Juu-ichi.

4.3K 83 0
                                    


Mahigit three months na rin kaming nagsasama at 3 weeks na ang makalipas since nung magkaayos kami. At isa lang ang masasabi ko, nag-iimprove na siya.


Nagagawa na niyang makipag-biruan sa'kin, lagi na siyang nakangiti, tumutulong na sa mga gawaing-bahay at inaalagaan na niya ako na parang talaga kaming mag-asawa.

"Pasok na ako, Aivan. Nakapagluto na ako dyan, iinit mo na lang. Bye!" Hiyaw ko sa kanya tas nagmadali ng mag-sapatos.


"Aivan na naman. Tsk. Ingat ka" Natawa na lang ako sa isipin ko.

Umalis na ako para pumasok sa trabaho ko. Mula nung magkaayos kami ay Aivan na ang tawag ko sa kanya, yun nga lang, ayaw nya kasi di daw siya sanay. Hahaha!


Kabading lang, eh no? Hahaha. Ano ba yan, napag-tripan ko pa tuloy siya. Lol.


Nakarating na ako sa trabaho ko kaya pinarada ko na yung bike ko at pumasok na para makapag-simula.


**

Kauuwi ko lang galing trabaho ng makita kong nakatambak na naman ang mga hugasin sa lababo. Tsk. Sinapian na naman ba yon ng katamaran niya? Hays.

Nagpunta ako sa sala at nakita kong may ilang lata ng beer sa lamesa. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang umiinom don.

"Hoy Aivan. Ba't ka umiinom dyan? May problema ka ba?" Hindi siya kumibo. Tumungga lang siya uli kaya inulit ko ang tanong ko sa kanya, "Hoy. May problema ba?"


"Wala na kami...." Mahina niyang sagot sa'kin. Huh? Wala na?


"Ano? Wala na? Ang alin?"


"Kami... Nakipag-break na siya sa'kin. Hindi na daw niya kaya na puro na lang kami skype. Naiinip na daw siyang mag-hintay" Tumungga uli siya ng alak

Inagaw ko ito at pinatong sa lamesa. Mukhang may tama na to dahil marami na rin siyang nainom ayon sa mga latang nasa lamesa. Hindi naman siya nakibo nung inagaw ko iyon kaya tumabi ako sa kanya.

"Ang sakit palang maiwan. Ganon na lang ba yon? Matapos kong ibigay mga gusto niya, tatapusin na lang nya ng basta-basta? Eto lang naman ang hiling ko eh. Ang maghintay siya. Gaano ba kahirap yung hinihiling ko? T*ngina lang! Bumitaw siya tas sasabihin niyang di na niya ako mahal? Ganon ba kadali tapusin ang lahat nang to para sa kanya?!"

Hinagod ko yung likod niya bago magsalita, "Hindi ko alam kung panong payo ang maiibigay ko sa'yo dahil wala pa naman akong experience sa ganyan. Pero, wag mong ganyanin ang sarili mo dahil lang sa babae. Oo masakit, alam ko yun. Pero pag ba naging ganyan ka, babalik siya sayo? Masakit pero 95% ang chance na hindi na siya babalik pa. Move on. Ipakita mo sa kanyang mali siya na sinayang ka niya"


"Pero umaasa ako sa 5% na natitira. Umaasa akong babalik siya sakin. Masama bang umasa ako kahit sa 5% man lang na yon?"


Napabugtong naman ako ng hininga bago muling sumagot sa kanya, "Wag mong pahirapan ang sarili mo. Kahit saan mo tingnan, ikaw ang kawawa. Awat na. Kung meron mang dapat mang-hinayang sa inyong dalawa, siya yon. Hindi ikaw. Dahil sinayang niya ang isang katulad mo."


Tumingin siya sa'kin at maya-maya pa'y pilit siyang ngumiti. Ngumiti ako pabalik sa kanya, "Think positive lang. Lahat ng yan nangyayari kasi may dahilan. May ibang plano si God para sa'yo"

Hindi siya kumibo. Niyakap niya ako bigla at sinubsob ang mukha nya sa leeg ko. Yumakap na lang ako pabalik. Maya-maya pa ay naramdaman kong basa na ang damit ko at naririnig ko ang pag-singhot nya.

Hinagod ko ang likod niya at naramdaman kong mas hinigpitan pa nya ang yakap sa'kin, "Ang sakit... Kung may paraan lang para mawala to, gagawin ko kahit ano pa yan" Mahina niyang sabi habang humihikbi


"Iiyak mo lang yan. Pero sana bukas tigil na, ha? Wag mong pahirapan ang sarili mo. Dapat maging matatag ka pa rin. Ipakita mo kung sino ang sinayang niya."

Naramdaman kong tumango siya at niyakap pa ako ng mas mahigpit. Hinayaan kong muna na ganito ang posisyon namin, dinadamayan ko siya dahil alam kong kailangan nya ng malalabasan ng hinanakit nya at nang masasandalan ngayon.


Ang sakit palang masaktan... Ayon pa lang sa kanya, sobrang hirap na. Paano pag sa'kin nangyari to? Hindi ko ata kakayanin...

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon