Juu-ni.

4.2K 78 1
                                    




Maaga akong gumising para makapag-luto ng umagahan. Linggo ngayon kaya day off ko. Ipagluluto ko si Aivan.




Tumingin ako sa orasan at nakitang 8:20 pa lang. Mukhang tulog pa yon dahil na rin sa lasing siya. Nagsimula na akong magluto. Gumawa na lang ako ng ramen, buti na lang tinuruan ako ng papa ko non.




Nang matapos na ako ay pinatong ko ito sa lamesa. Naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto ni Aivan at kumatok, "Aivan... Gising na. Nagluto ako"



Naghintay ako saglit pero wala pa ring sumasagot kaya kumatok uli ako, "Van... Bangon na. Anong oras na rin oh."




Nang wala pa ring sumasagot ay unti-unti kong pinihit yung door knob at sinilip siya. Nakita kong ang himbing pa rin ng tulog nya kaya lumapit ako at umupo sa gilid ng kama nya.



Tinapik-tapik ko siya sa braso, "Aivan, gising kana." Hindi pa rin siya kumikibo kaya nag-salita muli ako, "Van, bumangon ka na dyan"



"Hmm.. 10 minutes." Sabi nya nang hindi man lang dumilat




Tinapik ko uli siya, "Aivan. Bangon na. Nagluto—- Kyaaaa!" Napatili ako ng bigla nya akong hatakin pahiga at niyakap.



"10 minutes pa, Mrs. Medina. Naantok pa ko" Bulong niya sa'kin. Ughhh! Morning voice! Sht! Nagtayuan mga balahibo ko at may kung anong gumalaw sa tiyan ko! Huhu



"A-aivan naman ih. D-dali na. Nagluto ako don, lalamig na yun" Sabi ko ng nauutal habang tinatanggal yung mga kamay nya. Ba't ako kinakabahan bigla?!




Hindi nya ako kinibo. Tinatanggal ko yung kamay nya ng naramdaman ko na lamang ang labi niya sa pisngi ko. Sa gulat ko ay napalaki bigla ang mga mata ko, hinalikan nya ako sa pisngi.. t*ngina! Ba't may kuryente?!?! Narinig kong tumatawa siya ng mahina kaya napatingin ako sa kanya, "Ang cute mo palang mag-blush. Haha. Tara na" Sabi nya sabay bangon sa pagkakahiga.




Feeling ko mas lalong nag-init ang pisngi ko. OMG!! Huhuhu. Bakit ganon?! Ano ba tong nararamdaman ko?




"Huy Hara. Wala kang balak bumangon dyan?"

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon