Ikalabing-dalawang Kabanata

3.8K 76 1
                                    

Ikalabing-dalawang Kabanata

*Clark's POV*

Buti na lang at Sabado ngayon wala akong pasok. Nakapag text na ako kay Tita Tonya na mag-stay muna ako kina Jeff ng dalawang araw dahil nga sa masakit pa rin ang buong katawan ko.

"Jeff, alam mo namiss ko na 'yong pag suot mo ng mga kakaibang damit. Gusto kong makita ulit' yong dating Jeff." naisip ko na baka malungkot siya dahil sinusubukan niyang magbago para lang matanggap siya ng ibang tao. Na nagkukunwari lang siya.

"hahahaha, bakit naman? I look like a clown. Pero sige if that's what you want I will do it." tumawa pa siya bago nagsalita. Hindi ko alam kung pumayag siya dahil sa kalagayan ko ngayon, nakaratay pa rin kasi ako sa higaan niya. Baka gusto niya lang din akong pasayahin.

Totoong gusto kong makita ulit siyang ganon, 'yong hindi nagpapanggap, yung totoong Jeff.

Lumabas na nga siya upang magpalit ng damit...


at isang oras lang ang lumipas ay pumasok na siya sa silid suot ang isang mahabang see through na gown na kulay asul, may nakapalamuti sa kanyang buhok ng mga shells, suot ang mahahabang gwantes na kulay blue, at nakamake-up ng makapal para siyang isang prinsesa sa karagatan.

Habang pumapasok ay sumasayaw siya ng pearly shells, nakakatuwa nga tingnan e tapos may dala pa siyang laruang baril na nagbubuga ng bula.

"Ang ganda mo Jeff. Pakiss nga ako." sabi ko sakanya habang nakangisi pero pa tuloy pa rin siya sa ginagawa niyang pag sayaw.

Seryoso sa ginagawa pero siya'y nakangiti, ramdam ko na 'yon ang totoong Jeff, ang makulay, may buhay at masayahing Jeff.

Sinubukan kong tumayo upang sumayaw kasama siya, inalalayan niya ako, nakahawak ako sa kanyang bewang at nakalapat naman ang kanyang kamay sa aking balikat.

Nagsayaw kami ng mabagal pa ikot sa kanyang malaking sleeping quarter, umiikot ng masaya ang mundo naming dalawa ng magkasama.

*Background Music*

WAIT FOR YOU- TOM WALKER

I'm just praying you can figure this out
When there's nothing left, you know I'll still be around
And if all of this is dragging you under
I'll remind you of the world and its wonder

Kahit gaano man kapait ang mga dinanas niya sa nakaraan handa ako laging ipaalala sakanya na mayroong paring tamis na natitira, na mayroon pa ring maganda sa mundo upang lumaban siya at maging masaya.

I'm just praying we can figure this out
These bitter dreams, they seem to last
And even though it's in the past
I know it's hard for you to talk
Bare your soul and open up
I will wait for you, I will wait for you

Mag-aantay ako sa pag babalik ng totoong Jeff, hindi niya kailangan maging iba, hindi niya kailangang lokohin ang kanyang sarili. Tanggap ko kung ano siya, kahit ano pa ang pagkatao niya.

Can't pretend to understand
I'll be here to hold your hand
I will wait for you, I will wait for you
I can't imagine everything you've been through
You've taken the bad times and made 'em good

Magkahawak ng mahigpit ang aming kamay, naka ngiti, masaya habang sumasayaw sa nakabibighaning musika na parang ikinikwento ang istorya ng buhay niya.

Tikim (BxB) (R18+) Where stories live. Discover now