Unang Kabanata

16.9K 163 13
                                    

AKO'Y walang magawa sa tuwing nalulungkot kundi ang kumanta na lamang sa ilalim ng isang punong kahoy na malapit sa aming simpleng bahay, habang hawak ang aking mumurahing gitara na pamana pa sa akin ni ina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AKO'Y walang magawa sa tuwing nalulungkot kundi ang kumanta na lamang sa ilalim ng isang punong kahoy na malapit sa aming simpleng bahay, habang hawak ang aking mumurahing gitara na pamana pa sa akin ni ina.

Payak ang aming pamumuhay, walang marangyang damit, masasarap na pagkain o kaya'y makapunta man lamang sa mga magagandang lugar wala kasi kaming pera. Pero Kahit na ganoon ay maroon akong mataas na pangarap, gusto kong makilala bilang isang mang-aawit ngunit wala namang tiwala ang pamilya ko sakin lagi nilang sinasabi na itigil ko na daw ang pangangarap ng gising.

"Clarkkkkkk!" sigaw ng tita Antonya ko. Kaya naman ay kumaripas na ako ng takbo pabalik sa bahay dahil baka isang araw na naman siyang pumutak ng pumutak dahil sa galit.

Isinandal ko ng maayos ang aking gitara sa likod ng pinto.

"Ano po 'yon tita?" sabi ko habang hinihingal pa sa pagtakbo. Siya'y nakasuot ng luma at  paborito niyang daster na kulay lila , ang kanyang mahabang kulot na buhok ay sobrang gulo at meron siyang hawak na sigarilyo sa kanyang kanang daliri. Amoy ko pa ang usok ng kanyang sigarilyo dahil halos napuno nito ang  loob ng aming maliit na bahay.

"Maghanap ka ng trabaho! Umagang-umaga nakatunganga ka lang! Wala tayong pera pambili ng pagkain at pampa-aral sa kapatid mo. Huwag kang batugan. " tuloy-tuloy na salita niya na akala mo'y rapper. Araw-araw lagi niya akong pinagsasabihan na maghanap ng trabaho, naririndi na ako sakanya.

Gusto kong makapag trabaho pero nahihirapan ako sapagkat di pa ako nakakapag tapos ng pag-aaral. Di pa ako tapos sa kolehiyo.

"Tita, Kuya! alis na po ako." Saad ng aking kapatid na si Daryl nakasuot ng kanyang uniform na gusot-gusot at ang kanyang bag ay puno na ng tahi.

"Sige kapatid galingan mo ah!" sabi ko sa aking kapatid, tinapik ko siya sa kanyang likod bago siya lumabas ng pinto. Wala siyang baon lagi kaya di ko alam kung ano ang ginagawa niya tuwing recess, habang na imagine ko 'yon naawa ako sakanya.

Hindi pa ako nag-aalmusal kaya nagtungo ako sa maliit naming mesa na gawa sa manipis na plywood na walang pintura. Kita ko roon ang isang supot ng pandesal ngunit wala na itong laman, lagi kong pinapaunang mag-almusal ang kapatid ko sapagkat alam kong mas kailangan niya 'yon dahil wala siyang baon.

Kaya naman ay nagtimpla na lang ako ng pwedeng mainom, nakakita ako ng 3-in-1 sachet na kape sa ibabaw ng upuan binuksan at ibinuhos ko iyon sa isang kulay puting tasa na ang hawakan ay basag na at kumuha ako ng mainit na tubig mula sa thermos na puno na rin ng mantsa.

Matapos kong mainom ang isang tasang kape ay ginawa ko na lahat ng gawing bahay, mag-walis ng mga tuyong dahon sa labas, mag-igib ng tubig, at mag-luto ng ulam na sardinas lamang, umalis ako ng bahay upang maghanap ng trabaho, dala ko ang aking resume na nasa loob ng isang brown envelop.

Habang naglalakad napadaan ako sa isang  karatula na nakapaskil sa pader.

"Wanted: Macho Dancer
Requirements:
Matangkad, Pogi, at Big bird
Night Shift."

Tikim (BxB) (R18+) Where stories live. Discover now