INAsawa mo mama mo?! Incest pre! Kilala ko kung sino ka!
Kilala ko siya guys kung sino to...
Siya si Nimrod...
Si Haring Nimrod
Nabanggit na ang pangalan nya sa Bibliya, sa aklat ng Genesis 10: 8- 12
8 Si Kus ang ama ni NIMROD na naging unang makapangyarihang pinuno sa daigdig. 9 Napakahusay niyang mangangaso sa paningin ni Yawe, at dito nagmula ang kasabihang Mahusay na mangangasong tulad ni Nimrod sa paningin ni Yawe. 10 Nagsimula ang kanyang kaharian sa Babilonia, at sa Arac, Akad at Calane na pawang mga siyudad sa Senaar. 11 Mula sa bansang iyon, nagpunta siya sa Asur at itinayo niya roon ang Ninive, Rejobot-Ir, Calaj 12 at Rese na nasa pagitan ng Ninive at Calaj (ang Malaking Siyudad).
So guys, makapangyarihang pinuno daw sya? Tapos mangangaso pa yes! Mangangaso nga!
Nasa BABILONIA/BABYLON ang kanyang kaharian!
Si Nimrod din ang haring pinaglilingkuran ni Terah(tatay ni Abraham)
Tapos si Nimrod din ang nag-utos na itapon si Abram(Abraham) sa naglalagablab na pugon!
Si Nimrod din ang nagpatayo ng Tore ni Babel(pakibasa po ng Book of Jasher for more info) kung saan nabulol ang mga tao at hindi na nagkaintindihan kaya ayun, kumalat na sila sa buong daigdig!
Si Nimrod ay may asawa, at alam mo kung sino ang asawa nya guys?
Si Mother nya!!
Si Semiramis!
Sino si Semiramis?
Walang binanggit sa Bibliya kung sino ang asawa ni Nimrod
But according to my researches at sa movie na napanuod ko which is From Babylon to America, si Semiramis ang ina at asawa na rin ni Nimrod
Family stroke?
Sinasabi na si Nimrod daw ay napatay sa isang labanan, ngunit ayon sa Aklat ni Jasher(nakalimutan ko kung anong kabanata yun)
Pinatay ni Esau si Nimrod!
Nang dahil sa ganoon, ang isa sa mga binhi ni Abraham ang pumatay sa haring iyon.
Note: mangangaso din si Esau(si Esau na kapatid ni Jacob) katulad ni Nimrod.
Anong sumunod na nangyari?
Para mapagtakpan ang kamatayan ni Nimrod ay idineklara ng kanyang asawang-ina na si Semiramis na si Nimrod daw kuno ay naging diyos, naging Araw na diyus-diyosan!(Sun god)
What the heck is that. Paganism guys.
Tapos ayun na nga, she claim that Nimrod became a sun god, tapos nang dahil daw sa sinag ng araw na iyon ay nabuntis si Semiramis at isinilang niya ang isang batang nangangalang Tammuz....
Wow! Virgin birth lang madam?
Sabi raw anak daw nila ni Nimrod si Tammuz
At si Tammuz ay 40 years na nabuhay dito sa ibabaw ng earth at may isang paganong pagdiriwang na 40 days iniiyakan si Tammuz(mababanggit sa Ezekiel na may mga babaeng umiiyak dahil kay Tammuz)
At ang 40 days na daw yun ay pinagmulan ng Lent
Ano ang Lent? Selebrasyon daw yan ng mga Katoliko na 40 days na magsisisi daw or wag kakain ng karne(Kwaresma yan) pero simula nang kumalat ang Kristiyanismo dahil sa mga apostol ni Cristo ay wala silang ipinagdiwang na Lent
Wala ding sinabi sa bibliya na ipagdiwang ang Lent
So sinong batang pasaway ang nagpasok ng tradisyong ito sa Simbahang Katolika?
Nang dahil kay Semiramis at Tammuz, lumaganap ang ideya ng Mother and Child religions
Marami...
Babylon: Semiramis and Tammuz
Roman Catholic: Mary and Jesus
Egypt: Isis and Osiris
Asia: Cybele and Deoius.
pagan Rome: Fortuna and Jupiter.
Ayan guys...
Tapos ang symbol na "t" daw stands for Tammuz?
Tapos sa mga disenyo daw sa loob ng Simbahang Katolika ay may mga sun-like symbols
Saan maikokonekta ang sun-like symbols?
Kay Nimrod! Kasi idineklara ni Semiramis na sun god daw si Nimrod
That's what we call Paganism
At dahil kina Nimrod, Semiramis at Tammuz,
Nag-ugat ang paganismo...
ESTÁS LEYENDO
THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTS
No Ficciónthis book is all about my threads posted in Facebook, the knowledge that I want to share to all of you and my random thoughts concerning religions, other cultures, and Bible.
