Nijuu-yon.

4.4K 72 0
                                    



Isa... Dalawa... Dalawang linggo na ang nakalilipas. Kinabukasan ng away namin ay dumating si ditche. Nagalit pa nga siya sa'kin at nasampal pa. Pero hindi ako nagalit dahil alam kong tama lang sa'kin yon. Pinapirma niya sa'kin yung papel. Nung una ay ayoko pero hindi niya ako tinantanan kaya sumuko rin ako.



Ang tahimik na nang bahay. Oo aamin kong namimiss ko siya. Pero wala na kami. Ayoko namang maghabol dahil siya na mismo ang nagtaboy sa'kin.



Nabalik ang diwa ko ng may biglang nag-doorbell kaya kahit wala ako sa sarili ko ay tumayo ako para pagbuksan.



Nang pagkabukas ko ay nakita ko ang isang babae na nakangiti sa'kin, "Hello!"



"Ikaw pala. Pasok ka" Pumasok siya kaya sinarado ko na ang pinto.



Umupo ako sa harap ng kinauupuan niya, "Anong ginagawa mo dito?"



"Kinakamusta ka. So, how are you? And, where's Hara?" At inilibot pa niya ang paningin niya



"Wala na kami, Angie"



Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya, "What?! Are you insane?! Bakit mo hinayaan na makawala siya?"



"Ayaw naman na niya. Nag-away lang rin kami nung gabing umuwi siya dito dahil nakita ko silang magkayakapan at hinalikan pa siya ng g*gong best friend niya"



"Yun lang ang dahilan? My goodness, Tristan! Ang babaw mo. Dahil lang don, susuko ka? Wag mong pairalin yang pride mo. Duh~ Hindi yan yung Tristan na kilala ko"



Napailing na lang ako sa kanya. Kahit kelan talaga to. "Ewan ko. Nakipag-devorce na rin naman siya sa'kin kaya ano pang laban ko? Masaya na siya siguro."



"Sa tingin mo masaya siya? Ikaw ang mahal niya. At alam kong mahal mo siya. Lumaban ka nga! Ang tanga mo. Argh!"



"Siguro nga ang tanga ko. Hayaan na. Bahala na si batman." At tumawa ako ng pilit



"Hay nako. Tara na lang gumala. Uuwi na ko sa isang araw. Tapos na ang vacation ko dito. Dali, nang mahanginan naman yang utak mo"

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon