Ikadalawampu't pitong Kabanata

2K 63 1
                                    

Ikadalawampu't pitong Kabanata

*Third Person's POV*

Si Malachi at ang ama ni Jeff ay nag-usap lagi ng patago sa kaniyang opisina. May pinaplano silang dalawa kung saan mapapabago nila ang pagkatao ni Jeff, na maging straight na itong muli at hindi na mapapa ibig ng isang lalaki.

"Malachi nagawa mo ba ang ipinag-uutos ko sa'yo?" tanong ng ama ni Jeff  habang may hawak na electric cigarette sa kanyang kanang kamay.

Nakaupo si Malachi sa isang itim na sofa malapit sa mesa ni Mr. Wardlowe.

"Sinusunod niya naman ang pinapagawa ko sakanya, hindi na siya nagdadamit pambabae at hindi na rin sila malapit nong Clark. Sinusunod niya lahat ng sinasabi ko sakanya kaya masasabi kong maayos naman po ang plano natin." tugon sakanya ni Malachi na nakacross legs pa at nakasalungbaba.

Hindi batid ni Mr. Wardlowe ang pakikipagtalik ng kanyang anak kay Malachi.

" Good! You are doing your job. Mabuti at hindi mo sinasayang ang binabayad ko sayo. Sana ikaw na lang ang naging anak ko. "masayang tugon ni Mr. Wardlowe  at napangiti pa ito dahil sa sagot ni Malachi sakanya.

Ang hindi nila alam ay nakikinig si Jeff sa kanilang usapan na nasa labas lamang ng pintuan. Sinundan niya kasi si Malachi sapagkat mayroon siyang gustong sabihin subalit hindi na niya ito naabutan. Pinipigil niya ang pag-iyak lalo na't nalaman niyang niloloko lamang pala siya ni Malachi na inakala niyang taos puso siyang mahal.

"Malaki po ang utang na loob ko sainyo kaya kahit ano ang ipagawa niyo Mr. Wardlowe ay gagawin ko. Kulang pa nga ito kumpara sa pagsagip mo sa buhay ng buong pamilya ko." magalang na sagot ni Malachi kay Mr. Wardlowe na humihithit sa kanyang electric cigarette.

"Sana mapabago mo ang malambot kong anak. Sobrang malas ko talaga at siya pa ang naging anak ko." at sa mga katagang iyon na sinabi ni Mr. Wardlowe ay tuluyan ng sumikip ang paghinga ni Jeff.

Umalis na siya dahil ayaw niya ng marinig ang mga masasakit na salita na magmumula sa lalaking minahal niya simula nong bata pa lang siya subalit ay hindi na agad nasuklian. Ang ama na dapat ay magpaparamdam sakanya ng totoong pagmamahal ay siya pang nagdudulot ng pighati sa kanya.

Laging iniisip ni Jeff na kung ang ama at ina niya ay hindi siya kayang mahalin paano pa kaya ang ibang tao. Iyon na ang naging mintsa para mag desisyon siyang mag pagkamatay.

"No one will love me.."  sabi niya sa kanyang sarili habang nagdadrive ng kotse patungo sa dalampasigan na paborito niyang puntahan.

Nang makarating roon ay agad siyang pumunta sa parte ng dalampasigan kung saan malalakas at malalaki ang alon.

"I wanna rest and be part of you..." kinakausap ni Jeff ang karagatan na para bang may buhay ito.

"Take me and sink me to the deepest part of the sea where no one will ever see me again..." Umiiyak siya habang binibigkas iyon sapagkat alam niyang lahat ng kasiyahan na kanyang naramdaman ay isa lamang na kasinungalingan. "Drown me... Kill me.. Take me to where I belong... " naglalakad na si Jeff ng pailalim sa dagat umaabot na ang tubig sa kanyang leeg. Wala ng rason para mabuhay siya dahil kahit ang mismong pamilya niya ay ayaw sakanya at hindi matanggap ang pagkatao niya. The sound coming from the waves splashing became his burial music and the ocean will be his magnificent coffin, the stars above will be his candles.

Unti-unti ng nilamon si Jeff ng dagat, naiinom na niya ang maalat na tubig at hindi na rin siya makahinga ng maayos. Siya ay tinatanggay na nito papunta sa mas malalim na parte ng karagatan, ang mga korales ang nagsilbing mga bulaklak na handog para sakanya. Handa na siyang mawala, handa na siyang taposin ang kanyang paghihirap, handa na siyang tuldukan ang pait na dinanas niya sa mundong bulag ngunit mapanghusga.

Nakapikit na ang kanyang mga mata at pinapaubaya na lamang sa agos ng dagat kung saan man siya dalhin nito. Sa mga panahong iyon ay nakangiti na siya dahil alam niyang ito ay tapos na.

*******

*Clark's POV*

Habang ako ay nagmamasid sa karagatan ay nakakita ako ng isang lumulutang na katawan, na para bang ito ay inihatid ng alon papunta sa akin. Hinubad ko ang aking suot na  t-shirt at dali-dali akong lumanggoy upang sagipin kung sinuman ang taong iyon.

Nakita ko ang katawan ni Jeff  walang malay, walang buhay. Dinala ko ito sa dalampasigan.

"Jeff, gumising ka! Jeff!" habang sinasabi ko iyon ay sinasampal ko siya ng marahan upang magising.

"Jeff! Nandito nako ligtas kana!" sa pagkakataong iyon ay kinakabahan na ako, kaya naman  ay hinalikan ko na siya at binigyan ng mouth to mouth resuscitation. Inilagay ko ang dalawang kamay ko na magkapatong sa ibabaw ng kanyang dibdib at nagsimulang magpump.

" Jeff! Sumagot ka! Huwag mo akong iiwan. May pangako pa tayo sa isat isa na dapat tuparin." ngunit hindi pa rin siya nagkakaroon ng malay, kaya naman ay inulit kong muli ang mouth to mouth resuscitation, ramdam ko ang lamig ng kanyang mga labi.

At sa pagkakataong iyon ay bigla siyang nagkaroon ng malay at ang masaganang tubig dagat ay lumabas sa kanyang bibig. Siya ay maputla at nanginginig.

Hinubad ko ang kanyang suot na damit at kinuha ko ang aking tshirt upang iyon ang ipasuot sa kanya.

"Okay ka lang ba? Ano bang nangyari sayo ba't nalunod ka. Sabi mo magaling ka lumanggoy." habang sinasabi ko iyon ay nakayakap ako sakanya upang mapawi ang lamig na kanyang nararamdaman.

Wala siyang imik at nanginginig lamang, nakatitig sa karagatan.

"Sa amin ka na muna matulog." sabi ko sakanya at sinusubukan ko na siyang itayo.

Kahit na kami ay naglalakad, ang aking kanang kamay ay nakayakap pa rin sakanya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sapagkat nakahubad ako at nakayakap sakanya.

Hinanap ko kasi kung saan niya ipinark ang kanyang kotse. Nong makita ko iyon ay saka ko lang naalala kung nakay Jeff pa ba ang susi. Hinanap ko ito sa bulsa niya subalit ay mukhang tinanggay na rin ito ng alon.

Kaya naman ay napagdesisyonan ko na lang na sumakay kami ng jeep patungo sa aming bahay.

Habang sumasakay ay nakatingin ang mga tao sa aming dalawa ni Jeff.

" Bagay kayong dalawa. Jowa mo?" tanong ng isang bakla na nakangiti habang pinagmamasdan kami.

"Para kayong couple sa mga BL series ng Thailand nakaka kilig kayong tingnan." sabi no'ng isa pa niyang kasama.

"Asawa ko'to." pabiro kong sabi sa kanila at parang mas kinilig pa silang dalawa.

"Sana all. Ang pogi niyo pa namang dalawa. Stay strong." sambit pa nilang dalawa.

Nasa loob na kasi kami ng jeep at pauwi na sa aming bahay.

Aalagaan ko pa rin si Jeff kahit na alam kong nasa isip niya ay niloko ko siya.  Hindi ko siya papabayaan hanggat kaya ko tutuparin ko ang mga pangako ko sakanya. Hindi iyon mamatay, ang mga pangako ko'y patuloy na mabubuhay.

******

Tikim (BxB) (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon