Ikatatlumpu't apat na Kabanata

1.7K 47 4
                                    

Ikatatlumpu't apat na Kabanata

*Clark's POV*

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan kong wala na namang tao, si Daryl ay nasa paaralan at si Tita Tonya naman ay nasa kabilang bahay na siguradong nagbabalasa ng mga baraha kasama ang mga classmates niya sa tong its. Kumuha ako ng bag at nag lagay ng mga gamit at damit doon sapagkat matutulog ako sa tabi ni Jeff ngayong darating na gabi.

Bumalik ako agad sa hospital dahil ayokong lumipas ang mga oras na hindi siya nakikita at nababantayan. Habang patungo sa kwarto ni Jeff ay nasilayan kong nakabukas ito kaya nagmadali  akong tumakbo papunta roon, nakita ng mga mata ko na tinatanggal na ng mga nurse at doctor ang mga makinang sumusuporta sa buhay ni Jeff. Nakatalukbong na sa buong katawan niya ang puting kumot.

"Doc, ano pong nangyayari?" kabadong tanong ko, at paunti-unti na ring bumibilis ang pagtibok ng aking puso.

"Pasensya na, wala na siya." malungkot na sabi ng doktor at nakayuko pa ito. Hindi sila makatingin ng aayos sakin dahil hindi naging matagumpay ang isinagawa nilang operasyon.

Lumapit ako sa malamig na bangkay ni Jeff, nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko namalayan na bumubuhos na pala ang luha sa aking mga mata habang nakayakap ako sa kanya.

"Jeff gumising ka! Niloloko mo naman ako e. Gumising ka na diyan oh. Pupunta pa nga tayo sa dalampasigan mamaya para panuorin ang paglubog ng araw." wika ko habang patuloy akong umiiyak, parang nawala lahat ng lakas ko sa aking katawan, nanghihina ako.

"Hindi ba may pangako ka pa kay Moone na dapat tuparin, malulungkot ang batang 'yon kapag hindi ka gumising." Ang mga luha ko ay pumapatak na sa kumot na nakabalot sa kanya. "J-j-eff g-gu-umising k-ka n-na p-p-please." nahihirapan na akong mag salita dahil sa masaganang butil ng mga luha na malayang umaagos pababa sa aking mukha. Sobrang bigat ng aking nararamdaman parang bumagsak ang mundo ko at nawasak ito sa napakaraming piraso, hindi ako makahinga ng maluwag.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ito "G-gusto pa kitang m-m-akasama ng matagal.."

"Clark! Clark Clark!" ginising ako ng ama ni Jeff habang inaalog ang aking katawan. "Anong nangyayari. You're crying."

Nakatulog pala ako sa tabi ni Jeff, umiiyak habang hawak ko ang kanyang kamay. Isang napakasamang panaginip, parang ayaw ko ng matulog muli.

"Okay lang po ako." tugon ko sakanya at hinawi ko ang mga luha sa aking mga mata gamit ang aking palad.

"Sabi ng Doctor niya, bumubuti na daw ang kalagayan ng anak ko." sambit ng kanyang ama.

Iyon ang unang pagkakataon na tinawag niyang anak niya si Jeff, kung naririnig niya lang sana ang mga sinasabi ng kanyang ama, paniguradong magagalak siya, paniguradong iiyak siya sa tuwa.

"Totoo po ba? Mabuti naman po kung ganon. Sana maging maayos na siya. Sana gumaling na siya." tugon ko, at tumingin ako kay Jeff na may matamis na ngiti sa aking mga labi. Napakahimbing pa rin ng kanyang pag tulog.

"I have to go. Salamat sa pagbabantay sakanya. Aalamin ko lang kung sino ang gustong pumatay sakin dahil sakanya nagkaganito ang anak ko. " dama ko ang poot sa kanyang boses. Nagmadali na siyang umalis  at isinara ang pinto.

Kami na lang ang magkasama ni Jeff ngayon, hapon pa lang pero nakatulog na agad ako dahil sa pagod.

Ako ang magbabantay sakanya ngayon magdamag. Dala ko rin ang aking gitara upang kantahan siya habang siya'y mahimbing na natutulog.

*****

Wake Up- The Vamps (Acoustic Version)

You've been deep in a coma

But I stood right here

When you thought there was no one

I was still right here

Ilang araw na ring natutulog si Jeff, ilang linggo na siyang nakahiga sa kama at hindi gumagalaw. Gusto ko ng makitang muli ang kanyang pag ngiti at marinig ang kanyang malambing na boses. Araw-araw ko siyang binibisita at kinakantahan.

You were scared, but I told ya

Open up your eyes

Never stopped being someone who could love you well

Had to show you the hard way

Only time will tell

Sobrang nangangamba ako sa bawat araw na dumaraan kahit ang sabi naman ng doctor ay nagiging maayos na ang kanyang kalagayan. Takot akong maging totoo ang aking panaginip kung saan namatay siya, sobrang sakit noon at ayoko na ulit iyong madama.

Revelations and heartaches make you realize

I was always in front of you

So wake up

Your sleeping heart

I know sometimes we'll be afraid

But no more playing safe, my dear

Sana gumising ka na Jeff. Hindi ako magsasawang kantahan ka kahit ako'y paos na. Hindi ako magsasawang puntahan ka dito para lang makita ang iyong mukha.

I'm here

So wake up

You've been deep in a coma

But I stood right here

When you thought there was no one

I was still right here

You were scared, but I told ya

Open up your eyes

I was always in front of you

Nandito lang ako lagi sa tabi mo hindi kita iiwan. Sana sa pagmulat ng mga mata mo ako ang una mong makita at ang unang yayakap sayo.

So wake up

Your sleeping heart

I know sometimes we'll be afraid

But no more playing safe, my dear

So wake up

Your sleeping heart

And we will dream a dream for us

That no one else can touch, my dear

I'm here

Kahit na ako ay pagod galing sa paaralan at trabaho huwag kang mag-alala sapagkat babantayan pa rin kita. Aalaagan pa rin kita.

So wake up

So wake up

Your sleeping heart

And we will dream a dream for us

That no one else can touch, my dear

I'm here

So wake up

Pakiusap gumising ka na. Pakiusap imulat mo na ang iyong mga mata at maging masaya muli tayong dalawa.

***********

Tikim (BxB) (R18+) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن