Ikatatlumpu't walong Kabanata

3.1K 77 32
                                    

Ikatatlumpu't walong Kabanata

*Jeff's POV*

Si Malachi ang kasama ko ngayon habang naririto sa dalampasigan pinanunuod muli ang kakaibang kulay ng araw at ang malawak na karagatan kung saan ang mga alon ay parang nagsasalita at bumubulong. Inaantay ko din ang pagdating ni Clark na alam kong kasama ulit ang  makulit na batang si Moone, hindi ko sinabing si Malachi ang kasama ko sapagkat baka mag-alala agad siya.

"Alam mo, simula nong nakasama kita rito habang pinapanuod ang pagdilim ng kalangitan naging paboritong tanawin ko na rin ito."  wika ni Malachi habang ang kanyang mga kamay ay nakahawak sa aking magkabilang balikat.

"Si Clark ang unang nagdala sakin dito, I just then started to like this magnificent scenery." I answered at bigla na lang siyang natahimik sa mga sinabi ko. There was a moment of silence so I just focused my sight to scenery of changing colors.

" Kuya Jeff!!!" naririnig ko na nga ang sigaw ni Moone Kahit sa malayo. Napatingin na lang ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses niya at nakita ko siyang tumatakbo ng matulin patungo sakin habang nakangiti. His hair waved freely  because of the lukewarm sea breeze.

Napatingin din ako kay Clark na nakatitig na ng masama kay Malachi, parang may kuryenteng lumalabas sa mga mata nilang dalawa.

"I don't want you to fight here pagod nako. I just want peace." bigla kong sabi para matigil silang dalawa.

"Alam niyo po parang nagseselos kasi si Kuya Clark e, bigla niya nga nabitawan ang kamay ko nong nakita ka niyang hinawakan sa balikat." wika ni Moone habang nakayakap siya sakin at ikinikiskis ang kanyang pisngi sa aking dibdib. Napakasweet talaga ng batang 'to.

I really can't find the words to say to reply for Moone's statement. Napakakulit lahat napapansin.

" Mahal mo rin ba si kuya Jeff? "tinanong ni Moone si Malachi kahit ngayon pa lang silang dalawa nagkita.

Umiwas na ng tingin si Malachi kay Clark at itinuon ang pansin kay Moone.

" Oo, mahal ko siya. " sagot ni Malachi sabay marahan niyang ginulo ang buhok ng makulit na bata gamit ang kanyang kaliwang kamay.

" uhhhhhh."  Umiwas si Moone na parang ayaw mahawakan ni Malachi.

Tumingin sakin si Moone, seryoso siyang nakatitig ng diretso sa aking mga mata.

" Kung may mamahalin ka man sa kanila sana si Kuya Clark at wag siya."

"Halika nga ditong bata ka, ang kulit-kulit mo na naman." sambit ni Clark at kinarga niya si Moone.

"Basta pag di mo pinili si Kuya Clark, hindi na kita bati." dagdag niya pa, na bigla na lang nagpangiti sakin.

Hindi ko alam ang mga isasagot sakanya. Umamin naman si Malachi na mahal niya ako pero I don't know  kung totoo, mahirap nang maniwala ngayon dito sa mundong punong-puno ng mga pekeng tao, Kahit nga minsan ang kaibigan nating itinuring na totoo peke pala. We treat them as real friend pero hindi pala tayo itinuring na kaibigan may naalala tuloy ako.

"Kita mo 'tong muscle ko? Iuumpog kita dito kapag kinuha mo siya kay Kuya Jeff. Bleeeeehhh! " wika ulit ni Moon, sabay labas ng kanyang dila.

"Kuya Clark bat di mo kasi ligawan si Kuya Jeff? Alam ko namang mahal mo siya e. Bat ka parang nahihiya di ka naman bingot? " at kahit karga na siya ni Clark ay ang ingay pa rin niya.

"Tumigil ka na ng bata." nakangiti si Clark habang pinipisil niya ang ilong ni Moone kaya naman ito ay namula.

"Ako pwede ko bang ligawan si Jeff?" Saad ni Malachi at humawak ulit siya sa aking balikat.

"Hindi pwede kasi walang susuporta sa love team niyo panget panget mo." wika ni Moone sabay nguso. Napakakyut talagang bata.

Unti-unti ng dumilim ang paligid, nakikita namin kung paano kainin ng kadiliman ang mga bagay na nakapaligid sa amin, kung paano unti-unting sumisilip ang mga bituin sa langit.

" Tara na, uwi na tayo nilalamig nako." sabi ko at mabilis na tumayo si Malachi mula sa kanyang pagkakaupo papunta sa likuran ko upang siya ang tutulak ng aking wheel chair, naunahan niya si Clark na pupunta na rin sana sa likuran ko.

" La!! Si kuya Clark na niyan." at inaaway na naman ni Moone si Malachi.

"Okay lang, Moone. Tara dito, tabi ka na lang sakin para di ka mapagod mag lakad." paanyaya ko sakanya para hindi na siya muling mag-ingay.

Nakasunod lang sa amin si Clark at nong Malapit na kami sa kotse ay mabilis siyang lumapit sa akin at kinarga niya ako. At wala ng nagawa si Malachi kundi ang tupiin ang aking wheel chair.

Pinasok ako ni Clark sa kotse at magkakatabi kaming tatlo sa likuran habang si Malachi ang nagdadrive ng sasakyan.

Pagkarating namin sa bahay ay agad ulit akong kinarga ni Clark habang si Moone naman ay sinusubukang ayosin ang aking wheel chair subalit nahirapan siya kaya tinulungan na siya ni Malachi.

" Huwag!!!! ako na kaya ko to, hindi Ka namin kailangan dito." galit na pagkakasabi ni makulit na akala mo'y kaya niya na talaga.

Dinala na ako ni Clark patungo sa loob ng aming bahay.

"Sige Jeff uwi na kami ni Moone. Ingat ka lagi." sabi ni Clark sabay tingin kay Malachi.

" Oh ikaw, di ka pa rin uuwi? Hinahanap ka na ng mama mo." sabi ni Moone na nakatingin din kay Malachi.

Ang iinit ng mga dugo nila kanina pa.

"Sige ha, gusto ko munang mapag-isa. I appreciate your time. Thank you!" sabi ko sa kanilang tatlo at sabay-sabay na nga silang lumabas.

*******

After A Month

Gumaling na nga ako at nakakapag lakad na ako ng maayos. Pag labas ko ng aking kwarto ay laking pagkagulat ko sapagkat ngayon lamang nag desisyon ang ama ko na mag lagay ng mga dekorasyong pampasko. Ito ang unang pagkakataon na mapapalamutian ang aming bahay ng Christmas trees, lanterns, garlands, mistletoe, turtle doves at napakarami pang iba.

Ewan ko pero parang ngayon lang ako naging excited sa paparating na pasko, pakiramdam ko lahat ng mga mangyayari ay sobrang saya at ganda.

"Young master may mga naghahanap po sa labas." wika ng isa naming ka tulong.

At pagtingin ko ay mayroon ngang mga pulis na nakapaligid sa aming bahay. I froze and pause for a while. Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung ano na naman ang mga nangyayari.

Pumasok na nga sila sa aming bahay at nag pakita ng warrant of arrest.



(Sorry for the short update, 2 chapters na lang tapos na to. )

Tikim (BxB) (R18+) Where stories live. Discover now