Nijuu-san.

3.9K 56 0
                                    


Ilang araw nang wala si Hara, hindi pa rin siya umuuwi. At nag-aalala na talaga ako. Nung gabing umalis siya, tinadtad ko siya ng text kaso hindi man lang nagreplyan. Tapos nung tinatawagan ko, pinatay na niya yung phone niya at hanggang ngayon nakapatay pa rin.

Galit ba siya? Malamang Tristan, sinong hindi magagalit sa ginawa mo? Tsk. Tinry kong tawagan si tita, baka sakaling nasa kanila.

(Hello Tristan?)

"Hello po. Andyan po ba si Hara?" Tanong ko pagkasagot niya ng tawag ko

(Ha? Wala siya dito. Bakit, may nangyari ba?)

Hindi nila pwedeng malaman na nag-away kami, ayokong mag-alala pa sila. "Ah, wala naman po tita. Maaga po kasing umalis, e naiwan po yung phone niya dito. Kaya po baka napadalaw lang dyan"

(Ganon ba. Wala siya dito e. Try mong tawagan si Ivy, yun lang naman madalas ang tambayan niya)

Napasapo naman ako ng noo ko. Bakit hindi ko naisip si Ivy? Ang laki mo talagang tanga Tristan! "Sige po tita. Salamat po"

(Sige iho) At pinatay na niya yung tawag. Dali-dali kong tinawagan si Ivy, buti na lang may number niya ako.

"Hello?"

"Ivy, si Tristan to"

"Oh? Pake ko sayo? Matapos mong saktan yung kaibigan ko"

Mukhang andon nga si Hara, "Andyan ba siya? Pakausap naman oh. Magpapaliwanag ako"

"Hayaan mo muna si Hara, Tristan. Masyado pa siyang nasasaktan sa ngayon. Ilang araw na rin siyang umiiyak ng dahil sa'yo. Isa kang malaking g*go. Alam mo ba yon? Pakasaya ka dyan sa ex mo. At wag na wag kang pupunta dito! Bye!" Sasagot pa lang ako ng bigla niyang pinutol ang tawag.

Napasabunot na lang ako sa ulo ko. Nakakainis! Gusto ko na siyang makausap.

((I'LL TRY MY BEST NA MAIBALIK KO ULI SA DATI TO. SORRY))

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon