KASAYSAYAN NG ICONOCLASM

4 1 0
                                        

PS: Hindi po ako naririto upang gumawa ng away/gulo, ginawa ko po ang sinulid na ito para ipahayag sainyo ang kasaysayan ng pagbatikos sa mga imahen at estatwa at katotohanan. Praise the Lord always!

- Ayon sa aklat ng Exodo(isa sa mga aklat ng Lumang Tipan) si Moises ay umakyat sa Bundok ng Sinai. At doon niya tinanggap ang Sampung Utos ng Diyos.

Eto ang dalawang unang utos na mula doon...

1 Sinabi ng Diyos ang lahat ng salitang ito. 2 Sinabi niya: Ako si Yaweng iyong Diyos na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin.
- 3 HUWAG kang magkakaroon ng IBANG DIYOS sa harap ko.
4 HUWAG kang gagawa ng INUKIT na DIYUS-DIYOSAN o IMAHEN ng anumang nasa LANGIT sa ITAAS o nasa LUPA sa IBABA o nasa mga TUBIG sa ILALIM ng LUPA; 5 HUWAG kang YUYUKO o MAGLINGKOD sa kanila. Sapagkat akong si Yaweng iyong Diyos ay selosong Diyos, at pinarurusahan ko ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikapat sa salinlahi dahil sa kasalanan ng kanilang mga magulang na naghimagsik sa akin; 6 ngunit nagpapakita ako ng walang maliw na pag-ibig hanggang sa ikasanlibong salinlahi sa mga nagmamahal sa akin at sumusunod sa aking mga utos(Exodo 2: 1 - 6)

- Nakita ninyo yan mga kapatid? We are not allowed to worship other gods out there! Ang Panginoong Diyos na lumikha ng langit at lupa ang dapat nating sambahin!

- pero ano ngayon ang ginawa nating mga tao? Sumamba tayo sa mga makamundong bagay! Hindi lamang mga imahe ni estatwa ang tinutukoy na IBANG DIYOS/DIYUS-DIYOSAN kundi ang mga makamundong bagay pa! Hays.

-anu-anong makamundong bagay ang tinutukoy ko? Ang adiksyon sa mga video games/online games, droga, pornography, walang habas na pagsasaya at iba pang makamundong bagay.

- hindi maikakailang may mga taong nagprotesta sa pagsamba sa mga imahen/estatwa, sumasamba daw sa mga diyus-diyosan ang ganung tradisyon ng pagsamba sa imahen at estatwa.

Simulan muna natin sa Sinaunang Panahon, sa Bronze Age...

Si Akhenaten na hari/Pharaoh ng Egipto ay nagpalabas ng kautusan na isang diyos ang kanilang sambahin at ipinagbawal nya ang pagsamba sa maraming diyos...

Sambahin daw nila si Aten(na diyos daw ng araw)

Noong kapanahunan nya ay sinira ang mga templo at samu't saring imahen/rebulto ng iba pang diyus-diyosan na di naman importante

- Pero anong napala ni Akhenaten dyan? Wala! Bumalik ulit ang paganong Egipto sa pagsamba sa mga diyus-diyosan...

Sabagay, paganong Egipto nga.

Noong Byzantine Era(kapanahunan ng pamumuno sa Silangang Imperyong Romano) ay pinasimulan ni Emperador Leo III ang pagsira at pagbabawal sa mga imahen at estatwa/rebulto.

Pero nagkaroon ng pagkakahati ang lipunan ng Byzantine nang dahil sa religious conflict na yun.

Noong Reformation Era(panahon kung saan naghahangad ng pagbabago sa Simbahang Katolika) ay mayroon pang Iconoclasm

Pinasimulan ito nina Thomas Müntzer at Andreas Karlstadt sa Wittenberg

Nag-encourage din sina Andreas Karlstadt , Huldrych Zwingli and John
Calvin na alisin na ang mga estatwa at imahen dahil paglabag ito sa 10 utos

Nang dahil sa pagbabawal ng estatwa't imahen ay nagkaroon ng mga kaguluhan sa Basel
(noong 1529), Zurich (1523), Copenhagen (1530),
Münster (1534), Geneva (1535), Augsburg
(1537), Scotland (1559), Rouen (1560) at
Saintes and La Rochelle (1562)

Ang isang Otoman Sultan na si Suleiman the Magnificent ay sumuporta sa pag-aalsa ng mga Dutch ay sang-ayon din sa pagsira ng mga imahen dahil bawal din sa kanilang relihiyong Islam ang mga bagay na ganun.

Noong panahon ng paghahari ni Haring Ezekias ng Israel ay ipinawasak niya ang mga rebulto, sagradong poste at ang anumang mga bagay na may kinalaman.sa paganismo.

Noong isinasagawa pa ang Christianization sa ilalim ni Constantine the Great, ay sinira ng mga Kristiyano ang mga imahen at estatwa ng mga pagano.

Hanggang ngayon, nagaganap pa rin ang pambabatikos at protesta laban sa imahen at estatwa. Maging ako na isang manunulat ay pinuntirya ko din sa aking akdang Assassin's bloody Wrath ang pagsamba sa mga estatwa/imahen

-end-

Source: https://en.m.wikipedia.org/wiki/Iconoclasm

THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now