Ikadalawampu't tatlong Kabanata

2.2K 61 2
                                    

Ikadalawampu't tatlong Kabanata

*Third Person's POV*

Si Malachi ay tumutulong sa paghahanap ng nanay ni Jeff, pumupunta silang dalawa sa mga karatig lungsod gamit ang motor ni Malachi upang hindi sila mahirapan sa pag-park ng sasakyan.

Nawala na rin sa isip ni Jeff ang mag pagkamatay dahil sa taong lagi na niyang kasama, sa taong nagbigay muli sa kanya ng bagong pag-asa at iyon ay si Malachi. Ginagawa rin nila ang mga bagay na dating nagagawa ni Jeff noong kasama niya pa si Clark. Kaya parang ganoon pa rin ang lahat ang pinagkaiba nga lang ay ang pangalan at ang pisikal na kaanyuan.


"Malachi hindi pa ba tayo uuwi? Gabi na." nakakapit na si Jeff sa damit ni Malachi sapagkat siya ay napapagod na dahil sa mahabang paglalakad nilang dalawa.

"Jeff, huwag ngayon hindi ba sabi noong matanda diyan daw sa club nagtatrabaho ang nanay mo." Malachi patted Jeff's head. They were already near the building where the old man told them his mother can be found.


At pinagpatuloy na nga nila ang paglalakad habang nakaakbay si Jeff kay Malachi. Si Jeff ay nakasuot panlalaki pa rin naman dahil ito ang utos sakanya ng binata upang hindi raw sila mahalatang dalawa.


Pagkapasok nila sa loob ng club ay nadatnan nila ang napakaraming taong sumasayaw at umiindak sa napaka lakas na musika habang ang makulay na mga ilaw ay sumasayaw din kasama nila.


"Are you sure with this?" tanong ni Jeff kay  Malachi dahil nagdududa siyang naroroon sa lugar na iyon ang kanyang ina.

"Subukan lang natin sayang effort natin sa paglalakad." at nagtutloy-tuloy pa nga sila papasok ng night club.


Sila ay tumuloy sa isang maliit na silid na matatagpuan din sa loob ng building.

May tinawag si Malachi na isang bakla upang asikasohin sila.

"Pwede bang papuntahin mo 'yong babaeng nagngangalang Veronica dito. Kami na ang bahala sa bayad." Utos ni Malachi sabay umupo na siya sa isang itim na sofa malapit sa lampshade.


"Tama po ang desisyon niyo sikat po siya dito." tugon sa kanya ng baklang may makapal na make-up bago ito lumisan ng kwarto.

Mga ilang sandali pa'y mayroon na nga kumatok sa room kung na saan sila matatagpuan.

"Yes sir,  gusto niyo po bang lumigaya ngayong gabi." wika ng isang babae na nakasuot ng itim na  two piece habang malumanay na gumigiling.

"Mom!" napatayo si Jeff mula sa kanyang kinauupuan. Namumukhaan niya pa ang kanyang ina kahit lumipas na ang napakaraming taon. Alam niya kung paano ito mag lagay ng make-up sapagkat pinagmamasdan niya ito sa tuwing nasa harap ng salamin at naglalagay ng kolorete sa mukha.

Lumapit siya sa kanyang nanay at niyakap ito.

"Mom, naalala mo ba pa ako?" tanong ni Jeff habang hawak niya sa balikat ang kanyang ina. Kilala siya sa club na iyon bilang Veronica subalit hindi iyon ang totoo niyang pangalan.

"Ako to si Jeff. 'yong anak mo." mararamdaman ang galak sa tono ng boses ni Jeff, sa wakas ay nakita niya rin ang kanyang matagal ng hinahanap na ina. Gumaan ang pakiramdam niya, parang tinubuan ng pakpak ang puso niya.

"What? Hindi na kita maalala e'. Tsaka marami akong anak pero I never treat them as my real child." saad ng kanyang ina at ito ay tumawa.

"Mom, huwag ka ngayon magbiro. Sobrang miss na kita." ngumiti si Jeff sa kanyang ina dahil alam niyang natural na palabiro talaga ito.

" Kung sino ka man hindi kita naaalala at wala  naman akong pakialam sa mga nagiging anak ko, iniiwan ko lang sila sa lalaking nakakabuntis sakin sapagkat request naman nila 'yon." seryosong pagkakasabi ni Veronica "At kung wala kayong balak na bayaran ako ay aalis na ako dito. Kailangan ko pang mag trabaho para sa bahay na pinapatayo ko."

Napapikit na lamang si Jeff dahil sa sagot ng kanyang ina, para siyang isang salamin na nabasag sa napakaraming piraso. Ang akala niya ay tapos na ang kanyang pag hahanap at makakasama na niya ang kanyang ina ngunit mali pala siya. Parang naghanap lang siya ng kutsilyo at itinarak ito sa sarili niyang puso. Sinaktan niya lang ang kanyang sarili.

"Kung anak man kita sana masaya ka sa ama mo. Hindi naman kasi ako pumapatol sa mga customer na kaunti lang ang pera." wika ni Veronica at lumabas na nga ito ng silid dahil hindi na nakapag salita ang dalawa.

Tumutulo na ang mga luha mula sa mga mata ni Jeff, totoo pala talaga ang sinasabi ng kanyang ama na isang bayaran o pokpok ang taong nagluwal sakanya. Naninikip ang kanyang puso na kanina'y puno ng kagalakan sapagkat ngayon niya lang napagtanto na nagawa siya hindi dahil sa pagmamahalan kung hindi sa isang pansariling desisyon lang.

Hindi niya lubos akalain na pati ang kanyang ina ay itatakwil siya. Lumapit sakanya si Malachi at niyakap niya ito ng sobrang higpit habang umiiyak.

"Nandito lang ako para sayo Jeff. Kahit kailan ay hindi kita iiwan." sinusubukang pakalmahin ni Malachi ang durog na puso ni Jeff habang hinihimas ang likod nito.

Iniisip na lang niya na sana ay hindi na lang siya nabuhay, na bakit pa ba siya nandito sa mundo kung puro hinanakit lang ang mararanasan niya. Habang humihikbi si Jeff ay hinahalikan naman ni Malachi ang kanyang noo.

"G-gusto k-ko ng m-ma-mawala sa m-m-mundo. A-ayoko na hi-hindi ko n-na k-kaya." pautal-utal na sabi ni Jeff.

"Iiwan mo ba ako Jeff?" tanong sakanya ni Malachi at mas humigpit pa ang yakap niya. "Kailangan mong manatili para sa akin Jeff."

Habang nasa bisig ni Malachi ay nakatulog na lamang si Jeff dala na rin ng pagod na katawan at puso niya. Mamumutawi sa kanyang mukha ang kasawian kahit ang kanyang mga mata ay nakapikit. Kinarga na lamang siya ni Malachi pauwi sa kanilang bahay.

*********

Tikim (BxB) (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon