San.

6.7K 113 7
                                    

"Nani?!?! Nahihibang kana ba?!" (Nani = Ano)

Eto na. Sinesermunan na ako ng nanay ko. Nasabi ko na kasi sa kanya at mamayang hapon, makikipag-meet ako kay Tita Dang para makipag-usap.

"Ma, ilang buwan lang naman or sabihin na nating isang taon. Ang bilis lang non"Sagot ko sa kanya habang nililigpit yung mga plato

"Kahit na! Hindi biro ang kasal kahit na sabihin mong papel lang ang gagampanan nyo! Mahirap magpakasal sa taong hindi mo naman gusto"

Humarap ako kay mama at napataas ang kilay ko dahil sa sagot nya, "Ay wow ma, hugot! Pero seryoso ma, alam ko na ginagawa ko. Magtiwala kayo sa'kin ni papa. Kailangan na natin ng pera at eto na lang ang paraan ko para makatulong ng sobra sa inyo!"

"Anak... Kaya namin to ng papa mo. Wag mong itaya ang kaligayahan mo para makatulong. Hindi ba pangarap mo na ikasal ka sa magiging first boyfriend mo?"

Naalala ko na naman yan. Alam ni mama yung pangarap ko na yon. Sabi ko kahit na anong mangyari ay tutuparin ko yon pero kinain ko rin ang mga sinabi ko. Kailangan eh. Eto na lang talaga nakikita kong paraan.

Ngumiti ako ng mapait, "Hayaan mo na yun, ma. At least, made-devorce rin naman kami. Edi hindi ko ico-consider na first ko yun diba? Magtiwala ka sa'kin ma... Kayo ni papa... Para sa inyo to. Kaya please, payagan nyo na ako. Onegai mama" (Onegai = Please)

"Nako naman nak. Sigurado kana ba dyan?"

Tumango ako bilang sagot kaya napabugtong na lang uli ng hininga si mama, "Mukhang matigas talaga ang ulo mo. Basta pag may problema ka, andito lang kami ng ama mo" Ngumiti siya sa'kin kaya napangiti na rin ako

"Arigatou mama!" Pagkatapos ay niyakap ko siya (Arigatou = Thank you)

**

Andito ako ngayon sa bahay nila tita Dang kasama sila Ivee. Ba't kinakabahan ako bigla? Di naman exam to ah! Huhu

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon