa Jerusalem ang kanyang mga pagkakasala. Sabihin mo sa kanya: Sa Kanaan ka tubo; doon ka ipinanganak. Amorreo ang iyong ama at Hetea ang ina. Nang ipinanganak ka, hindi ka pinutulan ng pusod, hindi pinaliguan at nilinis, hindi hinilod sa asin ni binalot sa lampin. Walang nahabag na magbigay-pansin sa iyo. Basta ka na lamang iniwan sa lupa sapagkat kinasuklaman ka na sa araw pa man ng iyong kapanganakan.
Ngunit dumaan ako at nakita kitang gumagalaw sa sarili mong dugo. Sinabi ko sa iyo noon: Mabuhay ka at lumaki! Pinalaki kitang gaya ng isang halaman sa bukid.
Lumaki ka nga, tumangkad at nagdalaga. Lumusog ang iyong dibdib, tumubo ang iyong buhok, ngunit hubot hubad ka. Nang muli akong dumaan, nakita kitang ganap nang dalaga. Binalabalan kita ng aking damit upang takpan ang iyong kahubaran. Nakipagtipan ako at nanumpa sa iyo, at ikaw ay naging akin, sabi ni Yawe.
Pinaliguan kita, nilinis ang dugo sa katawan mo at pinahiran ng langis. Sinuutan kita ng damit na may burda at ng sandalyas na malambot na katad. Dinamitan kita ng pinong linen at mamahaling tela. Pinalamutian kita ng mga alahas, pulseras sa bisig, kuwintas sa leeg, at singsing sa ilong, hikaw sa tainga at pinutungan ng magandang korona.
May palamuti kang ginto at pilak, may mga damit na mamahaling linen, seda at burdadong baro. Pinakamainam na harina, pulot-pukyutan at langis ng olibo ang pagkain mo. Napakaganda mo, at naging reyna ka. Lubos ang kagandahan mo at natanyag ka sa lahat ng bansa dahil sa karilagang bigay ko sa iyo salita ni Yawe.
sinasabi sa mga talata na yan na espesyal nga ang bayang Israel sa Diyos
Yes special nga, at ito pa dadagdagan pa natin...
15 Ngunit nanangan ka sa iyong kagandahan, nanalig sa iyong katanyagan, at sinimulan mong ibigay ang sarili sa sinumang magdaan, gaya ng isang babaeng bayaran. 16 Ginamit mo ang ilan sa iyong mga damit sa paggawa ng mga altar sa burol at doon ka nagpabayad sa lalaki. (Huwag sana silang pumasok; huwag sanang mangyari ito!)
17 Sa pilak at ginto ng mga palamuting ako ang nagbigay sa iyo, gumawa ka ng mga lalaking diyus-diyusan at sumiping sa kanila. 18 Ibinalabal mo sa kanila ang mga burdado mong damit at inialay mo sa harap nila ang aking langis at insenso. 19 Inialay mo rin sa kanila bilang mabangong insenso ang pagkaing bigay ko sa iyo: ang mainam na harina, langis ng olibo at pulot-pukyutang bigay ko para kainin mo salita ni Yawe.
20 Ipinakain mo sa kanila ang mga anak na lalaki at babaeng isinilang mo sa akin. Hindi pa ba sapat ang iyong pagpapabayad sa lalaki? 21 Kailangan pa bang patayin mo ang aking mga anak sa paghahandog sa iyong mga diyus-diyusan?
22 Nagpatuloy ka sa karumal-dumal mong mga gawain at pagpapabayad sa lalaki nang hindi inaalaala ang mga araw ng iyong kabataan, noong ikay hubot hubad at gumagalaw sa sariling dugo(Ezekiel 16: 15 - 22)
ayan, nagcheat/nangaliwa ang Israel at lumandi sa ibang mga lalaki, tapos sumamba sa mga diyus-diyosan
- Yan ang definition ng whore/babaeng nakikiapid sa old testament
YOU ARE READING
THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTS
Non-Fictionthis book is all about my threads posted in Facebook, the knowledge that I want to share to all of you and my random thoughts concerning religions, other cultures, and Bible.
